"Ayokong lumabas!" angil ko nang marinig ang pagkatok nila Fatima at Adri mula sa labas. Natatawa sila pero ako'y namomroblema dahil sa performance task na gagawin na namin any minute now.
"Wag ka ngang kabahan, Kayla! Kakanta ka lang naman tas tutugtug. " natatawa paring sabi ni Adri at hinampas na talaga ang pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko ngayon.
Napatingin ako sa kamay kong nanlalamig at naginginig. Napapikit ako ng mariin at napakagat labi. Sinubukan kong mag-isip ng advance, pero naiimagine ko bigla ang sarili sa stage na pinagtatawanan ng mga tao dahil pumiyok ang boses ko.
Leche! Ayoko ng maging advance mag-isip!
"Hoy, lumabas ka na sabi!" si Fatima naman ang humampas. Napatalon ako sa gulat at hinampas pabalik ang pintuan bilang ganti. Para kaming nga baliw dito sa loob ng cr. Buti nalang at walang nagbabanyo ngayon dahil abala ang lahat sa first day ng Intramurals namin.
Mas lalong nadagdagan ang pagkagulat ko nang may maramdaman akong humawak sa paa ko. Pagtingin ko sa ibaba ay nakita ko ang kamay ni Adri na nakakapit sa paanan ko.
"Tae! Ginulat mo ako!" sinipa ko ang kamay nya ng bahagya at mabilis na binuksan ang pintuan para harapin sila. "I'm not yet ready! Bigyan nyo ko ng oras para pakalmahin ang sarili at mawala ang pangamba ko! Please!" nangingiyak at nagmamakaawang usal ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa dahil sa inasta ko at marahil ay nakita nila ang bahagyang pagtutubig ng luha sa magkabilang mata ko.
Napapikit ako ng mariin ulit at tumalikod sa kanila. Pinakalma at pinatuyo ko ang luha bago muling humarap sa kanila.
Hindi sila nagsalita bagkus ay lumapit sakin at tinapik ang balikat ko. I don't know why but I suddenly burst out my tears na tila isang buwan kong pinag-ipunan ang mga luhang ito dahil sa sobrang dami at walang tigil sa pag-agos.
Kagabi ko pa to pinpigilan. Masyado akong naapektuhan sa nangyari isang araw. Masyado akong nasaktan nung si Lanie ang sumagot sa tawag imbis na si Silver. Masyado akong nadala sa nararamdaman ko nun kaya nag-expect ako na sya yung nag-goodluck sakin.
Yun pala, si Lanie.
Ang sarap nyang sabunutan. Pero wala akong karapatan para gawin iyon sa kanya. Bakit? Sino ba ako? Classmate na lang ako ni Silver ngayon at sya, siguro'y soon to be his wife na.
Kaya talagang wala akong karapatang sumabunot ng buhok ng isang tao dahil lang sa selos na nararamdaman.
"Hey, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Fatima sakin.
I wiped my tears away and forced to smile at them.
"Assuming kasi ako. " tipid kong tugon sa kanila at nagpatiunang maglakad palabas ng cr. Hinabol nila akong dalawa. Pigil ang mga luha na binuksan ko ang pintuan pero laking gulat ko nang bumungad sakin si Silver.
Nakasandal sya at napaayos lang ng tayo nang makita ako. Tumingin sya sa dalawa kong kasama na parang sinasabing iwan pabayaan muna kami dito.
Natigilan ako at hindi mapaliwanag ang nararamdaman. Halo-halo kasi, may saya, lungkot, inis o kung ano-ano pang kacheesy-han ng puso ko ngayon.
Damn shit!
Matagal akong napatitig kay Silver bago yumuko upang maiwasan ang malamya nyang mata na nakatingin sa akin. Napahawak ako sa magkabilang kamay ko at bumuntong hininga.
I can't find any ideas why he's standing here in front of me again. Pero mukhang hindi tungkol sa amin ang gusto nyang pag-usapan. Kung ganun, bakit pinaalis nya sina Fatima at Adri?
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanfictionBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...