Progolue.
*BANGBANG*
“TAKBO PROTEKTAHAN ANG MGA BATA!”
“LUMABAS KA JAN KUNDI PAPATAYIN KITA!”Napatakip nalang ako sa dalawang magkabilang tenga ko. Mga putok ng baril, sigawan ng mga tao.
Nasa lugar ako kung nasaan ang kapahamakan.Mali ang pinasukan ko.
Hindi ito ang gusto kong buhay.
Gusto ko ng kapayapaan.17 palang ako pero ikinasal na ako sa taong mahal ko. Ang akala kong magandang buhay ay isa lang palang bangungot. Mali ang iniisip ko.
Sumapit ang ala-sais natapos din ang kaguluhan. Ngunit wala pa siya. Wala pa ang asawa ko.
“Anak!” napalingon ako sa tumawag saakin. Si papa.
“Pa! Bakit po nandito ka? Baka mapahamak ka po” nag aalalang sabi ko.
“Yun nga ang pinunta ko dito. Tara na anak ko. Uwi kana sa bahay. Hindi ka nararapat dito.” malungkot na sabi ni papa. Napangiti ako ng mapait.
“Pa. Dito ako masaya.” sagot ko.
“Nak. Eto ba ang definition mo ng masaya? Hindi ito masaya anak! Please umuwi kana. Hiwalayan mo na yang asawa mo.” tumulo na ang luha ng papa ko kaya hindi ko na din napigilan ang maluha.
“Pa, mahal ko po si Lucas. Hindi ko siya kayang iwan.” maluha luha kong sabi.
“Anak, sinasabi mo lang yan. Pero makakaya mo yan. Masasanay ka din. Madami kapang makikilalang lalake kesa sakaniya. Please anak. Tama na. Once and for all hanapin mo ang tunay na ligaya!” lalo akong naiyak sa sinabi ni papa.
Kaya sa huli sumama ako pauwi.
Dumating ang kinabukasan.
Bumalik ulit ako kay Lucas.Napangiti ako ng makita ko siya.
Pero nabigla ako ng may mga pulis na dumating at hinuli siya. At meron siyang divorce paper.
“Bago niyo ako ikulong. Papalayain ko muna itong asawa ko ” sabi niya sa mga pulis.
Kahit gulong gulong ako lumapit ako sakaniya.
“Anong ibigsabihin nito?” malungkot na tanong ko.
“wag mo na akong alalahanin. Pirmahan mo na itong divorce paper para maging malaya kana. Maging malaya kana saakin.” bigla akong naiyak sa sinabi niya.
“Lucas.. Diba sabi mo di mo ko iiwan?” naiiyak na sambit ko.
“Tama na. Naghihintay na ang mga pulis. Pirmahan mo na."
"Oo nga miss. Pirmahan mo. Tagal”
Kahit ayoko. Pinirmahan ko padin.
Ang sakit. Na palayain ka ng taong mahal na mahal mo.***
Pagtapos ng pangyayare pumunta ako sa paborito kong lugar.
Yung pinaka tahimik at puro ilaw lang ang makikita doon.
Ngunit may nakita akong isang tao.
Naka takip siya ng isang maskara na nakangiting maskara.Sa palagay ko lalake siya.
Umupo nalang ako malapit sa tabi niya at napasinghap.
“May problema kaba?” napalingon ako sakaniya. Na nagulat.
“Oo. Madami.” sagot ko. Ewan ko ang gaan ng pakiramdam ko sakaniya.
“Mga tao ang bilis isipin ang mga problema pero ang solusyon nahuhuli.” ang soft niya din magsalita. Tumango nalang ako. “Tama ka.”sagot ko.
Madami din kaming napag usapan tungkol sa buhay. Medyo parehas kami ng karanasan dahil siya iniwan siya ng taong minamahal niya kinuha na daw ni Lord tanggap naman na daw niya yun.
Hanggang sa umalis na din siya. Pero diko lang man nalaman ang pangalan niya.
Tama nga siya. I need to start a new life.
Sa ngayon tatanggapin ko na ang lahat.
----->>
ITUTULOY