Isa akong Halimaw na nag papanggap bilang tao, Ako ay Nag tra-trabaho sa isang Bar bilang bartender. Ang Bar ay para sa mga Tao pero, meron din namang katulad ko na mga halimaw na nag papanggap na tao katulad ko. baket kame nag papanggap? Dahil papatayin kame ng mga Tao.
Natatakot sila sa lahi namen para sakanila, Banta kame sa mundo pero, ngayon ang nakikita ko mas Banta pa sila samen.
Naka tira ako sa city ang mga halimaw na katulad ko ay umalis na sa kanya kanyang tirahan, sa kalikasan dahil ginugulo ng mga tao ang tahanan nila.
Ang mga Halimaw ay mga nilalang na nabubuhay kasama ang mga Tao, pwede silang mabuhay ng mapayapa kasama ang mga Tao pero iilan dito mas piniling gawin silang pagkaen. Kaya, ang mga Tao ay inuubos ang mga Halimaw dahil kinatatakot nila na sila ay maubos.
Pumasok na ko at nag handa sa pwesto ko
Pinunasan ang mga baso at nilinis din ang iba pang sangkap.
Ang bar ay nag simula ng mag bukas,
Lumipas ang oras, ibat ibang tao ang pumasok dito. Iba't ibang kwento,
May isang tao ang pumasok sa pinto.
Mararamdaman mo sakanya ang intensyon pumatay ng halimaw, tumingin ako sa mata nito upang malaman kung totoo ang aking suspetcha,
Hinde ako nagkamali, pumapatay nga talaga Ito.
Ang Lalake ay tinignan ang paligid at pumunta sa isang mesa kung saan may lalake din na nag aantay, nahulaan ko kung ano ang pag uusapan nila base sa suot nung isang lalake, ang suot nito ay suit at may hat din sa ulo.
Tinalasan ko ang aking pang dinig at pinakinggan ko sila, kahit sila ay nasa malayo.
"Hi!, ako nga pala si Marc isa akong hunter may trabaho ka bang gustong ibigay saken?" Pag papakilala nito sa sarili
"Oo, meron nga gusto kong hanapin mo ang mga Halimaw sa city ubusin silang lahat" sagot ng lalakeng naka suot ng suit
Tinanggap agad ni Marc ang trabaho at sinimulang umalis sa bar na yun, tinignan ko yung lalakeng naka suit parang pamilyar siya saken, isa siya sa mga mayayaman na nag papa hunt sa mga hunter upang pag kakitaan ang mga katulad ko.
Ang mga Hunter ay ang mga taong ginawang hanap buhay ang pag hahanap at pag patay sa mga Halimaw.
Gusto ko sana iwan ang trabahong ito at pigilan ang marc na yun, lumabas si mark at di nag tagal may pumasok na lalake sa bar namen lasing na ito at tila ba nag hahamon ng away
Na aangasan/yayabangan sakanya ang ibang umiinom kaya't ang bouncer namin na si kennedy ay hinawakan ang lasing sa kwelyo at binuhat pataas, natatawa nalang ako sa nangyayare.
Ang lalakeng naka suit ay napunta sa aking harapan ng hinde ko napapansin, Tinanggal nito ang kanyang hat umupo sa aking harapan.
"Meron siyang malaking katawan at nakaka takot na itsura, isa pa siyang kalbo kaya nadagdag ito sa pagiging nakakatakot niya. Pero, ang bouncer na ito ay may malambot na puso at mabait meron siyang isang anak. Sayang kung mamamatay siya" banggit ng lalakeng naka suit
"Bigyan mo ko ng alak" sambit nito sa akin
"Oo, sige" binigyan ko siya ng alak
"Hinde ka isang tao, anong klase ka?" Tanong ko sakanya
"Shh.. hinde mo kelangan maging seryoso pero, sige, sasagutin kita. Hinde ako tao at hinde rin katulad mo" sabay sipsip ng kaunti sa alak nito.
Samantala, tumingin ako sa likod nito, tuloy paren ang gulo Nakakalaban ang lasing na lalake sa bouncer, ang mga nag iinom naman ay natutuwa at animo'y nanunuod ng Boxing match.
BINABASA MO ANG
Monster (One Shot)
Mystery / ThrillerIsang kwento tungkol sa Isang Halimaw, na namuhay at nag panggap bilang tao