Mula nung Abril ng taon ring ito,
hindi ko inakala ang ganitong suliranin.
Ako ay masayang nagtapos ng hayskul,
hindi ko alam na ang galak ay magwawakas rin.
Ako ay pumasok ng sekondarya ng masaya,
kasama ang aking mga ginigiliw na kaibigan.
Bakit kaya kami sa kolehiyo nagkaiba?
Kelan kaya sila muling masusulyapan?
Nakalipas na rin ang dalawang buwan,
Maraming kakilala ngunit walang kaibigan.
Hindi bat napaka-halaga ng salitang iyon?
Sapagkat ang kaibigan ay hindi madaling makita.
Ilang taon pa kaya ako'y mangungulila?
Sa mga kaibigan kong nasa malayo na.
Hindi bat kay saklap naman?
Di ko nalaman, bakit di ko agad nalaman!
Noong mga panahong akoy isa pang hayskul student,
sana hindi na kami nagkaaway.
Sa bawat delubyong bagyong dumaan,
hindi sana kami lumiban.
Ako ngayo'y lumuluha,
tangis ng pagsuko sa pagiging kolehiyala.
Napaparami ang pagliban,
Hindi na alam kung ano ang patutunguhan.
***
Dedikasyon kanila: Tukayo, Bets, Rah, Keysi at JAS.