62

3.5K 49 3
                                    

It's time to get Laila.


Matapos ng pag-uusap namin nila Tita Danielle ay agad na kaming tinawag ni Marc. Ready na ang lahat.



"Son, be careful okay?" Dad tapped me in my shoulder. Mom hug me and also Beatrice.



Grabe ang kaba ko ngayon. Hindi namin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Wala akong alam sa mga hakbang ng kalaban namin pero ang alam ko lang is I need to save Laila. Laila is my top priority here.



Nagsipagsakayan na kami sa mga van na nakahanda. Mahigit sampu ang sasakyan na dala namin. Talagang madami ang tauhan na nakahanda si Marc para rito. Mas mabuti daw na mas marami dahil malaking organisasyon ang kinakalaban namin.



"Nervous?" tanong sa akin ni Marc.



Katabi ko sya sa kanan at sa kaliwa naman ay si Tita Lilia. Bumabyahe na kami sa pagkakataon na ito. Madilim parin dahil madaling araw palang. Kakaunti palang ang pahinga ko pero hindi ako nakakaramdam na ng antok at pagod. Mas nangingibabaw sa akin ang determinasyon na makuha si Laila.



"Yeah." diretsya kong sagot.



Tumawa ito at inilihis ang paningin sa dinadaanan namin.



"Me too. We lost Laila 16 years at kung kailan pwede na namin sya makasama ay bigla na naman syang nawala sa amin." malungkot na sabi nito.



I tapped his shoulder and smile.



"I'm sorry." rinig kong sabi ni Tita Lilia. Ngumiti lang si Marc at hindi na sumagot.



"Mababawi natin sya." pangpapalakas ng loob ko sa aming lahat.



Walang gaanong sasakyan sa mga nadaraanan namin. Madilim at mukhang probinsya na ito.



Tumigil ang sasakyan sa abandonadong gusali. Andito na ba kami?



Bumaba si Marc kaya sumunod ako. Bumaba din ang mga tauhan na kasama namin pati na rin si Tita Laila.



"Dito kami mag-aantay. Dahan-dahan kaming gagalaw. We will monitor the area bago lumapit sa inyo at baka makatunog sila. There is GPS sa van na 'yan. 'Yan na ang gamitin nyo pagpunta doon. Beep the button sa earpiece mo once na maging failed ang mission na ito. Be safe." sabi ni Marc sa amin.



Tumango kami ni Tita Lilia sa kanya at agad na sumakay ng van. Ngayon ay kami nalang dalawa ang magbabyahe patungo sa lugar na binigay nila.



Ang totoo kasing plano na naisip ko ay dalhin lang si Tita Lilia bilang bait sa kanila. I know they need Tito Arturo too but this is the possible way na pwede naming gawin. Kung magkaroon man ng aberya ay may alas pa kaming hawak which is Tito Arturo. Tita Lilia said na hindi nila pepwedeng saktan ang hostage na hawak nila na si Laila kung hindi buo ang binabawi nila sa amin.



Si Tita Lilia ang kasama ko because she insisted at medyo mas malaki ang tama ni Tito Arturo at kailangan pa nyang magpagaling ng husto.



Ano man ang kalabasan ng pagbabawi namin kay Laila ay dapat na masiguro ko na ligtas sya.



"Mukhang ito na ang lugar na iyon." banggit ni Tita Lilia.



Ang binigay nilang lugar ay isang gubat at nasa gitna doon ang gusali na kinakalagyan ni Laila.



"Mukhang dito nalang itong sasakyan. Kailangan na nating maglakad." tumango ako sa kanya at lumabas na ng sasakyan. Lumabas na din sya at sabay na kaming naglakad papunta sa loob.



HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon