Chapter 50 (Last Chapter)

595 20 7
                                    


Paggising ni Migo nung umagang 'yon sa sofa ay tumingin agad siya sa kama, wala na naman si Fate!! 

"Put@ng in@!!" inis niyang bulong at nagmadali siyang naghilamos sa lababo, namumuro na talaga si Fate! Malapit na itong buminggo!! 

Kakapunas niya lang ng mukha nung bigla pumasok si Fate sa loob ng kwarto at may bitbit itong tray na may lamang fried rice at chicken fillet, meron pang fresh milk. 

"Good morning my King! Breakfast is ready!" nakangiting sabi ni Fate at agad niyang nilagay ang tray sa center table.

"Ano yan?!" kunot noong tanong ni Migo dahil hindi niya ma-gets kung bakit bigla siyang dinalhan ng breakfast ni Fate. Baka may sakit! 

"Dahil ikaw ang KING! Ikaw ang napili ng HOT girls na maging KING sa aming version ng KISS, KILL and KING! Mas bagay diba? Puro K lahat! So since ikaw ang napili naming King, pwede mong i-utos ang lahat mahal na hari!" nakangiting sabi pa rin ni Fate at maya-maya pa ay napangiti na si Migo.

"Gaya-gaya kayo!" natatawang sabi ni Migo.

Natawa lang din si Fate,
"Basta ayun na nga, ikaw ang KING! So ano? May kailangan ka ba? Just tell me." 

"Hindi mo naman 'to kailangang gawin." nakangiting sabi ni Migo. "Hm..sige, kung may ipapagawa man ako sa'yo ay..." 

Naka-abang lang si Fate sa nakangiting asawa. 

"Gusto kong... gusto kong paligayahin mo ko sa kama. Trip to heaven please!" sabay kindat ni Migo at natawa lang si Fate. 

"Akala ko ba naiilang ka sa tiyan ko?" natatawang sabi ni Fate.

"Hindi yan! Akong bahala!" 

"Ah...sige!" nakangiting sabi ni Fate. "Anytime you want Migo!" 

Agad lumapit si Migo kay Fate at hinawakan niya ito sa bewang at kinabig palapit sa katawan niya. 
"Kiss the king!" utos ni Migo at mabilis na hinalikan ni Fate ang asawa. Nalasahan niya na naman ang tamis at lambot ng labi ng lalaki. Halik na hindi nakakasawa, halik na masarap ulit-ulitin. Napapasinghap si Fate sa bawat paggalaw ng labi ni Migo. Damang dama niya ang init ng hininga nito. Saglit bumitaw si Migo at tumitig kay Fate. Binuhat niya ang babae at inilapag 'yon sa kama. "The King wants to come. Pwede na bang pumasok?" seductive na tanong ni Migo.

"You're always welcome my king! Pumasok ka kung gusto mo!" at muling naglapat ang mga labi nila. This time ay mas wild, mas mapusok, mas maalab pero mas punong-puno ng pagmamahal. 

+**+

Paglabas ni Clay sa villa niya ay nakita niyang nakatayo don si Myzel pero nagtuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad na parang walang nakikita. Dinedma niya lang ang babae. Naaalala pa rin niya yung nakita niya sa telescope, ang saya nitong kausap si Chad! 

Pero mabilis siyang sinundan ni Myzel at humarang ito sa dadaanan niya. 

"Clay Trinidad!" pauna ni Myzel. "Inform ko lang sa'yo na ikaw ang napiling KISS ng HOT girls! So you have no choice but to kiss me! Yung torrid para bongga!" sabi ni Myzel at napakunot ang noo ni Clay.

"What are you talking about?" 

"Hindi ka ba familiar sa KILL, KING at KISS?? Diba kayo ang nagpauso non? So now Clay, ikaw ang KISS! So sige na, kiss me!" 

Napangisi si Clay,
"So anong akala mo? Makukuha mo 'ko basta-basta? Hindi mo 'ko mahahalikan kung yun lang talaga ang gusto mo!" 

"Wow naman! Ang taray ah!" natatawang sabi ni Myzel. "Pero sorry Clay, wether you like it or not! Hahalikan mo ko! That's an order!" 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon