Kabanata 4
Christmas
"Bawat taon ba ay talagang sinasabay ni Ma'am Rhiana kayo sa hapag tuwing pasko o des peras?"
Tumango ito.
"Oo taon-taon. Ang saya nga e. Sobrang bait talaga niyang si Madam. Tamo nga't tingnan mo, talagang pinag-aaral pa niya ako. Sobrang swerte nga natin at siya ang naging amo natin. Isipin na lang natin 'yong ibang mga kasambahay na minamaltrato ng kanilang mga amo."
Ngumiti ako at naki-sangayon sa kay Queen. Naalala ko kasi yung isa sa kapit-bahay namin. Limang buwan ang nakalipas nang umalis siya patungong Kuwait upang maging kasambahay. Nang umuwi siya ay may maraming pasa at paso ng plantsa sa kaniyang likuran. Naibalita din siya sa TV noon. Iyak nang iyak siya lalo na ang mga anak niya. Awang-awa ako noon sa kaniya, kaya nung maka-encounter ako ng ganun pinangako ko sa sarili ko na wala ni isa sa pamilya ko ang magiging-OFW sa takot na baka mangyari iyon sa kanila.
Pagdating sa hapag ay nag-uusap na sila. Umupo ako sa tabi ni Joe at sa kaliwa ko naman si Queen. Nagbatian ang lahat. Eleven thirty-five pm na at hinihintay na lang namin na sumapit ang alas dose.
Sir David are looking at me iniwas ko ang tingin ko at napadpad naman ito kay Kenjik. He smiled so I smiled back.
Nasa dulo ng table si Madam Rhiana sa kanan niya ay ang panganay na anak ni Sir Kyton na si Kylie, na tinabihan ni Sir Kyton, sa tabi naman niya ay ang kaniyang asawa, na sinundan ni Sir David sa dulo ay si Kenjik. Sa kaliwang bahagi ni Madam ay si Nanay Lita, si Manong Henry, si Joe, ako at si Queen ibig sabihin ay tapat ko si Sir David.
"O sino naman itong bagong mukha Mom?" baling sa akin nang panganay na anak ni Madam.
"She's Zarian Matilda's daughter. Do you still remember, Zaida? My former scholar student?" si Madam.
Ngumiti sa'kin si Sir Kyton, "Yes, ofcourse Mom."
Nginitian ko din ang asawa ni Sir Kyton na si Ma'am Pilain habang sinusubuan ang kanilang bunsong anak na si Baby Pyton, a nine months old baby.
"Her name is Zakrisean." pakilala sa akin ni Madam "Masipag na bata iyan, kahit hindi niya gawain ay ginagawa niyan. Tuwing linggo ang pahinga niya ngunit nagta-trabaho pa rin."
"Hi there Zakrisean." he gently wave his hand.
"Krist na lang po Sir." at ngumiti ako nang tipid.
"Your so beautiful, Krist." bati naman ni Ma'am Pilain.
"Salamat po Ma'am." naiilang kong sabi. Sinuklian niya lang ako nang tipid na ngiti at hinarap ang kaniyang anak.
Nagsimula na ang kwentuhan nila at pag-uusap tungkol sa kani-kanilang business. Nalaman ko din na 3rd year college na si Sir David habang si Kenjik naman ay senior high na.
"Ikaw Krist? Anong year mo na?"
Napainom naman agad ako sa tanong sa akin ni Sir Kyton "Ahm... d-dapat po ay graduating na ako pero sa kasamaang palad, natanggalan po ako ng scholarship."
"Oh.. sayang naman. So what is your plan?"
"Nagpaalam na sa akin si Zaida. Sabi'y mag-aaral daw dito si Krist sa pampublikong paaralan malapit dito, tama ba hija?"
Ngumiti ako at tumango.
"Gusto mo bang pag-aralin kita?"
Nanlaki ang mga mata ko habang tumitingin kay Madam.
She chuckled, "Puwede kitang pag-aralin sa paaralang pagmamay-ari ko. Doon nag-aaral sina Joe. Hindi ba?"
Binalingan nito si Joe na palihim na umiirap. 'Saka ngumiti at tumango kay Madam.
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomansWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...