"Elli!"
Tita Clarissa called me. Actually nandito ako ngayon sa bahay nila since Cassie asked me to be here.
I'm wearing a cocktail black dress. At naka flats lang ako. Ayoko magheels kasi masakit sa binti.
Konti lang naman ang mga bisita nila. Mukhang isang maliit lang talaga na salu-salo ang gaganapin ngayon.
"Elli, iha..." nakipagbeso beso sya sa akin. "Buti nakarating ka. Halika at ipapakilala kita sa mga bisita."
Pinakilala nya ako sa mga bisita nila. Di ko alam kung bakit pero pamilyar ang mukha ng isa sa mga bisita nila.
"Mr. Funtabel, I would like you to meet Ellizabeth Dela Cruz. Anak sya ni Mary Zareth Dela Cruz." Tita Clarissa just smiled to me.
"Hello iha, it is nice meeting you." he held his hand para kamayan ako. Samantalang ako, di ko alam kung bakit, pero nanginginig ako sa takot.
"He-hello po..." I just grabbed his hand and he took it. Instead of shake hands ay hinalikan nya lang ang kamay ko.
"Elli!!!" I saw Cassie running towards to us.
Napansin ko rin ang biglang pagbitaw ni Mr. Funtabel ang kamay ko.
"Cassie..." niyakap nya ako bigla na akala mo di talaga kami nagkita sa school kanina.
"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala..." natigilan sya ng biglang makita ang lalaking nakakausap namin. "Nandyan ka pala Mr. Funtabel, hello po. Ma, hiramin ko lang po si Elli. Bye bye po." hinila na lang nya ako bigla. Hindi man lang hinintay ang sasabihin ng mommy nya. Basta basta na lang ako hinila.
Pero, sa kabilang banda ok na rin yung nilayo ako ni Cass doon. Kakaiba kasi ang pakiramdam ko sa lalaking yun. Para bang nakita ko na sya before pero hindi ko alam kung saan at kung kailan.
Sa pag-iisip ko ay di ko na namalayan kung saan ako dadalhin ng babaitang ito.
"Cassie, saan mo ba talaga ako dadalhin kanina mo pa ako hinihila..." sa tooto lang nananakit na braso ko sa kahihila nya sa akin.
"Basta... Kanina pa kasi kita hinahanap di man lang kita makita. Yun pala kausap ninyo ni mommy si Mr. Funtabel." tumigil kami sa gitna ng kagubatan na kung saan makikita mo ang ganda nito sa gabi.
Maraming nagliliparang alitaptap na nagbibigay liwanag sa dilim kasabay na din ang bilog na buwan. Mabango ang simoy ng hangin lalo na't hinahampas nito ang mga dahon sa mga puno kasabay ang mga matatayog na damo.
"Dito ka lang, hanapin ko lang si kuya. Kanina pa kasi sya nagaantay sayo dito." iniwan na lang nya ako dun na nag iisa sa gitna ng kagubatan.
"Pero Cass..." bago pa man ako makapagsalita, ay wala na sya dun.
Si Cassie talaga...
Umupo na lang ako sa isang kahoy dahil na rin sa pagod.
Habang pinagmamasdan ko ang liwanag ng buwan ay nakadama ako ng antok dala na rin siguro ito ng pagod.
---
"Mary, itakas mo na si Elli... Bilis..." isang pamilyar na boses ang aking narinig.
"Mag-iingat ka..." bakas sa mata ng babae ang pag-aalala at lungkot nito.
Binuhat ako ng babae palayo sa nangyayaring... Kitang kita ko ang pag aalala at lungkot sa kanyang mga mata.
Maganda sya at maporselana ang kutis. Di na nakapagtataka kung sinoman ang mahumaling sa kanya ay tuluyan nang lalalumunin nya ng ganda.
Habang patuloy pa din ako sa pagtingin sa kanya may kakaibang sensasyon akong nadama...
BINABASA MO ANG
A Vampire Love
VampireHandsome, fair skin, shinning beautiful eyes and ofcourse he has these fangs! That's how I describe Drake Palma. The known vampire cassanova and my master. He protects me and cares for me though i'm just a slave to him. Cold sya sa ibang tao, habang...