Ang cute lang kung kaklase mo yung crush mo no? Andaming may gusto ng ganun, pero ako?
'Ayoko nga!'
Hindi ako makapag-concentrate sa klase pag-ganun. Kaya naman ginagawa ko lahat para lang di niya mahalata na crush ko siya.
Isang araw napatambay kami ng bestfriend kong si Ashley sa covered court. Andun rin si Paul kasi may practice siya ng volleyball.
'Grabeee! Andaming activities nitong si Paul. Nasa basketball team siya. Member rin siya ng Student Council ng school at Cheer dancer rin siya. Okay siya na talaga ang crush ko! Hahaha!'
"Oh mards! Huwag masyadong nakanganga ha? Pasukan ng bubuyog yung mouth mo eh!" - Ashley
"Nakatingin lang ako sa kanya pero di ako naka-nganga mards!"
"Ayuuuun! Huli na pero ayaw pang aminin. Sabihin mo na kasi Jessie Jayne na crush mo si Paul!" - Ashley
"Pwede ba mards ang mouth mo nga yung e-zipper mo at baka marinig tayo ng mga kaklase natin."
"Umamin ka na kasi sa kanya! malay mo the feeling is mutual." - Ashley
"Ayoko nga! Wala sa vocabulary ko na umamin sa kanya no! Eh pano kung the feelings is not mutual?Edi nganga ako ngayon? Haist! Kaya tigil-tigilan mo ko sa mga advice mong palpak."
"Salamat mards ha? Kaibigan talaga kita. Kaya mahal na mahal kita eh! Pakurot nga sa pisngi isa lang?"
Saka niya nga ako kinurot na sobrang gigil.
"A-Aray mardssss! massshhakiiiit! T-Tama naaa!"
"Excuse me Jessie. Pahawak naman muna ng I.D ko please?Yung bag ko kasi nasa locker."
"A-Ah s-sure Paul!"
"Thank you!" - Paul
Bago siya umalis ay binigyan niya pa ako ng isang napakagandang ngiti. Kahit mahigit isang taon ko na siyang kaklase eh kinikilig pa rin talaga ako tuwing napapalapit siya sakin.
"Oh mards wala na siya. Kanina pa umalis. Dito ka na lang sa ID niya tumitig oh!" - Ashley
"Totoo yung nangyari mards? Hindi to panaginip? Pinahawak niya talaga sa akin yung ID niya?"
"Oo totoo! Pero yung reaction mo oh! Parang ID lang pinahawak sayo! Kala mo naman parang pinahawak na niya puso niya sayo!" - Ashley
"Mardsssssss! Waaaaaaah! Nasa akin yung ID niya. Bakit kaya ako pinahawak niya nito?"
"Oh! Huwag masyadong lagyan ng meaning mards. Sabi naiwan daw yung bag sa locker eh!"
"Napaka-supportive mo talaga mards no? Kaya lab kita eh! Pero di kaya sakin niya pinahawak yung ID niya dahil sakin lang siya may tiwala? Mardssssss kinikilig akooooo!"
"Oh! Oh! Sabing huwag masyadong lagyan ng meaning eh. Konti na lang dictionary ka na mards!" - Ashley
"Hi! Pwedeng magtanong?" -- babae 1
Napatigil pa kami sa pag-uusap ng may lumapit na tatlong babae.
"Bakit? Ano yun?"
"Ahm. ID ba yan ni Paul?" - babae 2
"Ahh.. Oo! Bakit?"
"Pwede ako na lang magsasauli sa kanya? Please? Kasi talagang crush ko siya eh. Para naman makapag-usap kami." - babae 3
"Ha? Ahhh.. kasi.. sakin niya--"
"Ako na lang magsasauli sa kanya miss kasi magkasama naman kami sa practice ng cheer dance mamaya eh." - babae 1