She's A Lost Soul

266 11 0
                                    

"Nasaan ako?" ang unang nasabi ni Harmony nang magbukas ang mga mata niya. Mabilis ang naging pagbangon niya sa bench na kinahihigaan, inilibot ang paningin sa lugar, "Rizal Park...?"

Napunta ang mga mata niya sa suot na damit, kunot ang noo dahil isang magarbong pulang bestida ang suot niya. Saan ang punta niya at parang may pupuntahan siyang enggrande? Tanda niya ang mga lugar at alam nitong nasa Pilipinas pa rin siya ngunit may kakaiba...

Hindi niya matandaan kung ano ang ginagawa niya sa lugar na 'yon.

Natatarantang tumayo siya at sinubukang magtanong sa mga taong nagdaraan, ngunit tila ba hindi siya naririnig ng mga ito. Ni lingunin siya ay hindi magawa, anong problema? Nagsimulang mangatal ang mga kamay at daliri niya habang naglalakad.

"Bakit hindi nila ako marinig-!" hindi niya natapos ang kasunod na mga kataga nang may isang taong dumaan at tumagos sa kan'ya, hindi siya nabangga o nasaktan, tumagos iyon sa kan'ya.

"You're a ghost." sa sobrang gulat ay napatalon siya, nilingon niya ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit at pantalon, may hawak din itong sombrero na kaparehong kulay at para bang papasok sa isang trabaho.

"Ghost?" she asked, intrigued and curious at the same time.

"Or a lost soul if you don't know why you died." her mouth gaped in shock as the guy said all of those, she can't be dead!

"I'm Travis Yuse, a Senior Grim Reaper. I'm willing to help you get back to your body." at sa mga oras na 'yon, nang magpakilala ang lalaki ay hindi na siya nag-alinlangang pumayag. Inakala niyang magiging madali ang lahat.

Not until she knew she has been lost for 5 long years.

×××

Author's Note:

so as you have read from the sypnosis, this had a major revision. i wont be talking much on how i wrote about the plot so that you'll find it out yourselves. i would love to hear your thoughts though! or if there are any queries dont hesitate to reach out to me via dm or on the comments. i will gladly answer those! xoxo.

anyways, this will be the first book for my duology; the second book will be released after i finished revising this. lots of love!

She's A Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon