Chapter 44

260 10 0
                                    


Nasa isang maliit na bahay si Ana at inupahan niya 'yon. Squater area 'yon at napakaraming tao. Naka-upo lang siya sa upuang kawayan. Nag-iisip...

"Miss na kita Stan," bulong nalang niya habang naiisip niya ang lalaking mahal niya. "Miss na miss ko na yung dating Stan." 

Naka ilang miscall na si Stan at tinitiis niyang hindi sagutin. Gustong gusto niya ng makausap ang lalaki pero kailangan turuan niya ito ng leksyon. 

Nagulat siya nung may marinig siyang nag-gi-gitara at kumakanta sa labas ng bahay niya. Pamilyar ang boses na 'yon! Sobrang pamilyar! Boses 'yon ni Stan! 

Sumilip siya sa bintana at nagtagpo agad ang mga mata nila ng lalaki. Halata sa mga mata nito ang pagsisisi habang may hawak na gitara at habang kumakanta.

"UMUWI KA NA BABY..
DI NA AKO SANAY NG WALA KA MAHIRAP ANG MAG-ISA..
AT SA GABING HINAHAP-HANAP KITA...
HANGGANG KAILAN AKO MAGHIHINTAY NA MAKASAMA KANG MULI SA BUHAY KONG PUNO NG PAGHIHIRAP...
AT TANGING IKAW LANG ANG
PUMAPAWI SA MGA LUHA AT NAGLALAGAY NG NGITI SA MGA LABI...
UMUWI KA NA BABY..
UMUWI KA NA BABY.." 

Biglang pumatak ang luha ni Ana habang nakatingin siya kay Stan at habang palapit ito sa kanya. Ni walang pakialam si Stan kahit maraming tao ang nanunuod sa kanila dahil matao ang lugar na 'yon. 

"Sorry Ana..." sincere na sabi ni Stan. "Umuwi ka na please?" 

"Stan..pano mo nalamang nandito ako?" nagtatakang tanong ni Ana. 

"Walang imposible sa taong nagmamahal Ana." 

Nagpunas ng luha ang babae,
"Saka nalang tayo magkita ulit Stan, kapag bumalik na 'yung dating ikaw. Yung ikaw, yung ikaw na minahal ko." 

"Eto na ulit ako Ana, ako na ulit 'yung dati. Sorry sa lahat ng nagawa at nasabi ko, pinagsisisihan ko lahat 'yon. Hindi ko kayang wala ka Ana, hindi ko kaya." nakita naman ni Ana na sincere ang mga sinasabi ni Stan. "Sorry, mahal na mahal kita Ana. Mahal na mahal. Mahal mo naman ako diba?" 

"Sobra Stan! Sobra sobra!" naiiyak na sabi ni Ana at agad siyang niyakap ni Stan. 

"Thanks Ana, thanks for giving me another chance." 

Nagulat pa sina Ana at Stan dahil nagpalakpakan pa ang mga tao sa paligid habang magkayakap silang dalawa. 

"Pack your things Ana, iuuwi na kita. But for the mean while, pupunta muna tayo sa bahay namin. Ipapaalam ko na kina mom and dad na ibibigay ko na sa'yo ang apelyido ko. You'll be Mrs. Hernandez as soon as possible." seryosong sabi ni Stan at hindi maipaliwanag ni Ana kung gaano siya kasaya! 

Na-e-excite siyang isipin na magiging Hernandez na siya.

+**+

"Clay, nakita mo ba si Fate?" tanong ni Migo, galing siya non sa kwarto dahil natulog sila ng hapon ni Fate at pag-gising niya ay wala na ito.

"Umalis,may bibilhin daw." sabi ni Clay na busy pa rin sa movie habang si Myzel ay nakatulog na sa couch at naka-unan ito sa kandungan ni Clay. 

"Huh?? At ano namang bibilhin niya??" kunot noong tanong ni Migo at nagkibit balikat lang si Clay. 

Inis na kinuha ni Migo ang phone niya at agad tinawagan si Fate. 

MIGO: Where the hell are you?!

FATE: Wala ako sa hell! Nasa supermarket lang ako! 

MIGO: SUPERMARKET??

FATE: Oo, teka, bakit ka nagagalit? May bibilhin lang naman ako. 

MIGO: EXCITED?? HINDI PWEDENG HINTAYIN MO 'KONG GUMISING? TSAKA FATE NAMAN OH! MAG-GAGABI NA! MAHAMOG NA! NASAN KA? SUSUNDUIN KITA! 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon