Chapter 29

24.7K 473 14
                                    

Chapter 29 ~ Kasal

Mia's POV:

"Ako na nga Bryle, mali-mali naman ang ginagawa mo." Inis kong angal nang pilit niyang ipinasusuot ang butas na para sa ulo ng gown.

Kanina ko pa napapansin na parang lutang ito. Hindi alam ang ginagawa at kanina pa nagkakamali sa mga pinagsasabi.

"Tss!" Pasaring niya.

Kaya naman, hindi na ako umasa sa tulong niya. Sa pagtanggal lang naman ng damit ko ang naitulong niya. Pati bra ko siya na rin nagtanggal.

Pero syempre sinabihan ko siyang pumikit para hindi niya makita ang dapat na makita kahit na alam ko namang nakita na niya 'yun noon pa.

At nang masuot ko na ang gown, naglakad ako papunta sa full-sized mirror dito sa kwarto. Kasya pa naman ito sa akin.

"See? Kasya pa 'yan sayo kaya ayan tuloy, napagod ka pa." Pailing-iling na saad ni Bryle na nakatingin sa akin mula sa salamin. Umupo ito sa paanan ng kama at pinagkrus ang mga braso.

"Naniniwala ka pa ba pamahiin tungkol sa pagsusuot ng wedding gown bago ang kasal?" Tanong ko. Umiling ito.

Napatayo siya at lumapit sa akin. Yumakap ito sa aking bewang at ibinaon ang mukha sa aking leeg. Nang biglang may kumatok sa pinto. 

Napabalikwas kaming dalawa at inayos ang aming sarili bago pagbuksan ang pinto. Si Brenda pala. 

"Sir, pinapasabi po ni Madame na nagbago po ang plano. Kayo daw pong mga kalalakihan ang pupunta sa isang hotel at doon gaganapin ang magiging kasiyahan niyo. Habang ang mga kababaihan naman ay dito."

"Bakit binago pa? Okay na ang lahat ah?" Nakakunot-nong tanong ni Bryle. Nagtataka din ako ngayo'y naayos na kanina na kaming mga kababaihan ang aalis.

"Ang Lola niyo po ang nag-utos. Ayon daw po iyon sa pamahiin." Sagot ni Brenda. May pamahiin bang ganon?

"Sige. Pakisabi sa kanila na makikikain ako dito." Saad ni Bryle at agad na nagpaalam si Brenda na bababa na.

"Hindi ka ba nahihiya na magpapahintay ka sa kanila?" Tanong ko nang kaming dalawa na lamang ang naiwan. Tinulungan niya akong alisin ang gown.

"Whatever. Call me if you need help here." Sagot niya at hinalikan muna ako sa noo bago lumabas ng kwarto.

Medyo natouched ako sa klase ng paghalik niya. Pakiramdam ko, ginagalang niya ako. Wala sa oras na napangiti ako habang tinitignan siyang lumabas ng kwarto.

Panay hiyaw sina Eunice at Grace sa mga kalalakihan na nakabonnet na akala ko'y gagahasain kami pero nagkamali ako. Sila pala ang hinire nilang mga macho dancer.

Natatawa ako sa props nilang baril na laruan lang pala. Lima silang lahat at pare-parehas na malalaki ang katawan. Gumiling-iling pa ang mga ito sa harap ko.

Kanina pa text ng text sa akin si Bryle pero hindi ko siya mareply'an dahil busy rin kami dito. Kinuha nga rin nila ang cellphone ko nung panay ang tingin ko dito.

"Have some fun iha. Hindi ka na dalaga bukas kaya lubus-lubusin mo na." Saad ni Lola pagkatapos niyang kuhanin ang phone ko na may panibagong text galing kay Bryle.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon