Chapter 41

245 10 0
                                    

Nagulat si Ana nung makasalubong nila ni Stan si Nathan habang naglalakad sila sa mall para bumili ng panregalo kay Clay. 

Inakbayan ni Stan ang babae at taas noong tumingin kay Nathan. 

"Nathan?" tanong pa ni Ana at agad ding tumingin kay Stan. 

"Lumayo ka na Nathan!" madiing sabi ni Stan. "Lumayo ka na bago pa kita masaktan!" 

"Stan!" awat ni Ana sabay tingin kay Nathan. "Sige Nathan, mauna na kami." 

Tango lang ang isinagot ni Nathan at humawak na si Ana sa braso ng boyfriend niya at agad na silang pumunta sa direksyon palayo kay Nathan. Malaki ang bawat hakbang ni Stan at feeling ni Ana ay kinakaladkad na siya nito sa sobrang bilis. 

"Stan dahan-dahan lang!" awat niya at nung makarating na sila sa parking lot ay padabog na binuksan ni Stan ang pinto ng kotse.

"SAKAY!" utos niya kay Ana at agad naman itong sumunod. Mabilis na ding sumakay si Stan at malakas ang pagkakasara nito ng pinto. 

Biglang napaluha nalang si Ana kasabay ng mabilis na pagpapatakbo ni Stan sa sasakyan. Na kahit naka-seatbelt na ay parang tatalsik pa rin siya. 

"Stan ano ba??" umiiyak na sabi ni Ana at malakas na pumreno ang lalaki! "Stan ano bang nangyayare sa'yo? Ang bilis bilis na uminit ng ulo mo, hindi ka naman ganyan ah. Galit ka na naman ba sa'kin? Stan naman oh!" 

"Nagkataon lang ba nagkita kayo ni Nathan sa mall o nasa plano niyo talaga?" sarkastikong tanong nito. 

Napailing si Ana at napaluha,
"Mula nung kinidnap ako ni Nathan, naging ganyan ka na. Hindi na ikaw 'yung Stan na nakilala ko. Yung Stan na laging nakangiti, yung hindi mabilis magalit. Stan bakit ka ba nagbago?"

"Hindi mo 'ko masisisi! Hinalik halikan nung Nathan na 'yon ang buong katawan mo at muntik ng may mangyare sa inyo! Kaya kapag naiisip ko 'yon, kumukulo ang dugo ko!!" 

"So wala ka ng tiwala sa'kin ganun ba?" seryosong tanong niya sabay hinga ng malalim. "Ganun ba Stan? Kung wala ka ng tiwala, mas mabuti pang maghiwalay na tayo! Kase kahit anong gawin ko, alam kong lagi ka ng may iisiping masama!!" 

"So ayun nga!" ngisi ni Stan. "You're breaking up with me at dahil 'yon kay Nathan! You want me out of the picture para magkaroon siya ng lugar sa'yo!!" 

"Minsan pala no, kahit binigay mo na ang lahat lahat, hindi pa rin 'yon sapat! Nung isinuko ko sa'yo ang pagkababae ko, akala ko okay na tayo! Hindi pala! Ano pa bang patunay ang gusto mong gawin ko Stan para maniwala kang ikaw lang ang mahal ko? Kulang pa ba yung gabi-gabi mong paggamit sa'kin?? Kulang pa ba 'yon??? Ano pa bang kailangan kong gawin??" umiiyak na sabi ni Ana at napahawak sa ulo. "Stan pagod na pagod na pagod na ko...Hindi ikaw yan eh, hindi ka naman ganyan Stan..."

Natulala lang si Stan at napaisip. Kung bakit kase maya't maya pumapasok sa utak niya ang photo nina Nathan at Ana! Aaminin niya na mula nga nung insidenteng 'yon ay naging madalas na ang mga pag-aaway nila ni Ana. Masyado na siyang naging seloso, demanding at possesive. Pinagbabawalan na din niya si Ana na makipag-usap sa kahit na sinong lalaki. Aminado siyang dati na siyang seloso pero nakokontrol niya at nilalagay siya sa tamang lugar. Pero iba ang ginagawa niya kay Ana ngayon. Sobra niya itong pinaghihigpitan. Alam niyang malaki ang pinagbago niya at hindi siya naging ganon sa mga ex niya, kay Ana lang. Kay Ana lang siya napa-praning! 

"Sorry Ana! Sorry." pakiusap niya na nung medyo natauhan na siya sa mga ginawa niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Ana at hinalikan 'yon. "Sobra lang kitang mahal Ana. I'm madly inlove with you at ayokong maagaw ka ng iba." 

"Kung ibabalik mo 'yung dating ikaw, sigurado akong walang makakaagaw sa'kin. Pero kung ipagpapatuloy mo ang mga ginagawa mo ngayon, wala akong maipapangako sa'yo." 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon