Chapter 3

16 1 0
                                    

"Natalie, right?"tanong ng isa naming classmate na lalaki kay Natalie.

"Mm..."tipid na sagot ni Natalie.

"Ahhh, nice name, parang ikaw,"puri ni Charles---classmate naming babaero. Tango lang ang isinagot ni Natalie sa kanya, tss, pakipot pa. "Uhmm, how old are you, by the way?"

"Ask Michaela," walang ganang sagot ni Natalie. Napapahiya namang umubo ng fake si Charles.

"Sungit mo naman, ganda mo pa naman,"saad ni Charles habang nakangisi kay Natalie.

"Okay..."tipid na naman na sagot ni Natalie. Magsasalita pa sana si Charles ng mag-ring na ang bell, means lunch break na. Tumayo si Natalie at umalis agad, si Charles naman ay naiwang napapahiyang napangiti habang umiiling-iling pa. Dali-dali naman sinundan ni Michaela si Natalie at humingi ng tawad kay Charles para sa kaibigan niya. Tumayo na rin ako para pumuntang cafeteria. Hinintay naman ako nung dalawa sa labas. Si Brian ay nakangisi ng hindi ko alam ang dahilan, at si Matt naman ay ang mukha ay parang badtrip na badtrip siya.

Walang nagkikibuan sa amin hanggang makarating kami sa cafeteria. At syempre, ano pa nga bang aasahan namin, syempre, mga tilian ng mga babaeng marurupok, dejoke. Nagprisnta ako na ako nalang ang o-order ng foods namin at pumayag naman sila.

"Bry, ano gusto mo?"tanong ko kay Brian.

"Ahmm, burger with cheese and lemon juice," sabi niya ng nakangisi.

"Yun lang?"nakangisi ring tanong ko.

"Ayoko gumastos eh, pero sige, libre mo naman diba?"pang-aasar niya, sasagot na sana ako ng magsalita ulit siya... "Hep, hep, hep! Libre mo, walang bawian, susulitin ko na... Gusto ko nang spaghetti, fries, ham and chicken sandwich, burger with cheese, lemon juice, carbonara, and for dessert, leche flan, coffee jelly, and egg pie, dagdagan mo na rin ng ice cream, chocolate flavor,"napanganga ako sa dami ng order niya, napakatakaw niya pero hindi siya tumataba. Aangal na sana ako ng magsalita ulit siya, "Walang aangal, libre mo, diba?"wala naman akong magagawa, Brian, pakamatay ka na. Sabi ko sa isip ko. Bumaling ako kay Matt para tanungin kung anong gusto niya pero magsasalita pa lang sana ako ng magsalita na siya

"Fried chicken, burger, and orange juice,"sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

"Yun lang?"

"Oo."

"Okay, Brian,"tawag ko dito, tsaka ko sya dinirty finger. Tumawa lang siya, pagkatapos ay umorder na ko.

"Uhmm, excuse me,"tawag-pansin ko kay ale.

"Yes, serr? Ano po orderr niyo?"tanong nito.

"Isang spaghetti, fries, ham and chicken sandwich, burger with cheese, lemon juice, carbonara, fried chicken, burger, and orange juice. Padagdagan na rin po ng coffee and bread,"sabi ko kay Aling Teresa---isa sa mga taga-tinda dito sa cafeteria.

"For dessert po, serr?"tanong niya.

"And for dessert, isang coffee jelly, egg pie, at dalawang leche flan, padagdagan na rin po ng isang ice cream, chocolate flavor, yun lang."

"Ahh sige po, pakituro nalang po yung table niyo."sabi niya kaya itinuro ko yung table namin. Pabalik na ako sa lugar namin ng makarinig ako ng ingay sa may bandang bungad ng cafeteria, hindi ko na sana iyon papansinin nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Michaela. Syempre pa, na-curious ako, kaya pumunta ako doon. Inaya ko na rin ang mga kaibigan ko pero inasar muna nila ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally Fall inlove with my BestfriendWhere stories live. Discover now