Someday

4 0 0
                                    

Someday

"Uy, Aizy, diba 'yun 'yung crush mo?" Ani ni Nicole at tinuro ang maputi at matangkad na lalaking dumaan sa harap namin.

"H'wag ka ngang maingay! Baka marinig ka!" Sabi ko at tinakpan ang bibig niya, inalis niya agad ang kamay ko sa bibig niya.

"Sus, nahiya ka pa. Baka nga alam na ni Kuya Angel na crush mo siya eh." Biglang nagsalita si Shalom, inakbayan niya ako.

"Uy, h'wag naman. Hindi niya alam 'yon." Sabi ko habang nakasimangot, nawala naman na si Kuya Angel.

"Aizy!" Sigaw ni Maggie na nasa tapat ng building namin, "Si Clirro oh!" Tinuro niya si Clirro at bigla itong tumingin sa kaniya, tumakbo palapit sa'kin si Maggie at sinabing, "Clirro, Aizy nga pala. Crush ka nito." Nakangising niyang sambit, tinignan naman ako ni Clirro.

"Hala! Hindi kaya, h'wag kang maniwala dito." Sabi ko at tumingin kay Maggie, tumango naman si Clirro at pumasok sa classroom nila. Hinila ko sila papasok ng classroom, baka magturo na naman sila ng crush ko. Sa sobrang dami ng crush ko, kahit saan ako pumunta may nakikita akong crush ko.

"Ayieee, alam na ni Clirro na crush mo siya." Sabi ni Shalom at tinulak-tulak ako.

"Kinikilig na si Aizy." Tukso ni Nicole.
Napatigil naman sila nang magsalita si Sir Zamora.

"Good morning, class." Sabi ni Sir at bumati kami pabalik. Nagsimula na siyang magtawag ng pangalan para sa attendance. "Xavier." Tawag ni Sir ngunit walang sumagot, tinignan ko ang upuan niya pero wala siya, baka nasa canteen pa.

"Sir, present!" Malakas na boses ang narinig namin mula sa pinto.

"Late ka na naman!" Sabi ni Sir at ngumiti lang si Zion. Tumingin ito sa'kin at lalong lumawak ang ngiti niya. Nagtawag naman ulit si Sir.
Siya si Zion Xavier, manliligaw ko. Gwapo, matangkad, maputi, makinis ang balat, matalino, at sweet. Saan ka pa diba? Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang magustuhan si Zion. Anim na buwan na siyang nanliligaw sa'kin, hindi niya naman ako minamadali o pinipilit, sabi niya iintayin niya ako hanggang sa pwede na maging kami. Almost perfect pero hindi perfect kasi hindi pa sa kaniya ang babaeng gusto niya.

"Ngiting-ngiti sa'yo si Zion ah. Sagutin mo na kasi." Sabi ni Nicole sa'kin. Dinaldal pa rin ako ni Nicole at kinukulit niya ako kung bakit hindi ko pa sagutin si Zion.

"Tanguilig." Tawag sa'kin at nagpresent naman ako.

Next subject ay vacant kaya nanahimik lang ako sa upuan ko at nagcellphone. Lumipat ng upuan si Nicole para makipagdaldalan kay Shalom, Maggie, at Yazmine. Bigla namang tumabi sa akin si Zion.

"Tahimik ka yata?"

"Bored ako." Simpleng sabi ko habang nakatutok sa cellphone ko.

"Tara!" Sabi niya, "Sa canteen, ililibre kita ng ice cream. Baka sakaling ngumiti ka." Sabi niya habang nakangiti sa'kin. Ngumiti naman ako at sumama sa kaniya. Pumunta kami ng canteen at bumili siya ng ice cream, tig isa kami.

"Thank you." Sabi ko habang kumakain ng ice cream.

"'Pag bored ka, sabihin mo lang sa'kin, aayain kitang kumain." Sabi niya at tumango lang ako. Nakita kong dumaan si Kuya Angel kaya napatingin ako sa kaniya. "May nakita ka na namang crush mo." Naka-ngiting sambit ni Zion pero halatang pinipilit lang niya.

"Sus, tara na sa classroom. Baka hinahanap na tayo." Sabi ko at hinila siya.

"Wala naman tayo, hindi mo pa ako sinasagot diba." Napatingin ako sa kaniya, "Joke lang. Tara na nga." Sabi niya at hinila ang kamay ko.

Nang makabalik kami sa classroom ay pumunta na siya sa mga kaibigan niya at nagkulitan naman kami nila Nicole. Daldalan ang ginawa namin hanggang matapos ang klase. Sabay sabay kaming lumabas ng gate at naghiwa-hiwalay din doon. Nakita ko si Zion sa gate na parang may hinihintay.

SomedayWhere stories live. Discover now