Hindi mo ba talaga kaya?
Hindi mo kayang matanggap,na ako'y isang hamak na manunulat?Oo,isang manunulat
Makakita lang ng papel na nakakalat,pupulutin agad para lang makapagsulat
Makakita lang ng kahit anong klaseng panulat,meron sa aking nagtutulakNa kunin 'to,kahit kanino pa man ito Para lang makumpleto ko
Ang mga salitang kinakalap ko,mga salitang alam kong bubuoSa ating sariling kwento
Ngayon,sabihin mo sa'kin na hindi mo kayang tanggapin
Ang kaisa-isang talento,ang nag iisang bagay na maipagmamalaki ko
Ang bagay,na akala ko makapagpapasaya sa'yoSabihin mo,na hindi mo matanggap ang gusto ko
Ang nag iisang bagay na meron ako
Ang bagay na ginamit ko,sa pagsulat ng mga salitang hindi ko masabi sabi sa'yo
Ang bagay na meron ako,bago pa man magkaroon ng salitang tayoLapis at papel,ang tanging hawak hawak ko imbes na ang kamay mo
Mga salita ang gumugulo sa isip ko,kahit na ikaw ang kaharap ko
Uunahin pang maisulat ang salitang nabuo,kaysa ang yakapin ka pagdating moKaya hindi kita magawang sisihin,pero wag mo din naman sana ako papiliin
Sa pagitan mo at ng aking pagsulat
Ni hindi ko magawang isipin,na may mawawalang isa sa akinDahil simula pa lang,alam mo ang tunay na dahilan
Kung bakit hindi ko kayang bitawan
Hindi ko magawang kalimutan
Dahil dito ko unang naramdaman
Yung saya,habang isinusulat ang ating nasimulanKaya sana naman,maintindihan mo ako
Kahit na minsan,natutulala na lang ako
Sa tuwing maiisip ko,sa kung paano ko unang napansin
Kung paano ka tumingin,na mukhang nagpapansin
Kung paano ka tumawa,na halos wala nang makita
Kung paano mo ako nahuling nakatingin,na wari mo'y nakakita ng artistahinNatatandaan ko pa,kung paano tayo nagkakilala
Narinig mo ako,kung paano ko itinula ang mga salita
Habang nakatingin sa langit,kasabay ng pagbigkas sa hangin
Nang aking mumunting hiling,paano ko ba sasabihin?Nang bigla kang tumikhim
Takot na napatinginNaghihintay na masigawan o kaya ang pagtawanan
Ngunit bigla mo akong nginitian,na hindi ko inaasahan
Yung ngiti mong,hindi ko na masilayan
Yung ngiti mo na,hindi ko mahintay makita ulit kinabukasan
Pero magigising na lang sa katotohan,na ang lahat ng ito ay bahagi na lang ng nakaraanKung paano ko maibabalik?,hindi ko narin alam
Nakakapanibago,yung dating sayang nakikita ko
Yung mga papuring naririnig ko,sa tuwing binabasa mo ang tula koBigla na lang naglaho
Hindi ko alam
Suguro may nagawa akong kasalanan,nang hindi ko namamamalayan
Kaya kung maaari,kausapin mo ako kahit saglit langSusubukan kong magpaliwang,sasamahan narin nang pagsabi ng patawad
Patawad,kung dahil ba ito sa pagiging manunulat ko
O dahil,nakakasawa ang bawat pagsuyo ko
Patawad,dahil hanggang dito lang talaga akoSabi mo,mahal mo naman ako o minahal mo na lang ako?
Sandali,'diba pangako natin,walang magbabago
Kaya heto ako walang pinagbago,pero bakit
Yung dating panggagaya mo,sa tuwing tumutula ako
Yung pagsabi mo na ang corny corny ko,sa mga salitang ginamit ko
Bigla na lang nagbagoMahal,natatakot ako
Natatakot ako,sa tuwing magigising ako,ikaw ang hinahanap hanap ko
Natatakot ako,dahil hindi mo naman ako sinanay na wala ka sa tabi ko
Natatakot,ngayong mag isa na lamang ako
Sa kwento,na kailanman hindi na mabubuoWala nang ikaw,sa buhay ko
Ikaw na dahilan,kung bakit isinulat ko ito
At sa parehong dahilan,matatapos ang tulang ginawa koAng tulang gagamitin ko,upang humingi ng tawad sayo
Na itong taong nakikilala mo,ang taong minahal moAko,ay isang manunulat na nagmamahal sa'yo
Patawad
Dahil isang manunulat lamang ako
BINABASA MO ANG
Kung Sakaling Marinig
PoetryHindi ko hinihiling na magandahan ka Nais ko lang na maintindihan mo ang aking tula at kung bakit ko ginawa Malay mo tamaan ka, pero hindi ng bala ha. Baka sakaling madama mo din yung pakiramdam na...