Kabanata IV:Heneral

1K 42 1
                                    

Ayra POV.

Mas lalo tuloy nadagdagan ang mga katanungan sa isipan ko.

Una sa lahat, bakit may mga nagsasalitang mga bagay,pangalawa sino yung sinasabi nila na Heneral may pinuno ba ng mga sundalo rito.

Pangatlo, bakit andito pa ako, bakit hindi pa ako tumakas, bakit ang antique ng mga nandito, bakit ang lawak nang silid, bakit ba. Bakit ba ang ganda ako.

Of course,i know right.I am half British and Filipino. Pero nanaig parin ang kagandahan ko bilang pilipina,at yun ang mas gusto ko.

Kung hindi lang sana ako nabalian ng buto,edi sana kanina pa ako nakaalis rito.
Hindi ko alam kung kailan pa gagaling itong binti ko,medyo kumikirot pa tsaka nahihirapan pa akong gumalaw.

Ipagdasal ko nalang na hindi nila ako sasaktan,baka matsugi ako dito pag nagkataon.

"Wait where's my phone"napatingin ako sa paligid ko at sinubukan kong kapain ang bulsa ko.

Sa kabutihang palad,nakita ko ang phone ko katabi ang isang malaking stuff toy.

Teka lang,bakit may stufftoy dito.Sa pagkakatanda ko wala ito kanina dito.

Baka hindi ko lang to napansin kanina.
Siguro pati ulo ko naapaketuhan narin sa pagkabagsak ko kagabi.

Kukunin ko na sana ang phone ko nang may biglang humawak sa kamay ko.Awtomatikong nagsitayo ang mga balahibo ko ng napagtanto kong may kakaiba rito.

Nang inangat ko ang ulo ko,nakita ko sa harap ko ang stuff toy.Nakangiti itong nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o tatakbo.Another unexplained things na naman ang nadiskubre ko.

Gusto ko ng sumabog dahil sa takot!

Ilang segundong natahimik ang buong paligid.

"Hi Ayra!, "pagbati niya sakin.

"Ahhh"agad kong binawi ang kamay ko at lumayo sa kanya.

"Demonyo!!!..Wag kang lalapit sakin!!..."pagsisigaw ko ng unti unti itong naglalakad papalapit sakin.

"Hindi kita sasaktan"mahinahong tugon nito.

Hindi naman siya gaanong nakakatakot,cute nga siya tingnan e.
Kaso hindi pa ako nakakita ng stuff toy na nagsasalita,gumagalaw at naglalakad.

"Hi,Ako nga pala si Adonis!"nakangiting sabi nito.

Kung maka-Hi naman to,parang hindi kakaiba.Muntikan na akong mahimatay dito sa takot tapos siya nakangiti lang.Kalahi niya siguro yung mga manika na nagsasalita sa pelikula.

Hindi agad ako nakasagot at mukhang gulat na gulat pa ako sa pangyayari.

Isa sa napansin ko sa ay kanyang kaliwang paa.Hindi ko alam kung sinadya ba itong pinutol o may nangyari sa kanya.
 

"Oh ito Ayra,sayo ba to?"

Paano niya nalaman ang pangalan ko, siguro narinig niya kaming naguusap  ni Juancho kanina.

Agad ko itong kinuha at umusog palayo sa kanya.

"Thanks. "pagtitipid kong sagot

Ayuko muna siya lapitan,wala akong tiwala sa stuff toy na to.

........

Juancho POV.

Nalibang na sana ako sa pakikipag usap sa aming dayo,siningitan pa ako ni Anyeras.
Nagtataka ako kung anong sadya sa amin ni Heneral.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita kong walang emosyon na naglalakad si Anyeras, mukhang atang malalim ang kanyang iniisip.
Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa paglalakad namin.

Hanggang makarating kami sa isang malaking pinto, hindi naman talaga mataas iyun sadyang maliit lang talaga kami.

Napansin kong binuksan ito ni Anyeras at tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Tumambad sa amin ang magulo at madilim na silid. Minsan na namin itong sinubukang linisin, ngunit pinagbabawalan kami ni Heneral.

"Narito na po kami Heneral"saad ko.

Nakita namin siyang nakatayo sa harap ng bintana habang nakatalikod sa amin.

"Nais kong itaboy niyo ang dayo na nasa ating mansion!"sumbat nito.

Maging si Anyeras ay nagulat sa sinabi ng Heneral.

Hindi niya basta basta nalang itaboy ang lumpo na babae lalo na't delikado sa labas ng gubat.

"Ngunit may sugat siya sa kanyang tuhod Heneral,hindi pa niya kayang maglakad"pag-aalangang tugon ko sa kanya.

"Juancho, kailangan nating sundin ang utos ni Heneral"bulong sakin ni Anyeras.

Alam kong hindi masama si Ayra, may mabuti siyang kalooban. At tanging siya nalang ang pag asa naming makaalis kami sa kalungkutan at bangungot na ito.

May kalungkutan pang nararamdaman si Heneral, at kailangan naming maibalik ang kanyang naturang saya noon.

Kaya kailangan ko siyang pigilan, desidido na ako para kay Ayra.Sa ayaw at gusto ni Heneral papatuluyin ko siya dito sa mansion

"Sige po Heneral"mahinhin na tugon ni Anyeras, napalingon ako sa kanya at tinitigan ko siya nang masama.

Ngunit hindi niya ako pinansin at naglakad palabas, tanging si Anyeras rin ay nalulungkot sa desisyon ni heneral.

Muli kong hinarap si Heneral.
"Ipagpaumanhin niyo po Heneral, ngunit kapag ipinagpatuloy niyo po ang pagluluksa niyo rito walang mangyayari. Hindi po ba kayo nahihirapan, kung hindi kami Oo.
Matagal na nung nangyari ang gyera, at naiinip na ako kakahintay kung kailan matatapos ang sumpa na ito.Sana gumawa kayo ng paraan,at sana maiintindihan niyo po ako, patawad. "muli ako'y tumalikod at lumabas.

Wala akong narinig na sagot galing kay Heneral, sana maiintindihan niya ang maari kong tugon.Pagkalabas ko ay tinitigan ako nang masama ni Anyeras,hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ko.Pagkatapos ay agaran ko nang pinuntahan si Ayra, upang maipagpatuloy namin ang kwentuhan.

Handa na akong ibahagi ang aming kwento, sapat narin kase na makita niya kami sa ganitong paraan.Naniniwala akong kapag nalaman na niya ang aming kwento,sigurado akong tutulungan niya kami.

...
Third Person POV.

Naging mahirap na ngayon na pagdisesyunan ni Heneral ang sitwasyon na ito.Alam niyang hindi maganda patutunguhan nito kung sakaling ito'y matutuloy.

Gagawa at gagawa siya ng paraan upang mapaalis ang babaeng iyun.Wala siyang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga katiwala at ang kanyang....

Puso..

Don't forget to Vote.Thank you.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon