Abot dibdib na tubig ang kinalalagyan
Natulog sa kasinungalingan
Na mapunan ang patlang
Nilalamig sa pag-asa na titila ang ulan
Nagising sa katotohanan
Na malulunod nalang
Hangin sa dibdib ay unti unting lumilisan
Nabuhay sa kamatayan
Ng pangakong walang
-- HANGGAN
-gns