Chapter 1 - Donthy

21.4K 316 9
                                    

Naramdaman ko na parang lumilindol, tama there's an earthquake nga pero bakit parang kaliwang balikat ko lang ang yumuyugyog?? kakaibang lindol naman ito.

Aaaay oo nga pala nasa kama ako ni Cassey, tawag ko yan kay Cassandra na bestfriend ko ump!

Yung pagyugyog pala ay kagagawan ng paa niya, nakadapa kasi ako at si cassey...... ummm (lingunin ko muna) nakadapa din, magkasalungat kaming nakahiga kaya yung paa niya nasa uluhan ko.

'' beess gising na ipagluto mo na ako '' antok na utos nito sa akin habang tuloy tuloy pa rin ang mahinang pagsipa niya sa balikat ko.

Tinapik ko naman palayo ang paa niya at lumayo ng kaunti sa mapanakit at pala utos kong bestfriend. Pero naramdaman ko na dumasig din ito at niyakap ang paa ko.

'' donts daliii na ''

Napamulat ako ng mata, kahit pa ang hirap nitong gawin sa oras na dapat ay natutulog pa ako. I slightly hovered myself up from the bed at nilingon ko yung unggoy na nakapulupot ang braso sa paa ko.

'' cassey naman, bakit na naman donts??? kapangit pangit naman ng donts '' angal ko. Papano donts na naman ang tawag sa akin, eh hindi ko nga gusto...ang ganda kaya ng donthy..hmmm.

Ngumiti ito bago sumagot, nakapikit pa rin ang mga mata nito.

'' choose donts or dorothea?? '' ngumisi ito. I rolled my eyes.

I sniffed out, heto na naman po kami sa dalawang pangalan na pilit niyang itinatawag sa akin.

'' wala akong pipiliin!! '' asik ko sabay tayo ko sa kama, kumalas na din kasi ang mga braso niya sa paa ko.

'' bacon gusto ko bes ha '' pahabol nito bago ako lumabas ng pinto.

'' oo na! '' sagot ko naman. Kahit kailan talaga pala utos ito. Pero gusto ko rin naman kasi para naman sa kanya eh, kay Cassandra ng buhay ko.. ayie!!! kinilig ako sa thoughts kong yun.

Bago ko tuluyang maisara ang pintuan ng kwarto niya ay sumigaw pa ito..

'' thank you donts I love you ''

gosh with that I love you tuluyan ng nagwala ang puso at mga paro paro sa loob ko...

'' I love you too '' bulong ko sa hangin sabay pigil kong pag ngiti, alam ko parang tanga lang pero tanga talaga ako sa lihim kong pagmamahal sa bestfriend ko.

So yes I'm Donthy Maxine the youngest of the Maxine siblings. Alam ko kilala niyo na ang dalawa kong kapatid na si dominika and danika and now ako naman ang kikilalanin niyo and how hurtful at puno ng word na '' ASA '' ang story ko...or puro asa nga lang ba?? I'm not sure either baka magka himala pa eh at mahalin din niya ako, who? well kanina ko pa binabanggit si Cassandra yung bestfriend ko nga.

bestfriend..

bestfriend..

bestfriend..

bestfriend..

Tse! ulit ulit?? asar ha...

So Cassey and I met when we're in Freshmen..Hindi ko naman siya pinapansin dati kasi siya yung klase ng babae na

       '' hindi nakakasundo ng lahat ''

You know what I mean? No? eh kasi nga napakamaldita nito, kung maldita na si danika mas ito, kung sumagot sa prof. namin, sa mas higher levels na students dati even sa kung sinong hindi niya feel na tao ay wagas talaga, mapapa phew! ka na lang sabay punas ng pawis.

That's why hindi ko rin lubos maisip how the two of us clicked and get along together.

It was started during the 2nd week of school. I was driving home with the newest model of Ducati Motorbike ng makita ko siya sa gilid ng kalsada, nasiraan ng sasakyan.

Hahayaan ko na lang sana but it was nearly dark at wala halos dumadaan na mga sasakyan sa lugar kaya tinulungan ko. I readied myself sa pagtataray nito pero hindi yun nangyari. Pagkakita niya kasi sa baby boo  ko which is my ducati kumislap ang mga mata nito.

Marunong din pala siya mag motor at car racing ang isa sa mga hobbies niya. Kahit hindi pa naman kami magkakilala ay nagkukwento na ito sa akin. I fixed her car, madami kasi akong alam gawin. Not like my two sisters na more on girly thing ako naman I'm more in doing dirty and nasty ones (oopps not what your thinking ha).

Kagaya nito pag aayos ng sasakyan, maging maid, maging tubero I can do all these things and adventurous ako punta dito punta dun, akyat dito akyat dun...ahm basta parang lahat I can do with ease, except for one thing ang huwag ng magpakatanga sa pag ibig.

Pero waiiit balik muna tayo sa how I met her. After I fixed her wheel bigla itong humingi ng favor sa akin. Nung una nga hindi ko alam kung anong paandar niya but when she hop onto my bike nakuha ko na, aangkas siya. Iwanan na daw namin yung car at ipapakuha na lang niya sa driver nila.

Tinanong ko pa siya kung sure siya, sabi niya yes and yes! so yun I drove her home, in that moment wala pa akong ibang naramdaman but when she told me this pagkababa sa motor ko.

'' hey I'm Cassandra Imperial '' sweet niyang saad, sabay lahad ng kamay nito at samahan mo pa ng pag ngiti nito sa akin and I was like...

haaaaaaaaaa - angels singing.

         ouch sinong pumana sa akin???

and that's how our friendship and may pagkatanga at umaasang pag ibig started.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon