Labis na nagulat hindi lamang ang Alpha pati narin lahat ng nasa loob ng silid dahil sa kakaibang nangyayari sa batang mate ng alpha
Biglang itinaas ni Daseri ang kanyang kamay na nakatutok sa alpha na dahilan nang biglang pagtalsik nito sa labas ng bintana na kinabagsak nito sa ibabaw ng isang sasakyan.
Kahit mataas ang pagkakahulog ay hindi naman nya ito ininda at agad na nakatayo.
Nilapitan naman sya ng ibang delta at tinignan kung maayos lang ba ang lagay nito pero agad nyang hinawi ang mga ito at agad a tumakbo papunta sa library.
Gulat na gulat ang mg council dahil sa ginawa ng mate ng alpha,tatakbo na sana sila para tignan ang kalagayan ng kanilang alpha pero mga nagliliparang libro ang nagpatigil sa kanila dahil tumama ito sa kanila.
Mabilis na naka akyat si Zerux pero ang sumalubong sa kanya ang napakagulong silid.
Nangkalat ang mga libro at mga sirang gamit, at mga bunog mula sa nabasag na mga vase at glass window.
Agad nyang hinagilap ang kanyang mate pero wala na ito sa loob ng silid,napansin nya na may nagkakagulo sa hagdanan na papunta sa mas mataas na bahagi ng palsyo.
Agad nya itong pinuntahan at nakita nya ang ilan sa mga delta at member ng council na umiilag sa mga nalalaglag na gamit mula sa mas mataas pa na palapag ng palasyo.
Paikot ang disenyo ng hagdan pero kahit di nya makita kung sino ang ng babato ay alam nya na ito ang kanyang mate.
Napabuntong hininga sya bago ng salita
"Dadalhin kita sa kanya!"sabi nya na kinatigil naman nito ng pangbabato,sinilip nya ito at nakita nyang meron itong dala dalang maliit na vase na nagbabantang ipupukol sa kanya.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"tanong nito sa kanya.
"Basta ibaba mo lang yang hawak mo at hayaan mo akong makalapit sayo" kalmadong sabi nya rito.
"Pangako?dadalhin mo ako kay kuya Roki?"sabi nito habang garalgal pa ang boses dahil sa pagkakaiyak nito
Pala narin ang kakaibang marka sa pisngi nito,at bumalik narin ang dating kulay ng mga mata nito na namumugto dahil kakaiyak.
"Oo,pangako"sabi nya na agad namang binitiwan nito ang hawak hawak nitong maliit na vase bago umupo sa dulo ng hagdanan tila pagod ito dahil sa nangyari.
Nilapitan nya ito at tinabihan kitang kita nya na pawis na pawis ito dahil sa pagod.
"You should rest first before we visit to him " sabi nya rito
Tinignan sya nito,nakita nya ang namumula nitong ilong dahil siguro sa pag iyak nya.
"Hindi ko naiintindihan ang lenguwahe mo" tila nahihiyang sabi nito sabay yuko.
Napangiti naman sya,mayamaya pa ay binuhay nya ito ,hindi naman ito nagpumiglas hindi katulad kaganina.
"Saan mo ako dadalhin? "Tanong nya rito habang nakatingin sa mga member ng council at ilan sa mga delta na nakayuko,alam nyang ang lalakeng kasama nya ay mayroong mataas na katungkulan sa kahariang ito.
"Kumain ka muna alam kong gutom ka na"hindi naman ito umalma dahil t totoo naman ang sinabi nito dahil hindi p talaga sya kumakin mula kaganinang umaga kasi hindi naman umuwi si Roki.
Pagdating sa dinning area ay namangha si Daseri sa nakikita nya,napalaki ng buong kainan,merong mahabang mesa na may 20 na upuan sa magkabilaan.
Kulay ginto ang lamesa at upuan ,meron ding napakagandang chandelier sa ibabaw nito. Napapaligiran ng magagandang paintings ang dingding at katapat ng hapag kainan ang isang napakalaking bintana na may magandang view ng isang lawa sa di kalayuan,katabi rin nito ang kulay pula na kurtina. Pinaghalong gray,pula at ginto ang buong silid kaya nagmas mukhang pang royal ang buong dining area.
![](https://img.wattpad.com/cover/162046784-288-k656326.jpg)
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...