"AJ magtanungan tayo bess" yaya ko sa bestfriend ko."Huh? Paano yun bess?" Tanong niya.
"Ganto, Magtatanong ako tapos sasagutin mo rin ng tanong kapag ang sinagot mo ay hindi tanong syempre talo ka at may consequence" paliwanag ko sa kanya.
"Sige sige exciting ah. Mauna ako ah?"nakangiti nyang ani.
"Unique?sino crush mo?" Tanong nya.
Ikaw Aj matagal na. Nais kong isagot.
"Eh ikaw ba sino?" Balik ko.
"Ang gwapo ko diba?" Memang sabi nya.
"Weh?! Gwapo ka ba?" Hahaha sarap inisin nito ah yung mukha nya parang ewan.
"Unique magtatagal kaya itong relasyon nating magkaibigan?" Curious nyang sabi.
Hindi ito magtatagal kasi gusto ko magtatagal yung relasyon natin hindi bilang magkaibigan kundi bilang magkasintahan.
"Ikaw? Sa tingin mo ba?" Sabi ko naman.
"Mahal mo ba ako?" Anong klaseng tanong yan? Alam naman nya eh.
"Eh ikaw ba? Mahal mo rin ba ako?" Pagbalik ko ng tanong.
"Mahal mo ba ako bilang kaibigan o may iba pa?"
Shet! Nagulat ako sa tanong nya. Sige na sasagutin ko na siya. Okay lang na matalo ako basta maamin ko na ang nararamdaman ko.
"Mahal kita Aj hindi lang bilang kaibigan!" Pag-amin ko.
Natatakot ako kasi gulat yung mukha nya. Baka hindi naman nya ako mahal. Ano pa bang aasahan ko? Kaibigan lang naman nya ako eh at wala ng mas hihigit pa doon.
"Hahahahahahahaha!" Nagulat ako nung tumawa sya.
"Anong nakakatawa Aj?" Naiinis na tanong ko.
"Talo ka! So you'll face the consequence" sabi nya at ngumiti.
"What is your consequence?" Natatakot na tanong ko.
Baka sabihin nyang layuan ko na siya.
Baka sabihin nyang wag ko na siyang pansinin.
Baka ayaw na niya akong maging kaibigan dahil umamin ako.Nakakainis naman oh! Bakit pa kasi ako umamin!
"Ahhmm papayag ka na simula ngayon hindi nalang tayo magkaibigan kundi mag-ka-i-bi-gan na" ngiting sabi niya.
Jusko! Kung panaginip to! Wag niyo na akong gisingin!
"What do you mean?" Kunwaring nagtatakang tanong ko.
Enebe! Syempre pabebe muna hehehe.
Hinapit niya ako papalapit sa kanya at pinulupot ang kamay nya sa bewang ko. Yung puso ko! Ang bilis ng tibok!
"Slow mo rin eh no? Girlfriend na kita I love you" bulong niya.
Shemssss! Kurutin nyo ako!
"I love you too!" Bulong ko pabalik.