1st Part

5 0 0
                                    

Kakalabas ko pa lang nang bahay pero naliligo na kaagad ako sa sarili kong pawis. Kainis. Ang init sa Pilipinas.

Patawid na sana ako ng unahan ako ng isang batang mabilis na tumatakbo.

" Pigilan n'yo 'yong bata magnanakaw 'yan! " sigaw sa likuran ko. Alam kong ang batang tinutukoy nya ay ang batang kakalagpas lamang sa akin pero ewan ko ba kahit ako 'yong malapit ay hindi ko nagawang gumalaw upang sana ay mahuli ang bata.

I was rooted on where I was standing. Hindi ko alam kung nagulat ako sa nangyari o sa pag-irap sa akin no'ng Ale na humahabol do'n sa bata.

Nang makalagpas sila saka pa lamang ako nagpasyang tumawid na.

* BEEP !!! *

Sh*t !

Muntik na 'ko ..

Hindi ko napansing naka-green light na pala.

Nice Lia. What a nice way to start your messy day. Insert sarcasm please.

Lia Macapalag ang pangalan ko. Bente singko. Isang simpleng empleyado.

Pagpasok ko pa lang sa office, ramdam ko na. May nangyari.
Pagkababa ko ng gamit ko sa mesa ko malapit sa pinto, nilapitan ko muna si Alli, officemate slash friend ko dito sa work.

" Uy, Alli. Anong meron? Five to eight pa lang ah, may nangyari na? " Tanong ko sa kanya. Nakaharap lang siya sa PC n'ya at 'di ako nililingon.

" Si Iva kasi .. I mean si Ma'am Iva kasi .. " sabay tingin nya sa pinto ng CR kaya napatingin din ako. Kaya lang may isang minuto na yata akong nakatingin do'n hindi ko pa rin naririnig si Alli na ituloy ang sinasabi niya kaya nilingon ko na siya.

Nakita ko siyang nakatingin pa rin sa pinto ng CR.

" Huy! Ano ba kasing nangyari? " tanong ko ulit after ko siyang mahinang hampasin sa balikat.

Tiningnan niya muna ako bago sumagot.

" Mamaya na. Hintayin na lang nating lumabas si Ma'am Iva. "

Nakakapagtaka, oo pero 'di na 'ko nagtanong pa. Bumalik na ako sa mesa ko at nagsimulang magtrabaho.

Wala pang sampung minuto akong nakakaupo sa upuan ko nang bumukas ang pinto ng CR at lumabas si Ma'am Iva.

Lahat kami napatayo sa nakitang ayos nya.


*TBC

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daily dose of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon