¤ 1 ¤

2K 96 21
                                    

PANIMULA

Monique's POV

Malalaking gusali, maiingay na busina ng sasakyan, makapal na usok at nagmamadaling mga tao. Ito na nga yata ang Maynila, ang magiging bago kong tirahan sa loob ng hindi ko pa matansiyang mga taon. Tila isa itong malaking balwarte ng mga taong may malalaking tiwala sa kanilang mga sarili na sa palagay ko ay wala ako.

Bahala na, hindi naman ako pumunta dito para makipagkompetinsiya. Nandito ako para may mapatunayan naman ako sa sarili ko at para naman matulungan ko ang pamilya ko sa probinsiya.

Ako nga pala si Monique Dane Enriquez, 21 years old and a graduate of BS Accountancy at bagong bagong CPA lang. Nakapagtapos ako sa isang simpleng kolehiyo sa probinsiya ko sa Cagayan de Oro. Hindi ito kasing mahal at kasing sosyal ng mga unibesidad at kolehiyo dito sa Maynila pero 'di naman ata yun sukatan kung magaling ka nga ba talaga dahil pare-pareho naman ata ang inyong pinag-aralan.

"Hello, good morning. Ako nga po pala si Monique Dane Enriquez, isa po ako sa new applicants ng kompanyang ito." sabi ko sa isang babaeng maganda pero parang suplada yata.

"Meron ka bang kopya ng email na natanggap mo from this company?" tanong ni ateng di man lang ako tinapunan ng tingin.

"Ayy opo, wait lang ... " at kinalkal ko ang aking lumang bag na gamit ko pa noong college student palang ako. Ngunit makalipas ang ilang saglit, wala akong nakitang papel sa loob ng aking bag. Sigurado akong nalagay ko yun kagabi eh, ano ba naman to, first day na first day, parang ang malas ata.

"Ah ma'am, nawala po sa bag ko eh. May iba pa po bang paraan para mahanap yung pangalan ko bilang bagong empleyado dito?" nahihiyang sabi ko pero inirapan lamang ako ni ateng sabay tutok sa kanyang computer at hinanap ang pangalan ko.

"Pumasok ka sa loob at hanapin mo si Ms. Elaine, siya ang mag-aassist sa'yo." sabi niya.

"Ah, sige po ma'am. Maraming salamat po." ngiting sabi ko sa kanya at tuluyan nang pumasok sa pintuan ng magiging opisina ko sa mga susunod na araw, buwan at taon kung pagpapalain.

Palinga-linga akong pumasok at tuluyang namangha sa aking mga nakikita. Mga taong naka formal corporate attire, masasabi mong ang gaganda at gagagwapo nila dahil napaka pormal talaga nilang tingnan. Ang ganda rin ng opisina, tila isang international na design at placement ng mga office tables and chairs pati na rin ang interior design, sobrang nakakamangha.

"Fuck!"

At nagising ang aking diwa sa isang napakalutong na pakshet, char. 

"Look what you've done, it's a mess now." bulyaw sakin ng amerikanong hilaw na eto at napatingin ako sa mga papel na nagkalat sa sahig.

"Ahm sorry sir, it's all my fault because I didn't entertain her immediately" sabi ng isang mala anghel na babae sa tabi ko.

"Clean this up or else I'll kick the both of you out of this company"

"Yes sir, so sorry. It will not happen again." pagpapa umanhin ni ate ganda.

"Better be." isang napaka cold na reply ni kano pero may diin at awtoridad ang pagsasalita.

Dinampot naman agad agad ni ate ganda ang mga nagkalat na papel matapos makaalis ang tigreng kano na iyon. Tinulungan ko na rin siya kasi kasalanan ko naman talaga, tanga tanga mo talaga Monique Dane. Ayun tuloy napagalitan si ate haynaku.

"Ma'am, sorry po talaga. 'Di ko po kasi nakita, paumanhin po." sabi ko matapos maiabot ang mga papel kay ate ganda.

"It's okay, pagpasensiyahan mo na si sir ha, may dalaw yata." nakabungisngis niyang sabi sakin at tsaka nilahad ang kanyang kamay.

"I'm Elaine Joson, senior accountant sa isang department dito."

"Hi po, ako po si Monique Dane. Dane nalang po." saboy abot sa kanyang kamay at ngumiti kay Ma'am Elaine.

"It's nice to meet you Dane, ako ang mag aassist sa iyo dito for the mean time. I have reviewed your credentials and I can say na hindi ka mahirap turuan."

"Ayy hindi naman masyado ma'am pero thank you po."

"Oh siya sige, punta na tayo sa assigned cubicles natin and we'll start your first day. Welcome to EJB & Co."

Agad ko namang sinunod ang mga instructions ni Elaine. Yun nalang daw ang itawag ko sa kanya kasi lakas makamatanda daw if may ma'am pa sa unahan. Actually di naman masyadong mahirap ang naging trabaho since nagawa ko naman eto mostly during my OJT days. Pero may mga bagay bagay lang talagang kailangan kong itanong kay Elaine especially those involved primarily sa company. Nag research naman ako about sa kompanyang eto at masasabi kong isa talaga eto sa leading accounting firms in the Philippines pati na rin sa ibang bansa. It is actually a sister company ng isang sikat na auditing and accounting firm sa Germany, yun ang naresearch ko. Pero di naman ako nagtaka kasi sa facilities palang nito masasabi mo talagang galante at suntok sa buwan kung matanggap ka dito. Yes, I have a good record from my board results pero haler, the reality will strike you kasi di ka naman graduate ng UP, Ateneo, La Salle at iba pang prestigious universities in the Philippines. And thankful ako masyado kasi nabigyan ako ng pagkakataon na maputol ang isang stereotype na iyon na kesyo probinsyana, wala ng karapatang makapagtrabaho sa malalaking kompanyang eto. Naputol ang aking pagmunimuni ng utosan ako ni Elaine.

"Uhm Dane, pwede papirmahan mo ito kay Sir Edrake sa office niya?"

"Ayy sige" sabay kuha sa mga papeles na kailangan papirmahan kay Edrake kanong hilaw na malakas bumulyaw ng pakshet malutong. Oo, di parin ako makapagmove on dun pero wala akong choice, empleyado lang ako at boss siya. It's time to be "tuta mode" muna ako ngayon. Laban!

Kumatok muna ako sa opisina ng tigreng iyon, parang hawla nga ata eh.

"Come in."

At pinihit ko ang door knob. Hindi ko masyadong nasilayan ang pagmumukha niya kanina dahil nakayuko laamang ako the whole time na nagsesermon siya. Panget siguro ng itsura neto kasi parang may galit sa mundo eh, naisip ko lang. At pag-angat ko sa aking mukha, parang may anghel atang dumapo sa earth ng very slight lamang. Agad ko namang ibinalik ang pag-iisip ko baka mapunta pa sa ibang dimensyon ang pag-iisip ko.

"Good morning Sir. Miss Elaine told me that these papers needed your approval and signature." sabay abot sa kanyang table ang mga papeles.

"Just put it in there. I will review it later" sabi niya habang nakatutok parin sa kanyang laptop.

"Okay Sir. Thank you" sabi ko at inilagay ang mga ito sa table niya. Akmang aalis na sana ako ng tawagan niya ako at nilingon ko naman siya agad agad.

"The next time you enter this company, make sure that you are on your normal self. I don't need clumsy and stupid employees here." sabi niya habang parang sinusuri ang buong pagkatao ko at hinuhusgahan ng kanyang malalaking mata.

"Sorry, sir. I will" matabang kong sagot sa mga insulto niya.

"Good." Sabi niya at bumalik na sa pagtutok sa kanyang laptop.

Inaasahan ko naman tong mga ganap na ito. Mali nga naman ang nagawa ko kanina pero ang big deal yata ng isang simpleng pagkakamali sa kompanyang ito. Ang ayoko pa naman sa lahat yung parang hinuhusgahan agad agad ang buong pagkatao mo para sa isang pagkakamali lamang. Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi niya at tuluyan ng lumabas sa opisina niya sabay punas ng luhang pumakawala sa aking mata.

This is only the start Dane, ginusto mo 'to. So, deal with it. Ang sarap namang panimulang to, sana makayanan ko to.

¤

I survived Chapter 1 yeeey 🙌 If you are reading this, thank you again and again and again hahahaha keep reading 💫



Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon