Zahra Xenovia's point of view
"Huwag mo siyang pababayaan Zahra. Sayo nakasalalay ang buhay niya. Alagaan mong mabuti at huwag mong ipaalam sakanya kung sino ka." tugon ni Ama. Paano ba yan, madaldal ako at sa tingin ko hindi ko mapipigilang gamitin ang aking kapangyarihan.
"Ano po? Madaldal po ako at hindi ko mapipigilang sabihin ang totoo kong pagkatao." Pagaalala ko.
"Anak, hindi ko na problema kung malaman niya ang totoo. Ikaw na ang maghanap ng paraan para sakanya at huwag na huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan upang makalimutan ang totoo mong pagkatao." sabi ni Ama. Babalik lang ako dito sa Paraiso at kakausapin ko uli ang aking ama.
"Ama, ako'y mamamaalam na at babalik ako dito tuwing kailangan ko ng tulong mo." Pamamaalam ko.
"Oh sige mag-ingat ka ng mabuti at huwag mo ring pababayaan ang sarili mo. Maaari ka nang umalis." ani ni Ama.
Lumabas ako sa Golden Gate ng Paraiso at sa ilang segundo lang, ako'y nasa mundo na ng mga tao. Binigyan ako ni Ama ng misyon upang bantayan si Zachary Xerxes Ditangco. Kapag lumabas ka na kasi sa Paraiso, lalabas ka na agad sa lugar ng babantayan mo at ikaw na ang bahalang maghanap sa kanya. Binigay ni Ama ang mga detalyo ng kanyang pagkatao at alam kong medyo mahirap itong iha-handle. Bakit ba kasi lalaki ang binigay ni Ama. Siya lang nga ang nabantayan ko na lalaki. Psh.
Ginamit ko ang kapangayarihan ko at pinahinto ko ang mga oras ng mga tao at dali dali akong nag teleport sa bahay nila Zach at agad kong binalik ang oras at pinagalaw ang mga tao. Hmmm, Natutulog siya at jusko, Ang dami niyang mga pasa sa katawan. Hihintayin ko nalang siyang magising at magaabang ako sa labas ng bahay niya.
Ilang oras lang ay may narinig akong tunog ng isang pintuan. Mukhang siya na yun. Phew! Kailangan ko ng maghanda dahil alam kong mapapagalitan ako dito sa gagawin ko. Oh no! Mukhang papalabas na siya.
"Aray, Lintek!" Sigaw niya. Mukhang natamaan ko ata ang kanyang mga pasa at sugat. Galit na galit ang mukha niya samantalang ang kanyang mga mata ay halatang nasasaktan. Lagot...
"Ay sorry, Pasensiya na at hindi ko s-sinasadya" sabi ko ng nauutal dahil takot ako sakanya.
"Fuck, Hindi naman kasi nagiingat eh. Dumbass" galit niyang sambit. Ano ba yan mukhang kasalanan ko pa. Teka lang, kasalanan ko naman talaga eh bat ba ako nagrereklamo.
"Pasensiya na nga eh! Ano ba!" Pagkukunwari kong galit din ako.
"Letche! Maka daan nga! Tangang to!" Galit pa rin siya. Hehehe pasensya na.
"Hoi! Ano ba! huwag kang pa harang harang sa dinadaanan ko."
Ay oo nga pala noh. Tumabi ako at tinignan ko siya magkalad papalayo saakin. Mukhang masakit pala talaga yung mga sugat at pasa niya. May bahay ng nirentahan si Ama dito sa tabi ng bahay niya. Inutusan niya si Airish upang hanapan ako ng matutuluyan habang ako'y nandito sa mundo ng mga Tao. May susing makaipit sa ilalim ng floor mat. Kinuha ko ito at binuksan ang Pinto. Oh, may mga gamit na dito. Mukhang pinaghandaan ito ni Airish. Mukha itong fully furnished na bahay. Kailangan ko ng mga ingredients para sa peace offering ko kay Zach. Alaga ko iyon eh.
Lumabas ako at Kinuha ang pera na iniwan ni Airish sa Lamesa. Mukhang totoong tao kami noh. HAHAHA. Bumili ako ng ingredients para sa Adobo na aking lulutuin. Paborito raw kasi yon ni Zach. Nilista ko ito sa papel at pumunta sa Palengke.
Pagkatapos kong bumili ng mga Ingredients, nilagay ko muna ito sa lamesa at pumunta sa aking kwarto. Malawak ito at malinis. Nilibot ko ito at may napansin ako sa bintana. Ang harap ng bintana ko ay ang bintana at bahay ni Zach. HAHAHAHA. Magandang ideya ito para maging close kami ah.Mag aalas sinko na at kailangan ko ng magluto.
YOU ARE READING
Forgetting Memories
RomanceWas it worth it? Is it really? Knowing the truth hurts, remembering the past hurts too. Are you ready to forget it just for her?