Ang Malandi kong Ballpen

46 0 0
                                    

Fourth year college ako ng maging classmate ko ang taong crush na crush ko. First year pa lang kami, crush ko na siya. Pero saklap, never kaming naging classmates. Sa tuwing school opening, pumupunta ako sa simbahan para hilingin kay Lord na sana maging classmate ko siya.  Kaya nung nakita ko sa bulletin board na magiging classmate ko siya that year, sobrang saya ko. No word explained how I felt, closest was para akong nanalo ng milyun-milyon sa lotto.  Dahil parehong starts with letter "V" ang last names namin, malamang sa malamang magiging groupmate ko siya at katabi sa upuan.

Heto na ang 1st day of classes.  Umupo ako sa bandang likuran dahil malamang doon na naman ang bagsak ko. Malapit na ang first period namin pero wala pa siya. 10 minutes after mag-start ang class namin, may na-aninag akong pumasok mula sa likuran. Hindi ko naman tinignan kase busy akong kumokopya sa blackboard. Hanggang sa may narinig akong boses, boses na mula first year ako nadidinig ko na. "Excuse me, may naka-upo ba dito?" tanong niya sa akin. Habang hawak hawak ko ang ballpen ko, tumingin ako sa kanya ng slow-mo, mas slow-mo pa sa scene kung saan nagkita na finally sina Richard Gomez at Dawn Zulueta dun sa She's Dating the Gangster. With my malanding voice, sabi ko sa kanya "Wala, you can sit" sabay bagsak ko nung hawak hawak kong ballpen. "Ops! nalaglag. Sarreh" sabi ko. Agad naman niyang pinulot at ibinigay sa akin. "Buti na lang ballpen lang ang nahulog noh? Panu na lang kaya kung ang puso ko nahulog sa'yo?" sabay tawa ako. Ngumiti naman siya sabay tanong "May extra ballpen ka pa?" In my mind, I was like "What?! 1st day na 1st day walang kagamit-gamit to! So ganito to hanggang matapos ang school year?" Kinuha ko naman ang extra pen ko sa bag at ibinigay sa kanya.

Dumaan ang mga araw... buwan. Sobrang naging maganda ang samahan namin.  Laging kami ang magkasama. Sa projects, reports siya lagi ang partner ko. Minsan lumalabas na din kaming dalawa lang.  Pero dumating ang isang araw na bigla na lang siyang hindi namamansin. Bigla na lang na hindi na niya ako kinikibo. Tinanong ko siya kung may problema ba? Sabi naman niya, wala daw. Pero hindi ako naniwala dahil ibang iba na talaga siya. Ang sakit sakit sa loob dahil hindi ko alam kung anu ba ang nagawa kong mali at ganun na lang ang trato niya sa akin. Umabot ng halos isang buwan na hindi niya ako pinapansin.

Nagkaroon kami ng individual reporting. Naging alphabetical ang pagpre-present ng report.  Nang malapit na akong matapos, pumunta siya sa harapan para i-prepare naman ang report niya. Siya na ang nagreport.  Lahat ay tutok na tutok sa kanya. Ang galing galing din naman kase niyang magreport. Nang malapit na siyang matapos, biglang may video presentation sa harapan habang tutok na tutok pa rin kami.

"Mayroon akong crush. First year pa lang, napapansin ko na siya. Hindi ko alam kung bakit, pero ibang iba ang dating niya. Gustung-gusto ko siyang makilala at kausapin pero nahihiya akong i-approach siya. Every school opening, pumupunta ako sa church para hilingin kay Lord na sana maging classmate ko siya. Pero ang saklap kase mula 1st year hanggang 3rd year, hindi kami naging classmates.  Kaya nung nalaman ko na classmate ko siya this year, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Walang salitang sasapat upang ipaliwanag.  Siguro ang pinakamalapit ay para akong nanalo sa lotto.  Habang nagiging malapit kami sa isat-isa, tinanong ko ang sarili ko kung gusto ko lang ba siya o gustung-gusto na?  Kaya pinili ko munang hindi magparamdam sa kanya para malaman ko talaga kung anu tong nararamdaman ko.  Sa halos isang buwan namin na hindi pagkikibuan, isa ang napatunayan ko. At sa harap ninyo, gusto kong ipagsigawan na gustung gusto ko siya... gustung gusto ko na siya 1st year pa lang ako"

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa likod. Hiyawan ang mga classmates namin. Nang malapit sa siya sa likod, nakatingin na lahat ang mga classmatres namin sa likod.  Titingin din sana ako sa likod, kaso ako na ang pinakalikod. Kung titingin pa ako, mau-untog na ako sa pader. Lalong lumakas pa ang hiyawan nang huminto siya sa harapan ko.  Naglabasan na rin ang mga ibang estudyante  mula sa ibang rooms at naki-usyoso. Lumuhod siya sa harap ko, kinuha ang kamay ko at hinalikan.. Akala ko sa teleserye lang nangyayari ang ganito. Feeling ko that time, ako si Chichay at siya si Joaquin. Ang lakas makaPBB teens! At ayun na nga, tinanong niya ako ng tanong na masasabi kong made my world to turn upside down. Tanong niya sa akin, " Can you be my boyfriend?"

Ako po si Reneboy, at ito ang lovestory namin ni Gerardo. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Malindi kong BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon