Ordinaryong babae lang ako. Makulit, isip bata at boyish kung minsan, pero binayayaan akong mahalin ng isang gentleman, heart throb at varsity player na lalaki.
Grade Five pa lang ako crush ko na siya. Mahilig siyang tumambay sa court malapit sa bahay kaya tuwing umuuwi ako galing skul, lagi ko siyang nakikita. Malapit lang ang bahay nila sa court pero hindi ko alam kung san don, ang alam ko lang, lagi siyang nasa court para maglaro kasama ang mga tropa niya... MAY non nang nagkaroon ng liga sa court at kasali siya. Dahil don, lagi ko na siyang nakikita. Don ko lang din nalaman ang surname at favorite number niya dahil sa jersey na suot niya... lagi nga akong naglalaan ng oras para mapanood at makita siyang maglaro kahit ako lang mag-isa sa terrace ng bahay namin. Nagkaroon ako ng pagkakataong malaman ang pangalan niya. I asked my classmate na kilala siya, he said"Raymond" daw. Ewan ko kung yun nga ang pangalan niya pero dahil yun ang sinabi ng classmate ko, naniwala na din ako.
Nasanay na akong makita siya tuwing uwian sa court, at dahil doon unti-unti nang nawala ang paghanga ko sa kanya. dahil na rin siguro sa hindi ko siya kilala at malayong makilala ko pa siya. Noong High school ako, nagkaroon ako ng mga bagong crush at hindi ko na rin siya ganoong napapansin pag-umuuwi kami ng ate ko galing skul..
Third year high school, lumipat ako ng public skul malapit sa tindahan namin. Nakahiligan ko nang tumambay sa room after class kasama ang best friend ko. We spent 30 minutes to 1 hour para lang tumambay kahit wala naman kaming ginagawa.. August ata yun, Intramurals sa school, maaga pa lang nakatambay na kami sa labas ng room kasama ang iba naming classmates na hindi pa din umuuwi. Kung anu-anong pinag-uusapan namin, nang may biglang isang grupo ng mga lalaki ang dumaan sa harap namin. Tulad nang laging nang-yayari, tatahimik kami para tingnan ang mga dadaan. May isang lalaking nakakuha ng atensyon ko. Pamilyar yung muka nya, parang nakita ko na siya. Biglang pumasok sa isip ko yung guy na lagi kong nakikita sa court. Oo! Siya nga yun! Nagulat ako. Don din pala siya napasok. schoolmates kami. Pagkadaan nila sa harap namin/ko, tinanong ko yung classmate ko kung ano yung pangalan niya. Natawa ako nong nalaman ko ang pangalan niya at hindi pala Raymond. Sobrang common ng name nya, hindi ko man lang naisip na baka yun yung name nya. Dahil sa pagtatanong kung iyon, niloko na nila ako sa kanya, kasi for the first time nagtanong ako ng name ng isang guy sa kanila. Pero hindi rin nagtagal yun dahil nagkaroon ako ng crush sa room.
Minsan ko lang siya makita sa campus. At kung makita ko man siya, hindi siya namamansin at hindi rin siya marunong ngumiti (pero bakit nga ba nya ako ngingitian, hindi naman niya ako kilala). Lagi niyang kasama ang mga barkada niya. Yung ilan sa mga barkada niya naging schoolmates ko pa nong elementary sa private school na pinasukan ko noon. Bukod don, ang dami ko pang nalaman sa kanya. Magaling siyang magdrawing, katunayan isa siya sa mga laging nananalo sa poster making contest sa lahat ng level. Gwapo (cute) siya kaya lagi din siyang inilalaban sa mga pageant. At tulad nang nasabi ko kanina, sporty siya, player siya ng sepak takraw, at hindi lang 'yon, player din siya ng table tennis at magaling din siya magbasketball. Certified athlete kumbaga. Pagdating naman sa lovelife, ewan ko ba kung bakit ang dami ko ding alam tungkol don. Siguro dahil na din sa daming girls na secretly crush siya kaya mabilis na dumating sa akin kung sinu-sino ang mga naging girlfriend niya. FYI, sikat yung barkada nya(SIYA) sa school namin. Nakakatawa nga isipin na yung tatlo sa apat na naging girlfriend niya ay may connection sa akin. Pano ko nasabi?? Yung first girlfriend niya, classmate ko nong elementary, yung second girlfriend niya, pinsan ng classmate ko, at yung third naman ay classmate ko. Nakakaloko di ba. o siguro magaling lang din talaga ako magimagine kaya nakagawa ako ng connection.haha....
Nong fourth year ako, may nagawa akong super nakakahiya. Asa room ako with my best friend na lagi kong kasama at yung hindi ko ganon kaclose na classmate. Nagkekwentuhan kami, nang may biglang dumating. Si crush!! tumambay siya sa labas ng room kasama yung pinsan niya na niloloko ko naman sa best friend ko. Nagtatawanan kami ng best friend ko kasi niloloko namin ang isa't isa. At dahil sa lakas ng trip ko, napalakas ang pagsabi ko sa best friend ko, "hinihintay na ako ni CRUSH". Narinig ng classmate namin yun pero hindi ko alam kung naintindihan nya kung sino yung tinutukoy ko. Naka1 hour na kaming nakatambay sa room kaya naisip na naming umalis ng best friend ko, no choice naman yung classmate namin dahil nasa akin yung susi ng room kaya sumabay na din siya. Nagtataka kami kung bakit paglabas namin nandon pa din sila. At nagulat kami ng inamin ng classmate namin na boyfriend pala niya si Crush. Nakakatawa isipin na yung crush ko na pinagtitripan namin ng best friend ko ay boyfriend pala niya. Nakakahiya...
BINABASA MO ANG
"A Broken Love Story"
RomanceHindi lahat ng love story happy ending.. Pero hindi ibig sabihin non, kakalimutan natin ang mga nangyari. Oo. Nasaktan at umiiyak tayo pero wag nating kalimutan na... Minsan din naman tayong kinilg at naging masaya.. At higit sa lahat marami tayong...