Exactly 5pm ay nakasakay pa si Clay sa kotse niya na naka-park sa may munisipyo kung saan sila ikakasal ni Alessandra. Ayaw man niya, pero ito ang pinaka tamang gawin.
Bumaba na siya sa sasakyan at napabuntong hininga muna bago tuluyang pumasok sa loob ng City hall. Hindi niya akalaing ganito kabigat ang magiging resulta ng isang gabing kaligayahan niya sa babaeng hindi niya mahal, it's just lust and no feelings involved.Nakita niyang tumatakbo na palapit sa kanya ang babaeng naka off white dress.
"CLAY!!!" umiiyak sa saya na sabi ni Alessandra at mabilis niyang niyakap ang lalaki. "Buti dumating ka! Thank you!"
"Pakawalan niyo na sina Myzel!" mahina pero madiing sabi ni Clay habang nakayakap sa kanya si Alessandra.
"After the wedding! They will go home safe." nakangiting sabi ni Alessandra. "Tara na sa loob, nandun na yung judge na magkakasal sa'tin. I'm excited to be Mrs. Trinidad."
"Pakawalan niyo muna sina Myzel! Pakawalan niyo muna yung mga pina-kidnap mo. You are the mastermind Alessandra."
"Like what i said, AFTER the wedding!" diin din ni Alessandra.
"At pano naman ako makakasigurado na safe nga silang makakalaya?!"
"Marunong akong tumupad sa pangako Clay! Alam mo yan!" nakangiting sabi ni Alessandra. "Kapag Mrs. Trinidad na 'ko, wala ng masamang mangyayari kina Myzel."
Pumulupot na ang braso ni Alessandra sa braso ni Clay,
"Let's go Clay, the ceromony will start in 5 minutes."Kunot noo nalang na sumabay si Clay papunta sa opisina ng Judge na magkakasal sa kanila.
+**+
Nakaharap na sina Clay at Aless sa Judge at malapit ng magsimula. Pero bago pa man magsalita ang Judge ay may dalawang lalaki na ang lumapit kay Alessandra. The two men are wearing suit. Nagtaka nalang si Aless kung bakit may dalawang hindi niya kilalang lalaki ang lumapit sa kanya. Tumingin siya sa dalawa, yung tingin na nagtatanong.
Nagulat pa siya nung maglabas ng posas ang isa at agad siyang pinosasan.
"Teka!! Ano 'to??!" galit na tanong ni Aless at ang mga kasama niya sa room na 'yon ay wala ng nagawa, maging ang Judge.
"Taga NBI kami Ms. Alessandra. And you are under arrest." otorisadong sabi nung isa.
"WHAT??" tanong pa ni Aless.
"You are arrested for kidnapping!" nakangising sabi ni Clay.
"Kidnapping?? No!! Wala akong kini-kidnap! 'Wag mo 'kong pagbintangan Clay! Don't do this to me! Wala akong ginagawang masama! Wala kang proof na ako ang nagpakidnap kina Myzel!" sigaw ng nagwawalang si Aless habang hawak pa rin siya ng dalawang lalaki.
"Kanina sa hallway, pinag-usapan natin 'yon diba? May mga nakakarinig sa conversation naten and it was all recorded!" nakangising sabi ni Clay na agad namulsa. "You underestimated us! Hindi mo alam ang kayang gawin ng HOT boys Alessandra! Mabubulok ka ngayon sa kulungan!"
"PE----pero-----Ahhh----Yung mga ba---yung mga babae!!! Papatayin sila ng mga tao ko anytime na sabihin ko!! Wag mo 'kong subukan Clay Trinidad!" galit nitong sigaw habang naka-posas at hawak pa ng dalawang lalaki.
Napangisi lang si Clay,
"Just be thankful Alessandra, pasalamat ka at nasa sinapupunan mo ang anak ko! Dahil kung hindi, baka kung ano ng nagawa ko sa'yo!" diin niya pa at tumingin na siya sa mga taga NBI. "Sige na, dalhin niyo na siya kung saan siya nababagay. In Jail!""CLAY!!! WAG MONG GAWIN TO!!! CLAY!!!" sumisigaw pa rin si Alessandra habang nilalabas siya sa kwartong 'yon.
Masyado niya kaseng minaliit ang HOT boys at wala siyang idea sa kayang gawin ng mga ito!
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Novela JuvenilHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...