"Ma'am hindi po kita masusundo. Nasiraan po yung
Kotse. Sorry po Ma'am" sabi ni Manong. Ang driver namin."Aishhh! Bakit ngayon pa kuya? Sige sige bye na po" dismayado kong sabi kay Manong at ibinaba ang tawag.
Aish! San ako sasakay?!
Sa Jeep? Di ako marunong. Sa trycicle? Aishh ayoko.
Aha!
Pumunta ako sa Terminal ng bus at sumakay. Naghahanap ako ng mauupuan.
Isa nalang ang pwede. Sa tabi ng isang lalaki. Hmmm mapungay ang mata, matangos ilong, makapal ang kilay, kissable lips at maputi. Oha! Almost perfect. Tumabi na ako sa kanya.
"Manong bayad po!" Sigaw ko pero hindi nya ako pinansin.
"Mga Ate at Kuya wala ho ba kayong mga kamay? Pakiabot naman to oh!" Galit kong parinig.
"Hahaha baliw yata si Ate maganda na sana eh"
"Haha parang tanga lang"Rinig kong sinabi ng mga tao kaya tinaasan ko sila ng isang kilay.
"Hey people I'm not crazy! Nakikisuyo nga ako eh!" Galit kong sigaw naagaw ko ang lahat ng atensyon nila.
"Ms. Mamaya kana magbayad. Lalapit naman satin si Kuyang konduktor" bulang ni Kuyang poging katabi ko.
Napatingin naman ako sa kanya at inirapan ko siya. Che! Pahiya ako dun ah! Tss!
"Ms san ang baba mo?" Tanong nung konrektor? Kondektor? Ugghh! Basta yung lalaki.
"Sa Camia Street kuya" sabi ko at may inabot siya sakin.
Yung matigas na papel? Tapos nay mga number! Basta yun.
Maya-maya bumalik uli siya.
"Ms. Asan bayad mo?"
Magkano ibabayad ko? Hindi naman niya sinabi. Natataranta na ako.
"Ahhh kuya Eto po yung bayad ng girlfriend ko sorry po hehe wala kasi siya ngayon sa sarili" sabi nung katabi ko at inakbayan ako loko to ah! Gawin pa kong baliw! Hmmp.
"Ms. Binayaran na kita ah! Pasalamat ka naman" sabi pa niya.
"T-thanks. Alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko!" Sigaw ko kaya inalis nya na.
"Hehe sorry Miss kasi sa susunod na sasakay ka sa Bus tignan mo yang ticket mo oh! Ayan yung mga number na may butas!" Paalala nya na.
Inirapan ko uli sya at di nalang sya pinansin. Epal!
"Miss siguro first time mo lang sumakay ano? Haha mukha ka kasing baliw kanina eh!" Tawa pa nya.
G*g* to ah!
"Manahimik ka kuya di porket gwapo ka hindi na ako maiinis sayo!" Pagtataray ko.
"Alam ko Miss gwapo ako wag mo ng sabihin!" Aba ang hangin.
Nagkukwento pa sya ng kung ano ano. Ang daldal nito kalalaking tao eh.
"Para Manong!"sigaw nya.
"Miss sa susunod na magkita tayo dito sa Bus nato akin ka na ah" bulong nya na nakapagpatinding ng balahibo ko.
Nag-iinit ang pisngi ko shet! Why? Hindi ako kinikilig!
"See you around Miss!" Pahabol pa ni Kuya.
Baliw!
_____Pasakay nanaman uli ako sa bus! Kainis gamit naman ngayon ni Kuya yung kotse bwiset napakamalas!
Napansin ko same bus nanaman yung nasakyan ko katulad ng first time kong sumakay sa ganto.
Umupo na ako. Nagiintay nalang ako kay kuyang nagbibigay ng ticket nagtanda na ako eh.
"Hey Miss! Akin ka na" bulong niya.
Shet si Kuya nanaman.
"S-sige" I don't know kung bakit ko yan nasabi.
"No pala!" Angal ko.
"Wala na Miss sakin ka na"
____"Hey babe!" Sabi ni Steven.
"Bakit tulala ka nanaman?" Tanong niya.
"I'm just reminiscing our story" sabi ko at yumakap sa kanya.
"Ahh haha hindi ko pa rin yun makalimutan. "Hey Miss! Akin ka na!" Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Loko ka kasi eh haha!" Sabi ko naman.
"Gwapo naman! I love you Unique"
"I'll! Wag ka nga I love you too Steven!"