I Fell in Love with a Gay

6 0 0
                                    

First day ko ngayon as a College student. Naglalakad ako sa University. Hindi ko namalayang may makakabungguan ako.

"Sorry po" sabi ko sa isang...

Makinis maputi siya pero bat ganon? De joke lang. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, manipis na labi aba tinalo pa ako, hazel nut eyes at makakapal na kilay.

In short gwapo! Nakakainlove oh my gosh!

"Hi Sis! Sarrey den pala ah" at tumigil ang mundo ko nang biglang nagsalita siya!

Oh my gosh! Bakla si crush!

"B-bakla ka?" Utal at gulat na tanong ko.

"Yes! Bakla! Beks! Bading! Gay! Oh aney pa?!"maarteng sabi niya.

"S-sayang gwapo s-sana" bulong ko.

Hayyyss! Kala ko pa naman love life na!

"Hey sis! Sabay na tayo magkaklase naman yata tayo eh hihihi. Gora na!" Sabi niya at hinila ako.

Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Ang gwapo kasi tapos si heart ko nako! Hindi matigil sa pagkarera!
____

"Hey bitch!" Sabi saakin nung classmate naming maldita.

"Wait are you referring to yourself?" Mataray na tanong ko.

Hmmp! Ang kala niya hindi ako magpapatalo no!

"How dare you?" Galit na anya at sasampalin sana ako nang biglang may pumigil sa kanya.

"Ikaw gurl! Ang bitchessa ka talaga eh no?! Iniistress mo ako ah! Etong sayo!" Si AJ.

Sinasabunutan niya ngayon yung classmate ko.

"Juice colored! Kakalbuhin na kita eh! Hmmm! Ikaw babaita ka talaga! Sarap jombagin!" Sabi pa ni AJ yung crush kong bakla.

"Halika na nga Unique! Dun na tayo sa canteen" sabi niya sabay hila saakin.

Habang naglalakad kami pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. Shit! AJ wag kang ganyan.

Naiilang ako kasi diba? Lalaki parin siya. Tinignan ko siya pero parang wala lang naman sa kanya. Sabagay kaibigan lang naman turing niya sa akin.
_____

"Unique anak iniintay kana nung gwapo mong kaklase!" Sigaw saakin ni Mama.

"Sino yun Ma?!" Tanong ko.

"Hay nako! Bumaba kana lang! Bilis sinusundo kana!"

Bumaba naman na ako at nakita ko si AJ.

"Unique! Ang tagal mo kaloka" wika niya at bumeso saakin.

"Sorry naman. Bat mo ba ako sinusundo?" Tanong ko.

"Wala lang hehe gusto ko lang" utal nyang sabi.
_____

Lumipas pa ang nga taon. Graduating na kami ni AJ. Oha! Ang bilis diba! Yung pagmamahal ko sa kanya palalim na ng palalim.

Nagbago na rin pala si AJ kasi nakwento ko ba? Siguro hindi haha. Lagi kasi yun nag lalagay ng liptint at cheek tint. Ngayon hindi na. Tapos hindi na siya nagkukwento about sa mga Fafa niya. Ewan naninibago na nga ako eh.

"AJ!" Tawag ko sa kanya.

"Oh?" Cold na aniya.

Isa pa pala yun masyado na siyang ilap saakin.

"Tapatin mo nga ako! Bakit minsan mo nalang ako pansinin? Bakit hindi mo na ako sinusundo? Bakit ang cold mo?! AJ naman! Hindi ako sanay!" Naramdaman kong patulo na ang luha ko pero wala akong pake.

"Gusto mo ba talagang malaman ha?" Tanong niya.

Ang lalim ng boses niya hindi na maarte hindi tulad dati.

"Bakit AJ?" Tanong ko uli.

Lumapit siya saakin at unti-unting nilapit ang labi niya saakin.

"P-para s-saan y-yon h-ha?" Uutal na tanong ko.

Napahawak ako sa labi ko.

"Ewan ko rin. Basta alam ko mahal na kita! Hindi lang bilang kaibigan Unique. Alam mo ba nung una nating pagkikita? Nainis talaga ako sayo pero hindi ko lang pinahalata. Ang ganda ganda mo kasi eh! Tapos yung puso ko rin tumibok ng malakas. Alam mo ba nung simula kitang sinundo sa bahay nyo? Gusto ko kasing sabay na tayo palagi ayaw kong may ibang lalaking susundo sayo. Yung nga manliligaw mo ayun tinatakot ko" kwento niya.

Gulat na gulat naman ako.

"Unique alam mo ba kung bakit hindi na ako nagliliptint? Nagmemake-up? Hindi na ako naghahanap ng mga lalaki? Dahil para sayo lahat yun! Nagbabalik loob ako para sayo." Patuloy niya pa.

"Unique mahal kita" sabi niya at ngumiti.

"Mahal din kita" tugon ko.
____

Simula noon officially naging lalaki na uli si AJ.

"Hey babe! Tulala ka nanaman" sabi niya at yumakap sakin.

"Inaalala ko lang dati yung panahong bakla ka pa hahaha" sabi ko at tumawa.

"Wag mo ng ipaalala. Look nagbago na nga ako diba?"kunwaring inis na tanong niya.

"Opo sorry na hehe I love you"

"I love you too"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now