Chapter | One

1.7K 25 4
                                    

Sabrina | Mabilis akong bumangon sa'king kama. Pawis na pawis ang aking katawan at hinahabol ko ang aking hininga. Tuyot na tuyot ang aking lalamunan at para bang ilang taon akong hindi nakatikim ng tubig. Bumaba ako sa may kusina at agad na nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso mula sa fridge. Tila nanlamig din ang aking utak nang madampian ng tubig ang aking nanunuyot na lalamunan. Kasunod no'n ay tila bumalik na ang lahat ng aking alaala.

        Unti-unti akong nawawala. Para akong natutunaw sa hangin habang nasa balkonahe kasama ang buong grupo pati si Smoke. Pinipilit akong hawakan ni Emerson pero para akong buhangin na pilit kumakawala sa kanyang mga palad. Hanggang sa tuluyan na akong naglaho at wala na akong nagawa kundi isigaw ang pangalan niya at magmakaawa sa Diyos na sana ay iligtas niya. Sa isang kisap-mata ay nasa isang lugar ako kung saan napapaligiran ako ng apoy at kumukulong langis. Naaamoy ko rin sa paligid ang nakakasulasok na amoy na nagpapabaligtad ng aking sikmura. Naririnig ko ang maraming boses na humihingi ng tulong at kapatawaran sa Diyos para sa kanilang mga kasalanan. Doon ko natanong sa sarili ko kung nasa impyerno na ba 'ko?

        Hindi ko alam, sagot ko sa'king katanungan. Pero malamang sa malamang ay ito na ang lugar na kinakatakutan ng mga makasalanan.

        "Welcome to hell," bati ni Martha na bigla na lang sumulpot sa'king harapan. Lumapit siya sa'kin at akma sana siyang hahalik sa'king pisngi pero mabilis akong lumayo sa kanya. "Mukhang takot na takot ka Sabrina."

        Unti-unting nagbago ang itsura niya. Ang mga mata niya ay binalot ng itim at wala na akong makitang puti. Ang buto ng kanyang pisngi ay tila lumalabas sa kanyang balat dahil sa katulisan nito. Ang kanyang buhok ay naninigas at tila may sungay na lumalabas sa gitna ng kanyang lo. Lalong naging pula ang kanyang mga labi at mas lalong kumakabog sa'king dibdib ang takot.

        Demonyo nga siya, sabi ko sa sarili ko.

Naglakad ako patalikod umaaasang meron sanang labasan sa kinalalagyan ko ngayon pero mabilis na gumalawsi Martha at hinawakan niya ang braso ko nang kay higpit.

        "Saan ka pupunta?" mahinahonniyang tanong pero ang tinig ng boses niya ay kakaiba, nakakatakot.

        "Maawa ka Martha, pakawalan mo na 'ko."

        "Your soul is mine. Ibinenta na 'yan ni Emerson four years ago.Kaya kung iniisip mong makakawala ka pa dito, hindi na Sabrina. Habangbuhay ka nang titira dito sa impyerno!" Tumawa siya ng malakas at ang takot ko ay hindi nabawasan datapwa't nadagdagan. "Servus!" sigaw ni Martha.

        Mula sa kumukulong langis ay nagsuka ito ng dalawang matatangkad na lalaking nakasuot ng itim. Kapwa sila may mga balot sa ulo kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha. Lumapit sila sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang-braso.

        "Alam niyo na kung saan siya dadalhin," ani Martha. 

        Kumurap ako ng ilang beses at hindi ko napansing napakahigpit na pala ng pagkakahawak ko sa baso na para bang pwede ko na itong basagin sa'king mga palad dahil panggigigil. Huminga ako ng malalim atsaka inilapag ang baso sa mesang nasa tapat ko. Inayos ko ang nakabugkos kong buhok atsaka muling tumingin sa malayo, sa labas ng bintana ng kusina.

        "Saan niyo 'ko dadalhin?" tanong ko sa dalawang lalaking napakahigpit ng pagkakahawak sa'king dalawang braso. "Please, pakawalan niyo na 'ko," pagmamakaawa ko.

        "Supplici sibi sumat quid cell?" tanong ng lalaki sa'king kanan sa kasama niya na para bang hindi narinig ang pagmamakaawa ko.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon