"Tsk! Baka bigla akong puntahan dito ni Fate! Magagalit sa'kin 'yon! Tsaka nangako ako na uuwi ako agad." sabay kamot sa ulong sabi ni Migo."So ano? Takot ka Fate?" pang-aasar ni Clay sabay inom ng beer. "Antayin niyo lang mag-perform yung performer. Sayang naman ang binayad ko don kung hindi mo makikita diba?"
"Isusumbong kita kay Myzel!" nakangising sabi ni Migo. "Ikaw talaga ang may gusto ng babae eh! Ikaw talaga ang may idea nito asshole!"
"Yeah! Tama ka Migo!" napailing na sabi ni Stan, "Pwede namang walang babae eh. Tingnan ko lang Clay kung anong gagawin mo kapag nalaman ni Myzel na ikaw ang head sa lahat ng 'to."
"Ang KJ niyo! Tsaka pwede ba? Wag niyo kong igaya sa inyo na takot sa mga babae niyo. Walang HOT boys ang duwag!" pikong sabi ni Clay at agad tumunog ang phone niya, pangalan ni Myzel ang nag-flash sa screen. "Wag kayobg maingay ah! I'll talk to Mine!" Nataranta siya at agad na sinagot ang tawag.
CLAY: Hi Mine! Napatawag ka? Hindi pa ba nagsisimula ang party niyo?
Halatang kabado si Clay at natawa nalang sina Migo at Stan.
"Hindi daw siya takot!" pang-aasar na bulong ni Migo.
MYZEL: Eto na, nagsisimula na. Si Fate kase, umalis na dito kanina, inaantok na daw. Nagbilin na tawagan nalang daw kita para sabihin kay Migo na umuwi na.
CLAY: Ah okay, sasabihin ko. I love you mine!
MYZEL: Love you too!
At matapos ng call ay nakahinga na ng maluwag si Clay, hindi niya muna sinabi kay Migo ang bilin ni Fate dahil siguradong aalis na ito agad.
Hindi nila kailangang umalis agad. Kailangang makita muna nila ang special guess sa gabing 'yon.
"Akala ko ba hindi ka takot? E bat nanginginig ka kanina?" natatawang tanong ni Stan.
"Sus! Wala 'yon!" sabi nalang ni Clay na uminom na lang ng alak para makaiwas sa pang-aasar ng mga kaibigan. "Inom lang tayo bro! Cheers!" sabi niya pa at sabay sabay naman silang nag-cheers.
+**+
Panay lang ang inom ng beer nina Ana at Myzel sa may pool side at ganun din ang iba nilang kaibigan. Yung iba naman ay naliligo sa pool.
"Kumusta daw yung party ng mga boys?" tanong ni Ana.
"Hindi ko naman natanong, siguro okay naman."
"Diba kapag Stag party... may babae?" nahihiyang tanong ni Ana sabay inom ng beer.
"Pwede," sabay tango lang ni Myzel. "Pwede ring wala,ano bang sinabi sa'yo ni Stan?"
"Wala naman siyang nabanggit tsaka hindi ko na rin naman tinanong." sagot ni Ana.
May dalawang babae ang nag-uusap malapit sa pwesto nina Ana at Myzel.
"Grabe, naka sabay ko sa restroom yung isang girl, grabe yung suot ah! Sobrang daring!! Siya yata 'yung babaeng sasayaw sa Stag Party ni Stan eh."
Nung marinig 'yon ni Ana ay lumapit siya sa mga babae.
"Ah..May babae!?" gulat niyang tanong."Parang!" napangiwing sabi nalang nung isa at napalunok lang si Ana.
Lumapit din si Myzel,
"Maganda yung babae?""Hm..yeah!" sagot nung babae at nagkatinginan lang sina Ana at Myzel.
"Kalma Ana! Kalma!" pag-papaalala ni Myzel. "Kalma lang okay!!!!! Just calm!" inis niyang sabi at agad tinawagan si Clay.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...