Ako ay nakahiga lang nakatunganga sa pader, iniisip kung ano ang magandang gawen, Habang nakatunganga sa aking kwarto gusto ko lumabas kaso napaka init.
Napag desisyonan ko mag laro ng online game sa pc Susubukan ko yung laro na pinapalaro saken ng aking kaibigan. Dinownload ko at ininstall ang game isa itong RPG game ako ay nag register.
I fill up the form, Pinindot ko ang "I agree to terms and conditions" Hinde ko namamalayan na dumikit na aking daliri sa mouse, Nag simula itong manakit pinilit at pinuwersa ko itong tanggalin pagkatapos ng ilang segundo natanggal ko siya, nag dugo ang aking daliri nagkaroon ito ng malaking hiwa, Na patingin ako sa Computer screen masyadong maliwanag pero di ko na realize na hinde galing sa screen yung ilaw kundi sa paligid.
Nasilaw ako at napa pikit, naka ramdam ako ng init ay para ba akong nasusunog di nag tagal,
Ang sakit at ang liwanag ay unti unting naglaho. Dinilat ko ang aking mata, tinignan ko ang paligid. Wala na sa harap ko ang computer, ang totoo hinde ko alam kung nasaan ako. Hinde ito ang normal na mundo
nagulat ako at hinde nag panic, Kakaiba, Tinignan ko ang paligid onti onti sumagi sa aking isipan na nasa loob ako ng Larong yun. nakikita ko sa paningin ko ang sarili kong Level sinubukan kong i click ang Menu pero di gumana, sinubukan ko ulet at ginamit ang aking isip, ito ay gumana.
This time na access ko ang iba't ibang tab pero mamaya na yan dahil sa likod nung mga pinagga-gagawa ko May wolf na naka abang, sumugod ito saken, Ito ay level 4 dahil meron naman akong armas nilabanan ko ito Napapansin ko na napaka gaan ng aking katawan, di katulad ng katawan ko dun sa totoong mundo. Napatay ko ang wolf nag level up ako pero yung Hp ko ay nanatili paren at kakaunti nalang kaya pumunta ako ng bayan upang mag heal.
Nasa malayo palang ay kitang kita mo na ang ibang player, naisip ko na siguro kapag nag salita ako ang mga sinabi ko ay lalabas sa mga chat bubble or sa chat box, naglakad lakad ako at Napatingin ako sa mga player para silang natatakot at nag tataka halos ang iba sakanila ay naka hawak sakanilang mga ulo, Kinausap ko ang isa sa mga player tinanong ko kung baket siya hinde mapakali sumagot siya saken "nasaan ako?? Bat ako nandito!? Nag lalakad lang ako sa isang eskinita tapos may malakas na liwanag ang pumaligid saken!!" akala ko siya ay NPC lang kaya nag tanong din ako sa iba
Nag tanong pa ko sa iba at mukang iisa lang sila ng sinabi, may ibang bagay na ginagawa at may nakita silang liwanag. tumingin tingin pa ko at may nakita akong high level na player level 90, kinausap ko siya at tinanong "Uhhmm.. ano... hmm player ka din dito tama?" sumagot ito sa akin "oo player nga ako.. at least, dati." napahawak ito ng mahigpit sa armor nya, di ko nalang ito pinansin
nagtataka ako kaya tinanong ko pa siya, "dati? Ano ang ibig mong sabihin?" Napangiti ito sa akin at sumagot, "matagal ko ng nilalaro ang game sa pc nung ako ay hinde pa busy, katulad nila may iba din akong ginagawa nag rereview ako para sa exams" huminga ito ng dahan-dahan at dinugtungan pa ang kanyang sinabi "lahat ng player na nandito sa tingin ko ay galing din sa ating mundo, iba sakanila walang alam, may mga bata at matanda din yung pisikal na anyo nila? ay nanatili nalang dito"
sinagot ko siya "kung ganoon may kinalaman ito sa liwanag, tama ba? Kung ganitong karaming tao ang nawala, tiyak mag papanic ang bansa." napa pikit ito at tumingin saken ng diretso "pwera nalang kung ang buong tao sa bansa, no, hinde bansa kundi ang buong tao sa mundo ang napunta dito" Labis ko itong kinagulat pero nag tataka ako kung paano niy na maintain yung level nya at character
kaya tinanong ko siya about dito, "for sure, sa mga nakapag laro na ng game na to naiwan yung mga stats nila pati ang mga appearance, samantala tignan mo yung iba, Yung iba sakanila hinde pa nilalaro ito pero may mataas na level, kaya satingin ko naka salalay sa achievement mo sa totoong buhay KUNG hinde mo pa nalalaro ang game" at dun naisip ko kung baket level 1 palang pala ako ay sumabay ako sa saktong oras ng pag lipat sa mundong ito. Ngayon, sinisimulan ko ng isipin na, kung mga tao ba na galing sa orihinal na mundo ang napunta dito o ang mundong ito ang napunta sa mundo namen.
part 1 END
BINABASA MO ANG
Beyond
AdventureIsang bored na lalake ang napunta sa ibang mundo ano kaya ang kahahantungan niya sa bagong mundo na ito?