Chapter 28

5.2K 46 4
                                    

Maaga pa lang ay abala na si Francine sa paglalaba ng mga kurtina at bed sheet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga pa lang ay abala na si Francine sa paglalaba ng mga kurtina at bed sheet. Natambakan kasi siya ng mga labahin dahil sa naging busy siya nitong mga nakaraang araw.

Maya-maya, habang naglalaba'y bigla siyang napahinto.

Naalala niya ang nangyari kinagabihan na napagtaasan siya ng boses ni Vera. Hanggang sa sandaling iyon ay ginugulo pa rin siya ng isipan dahil never pang nagawa iyon sa kanya ng kaibigan. Kapag may problema naman ito ay madalas na sinasabi nito kaagad sa kanya.

Siguro ay nasaktan talaga ito sa mga pinagsasabi ng kanyang ina sa video call. Ikaw ba naman ang pag-usapan ng gano'n ay siguradong pareho din ang mararamdaman mo.

Kung bakit ba naman kasi issue pa rin kay mommy ang ginawa ni Francine noon.

Nahuli ni Miranda si Vera noon na suot-suot ang bestida at alahas ni Francine. Iyon ang first time na isinama ni Francine ang kaibigan sa bahay para gumawa ng school project. Kaya naman nagkaroon talaga ng bad impression ang mommy niya rito.

"Sino ka? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa mga gamit ng anak ko!?" galit na pagkakasabi ni Miranda noon nang mahuli niya si Vera sa kuwarto ni Francine.

Nagulat naman si Vera nang makita ito. "Naku! P-pasensya na po!"

"Sino'ng nagpapasok sa 'yo sa pamamahay ko? Magnanakaw ka, ano!?"

"Hindi po ako magnanakaw!"

"Ah, gano'n? Huling-huli ka na nga ay magsisinungaling ka pa. Tignan lang natin kung hindi ka pa umamin kapag nagpatawag na ako ng mga pulis." Lumapit si Miranda at mahigpit na hinawakan si Vera sa braso. Hinila niya ito palabas ng kuwarto.

"Parang-awa nyo na po! Nagsasabi po ako ng totoo!"

Saktong lumabas naman sa kusina sina Francine at Yaya Seba bitbit ang inahandang pagkain. Nakita nila ang pangyayari.

"Naku! Ano'ng nangyari?" kabadong tanong ni Yaya Seba.

"Mommy?" Ipinatong muna ni Francine ang bitbit na merienda sa isang tabi at saka nagmadaling lumapit sa dalawa. Niyakap kaagad niya si Vera at ipinagtanggol sa kanyang ina. "Mommy, ano'ng ginagawa mo? Bakit nyo po inaaway ang best friend ko?"

Itinuro niya si Vera. "Best friend? Best friend mo ang pakialamerang iyan? Nakita ko na pinakikialaman niya ang mga gamit mo. Paano kung mawala ang mga iyon, lalong-lalo na 'yong mamahaling alahas na ipinamana pa sa 'yo ng lola mo na isinuot niya?"

"Mommy naman, e. Hindi naman nanakawin iyon ni Vera."

"Paano ka nakakasiguro na mapagkakatiwalaan nga ang babaeng iyan? Kay bago-bago nyan dito sa pamamahay natin, pero malikot na kaagad ang kamay. Sino'ng normal na tao ang gagawa no'n?"

"Pero, mommy... hindi iyon rason para pagalitan nyo siya."

"Hay naku! Ewan ko sa 'yo!" inis na sambit nito. "Basta't kapag may nawala sa mga gamit dito, hahanapin ko talaga ang babaeng 'yan at ipakukulong ko!"

Aalis na sana si Miranda nang utusan niya si Yaya Seba. "Seba, ikandado mo ang mga kuwarto ngayon din."

"Bakit ho, Madam?"

"E, ano ba sa tingin mo?" Tumingin siya kay Vera. "Mabuti na iyong nagsisigurado. Baka mamaya ay mapagnakawan pa tayo ng hampaluspang yan."

"Mommy!" sambit ni Francine.

"Y-yes po, Madam!"

At sumunod na nga ito sa kanya. Umakyat na rin si Mrs. Miranda sa kanyang kuwarto.

Umiiyak na napayakap na lang si Vera kay Francine.

"B-bessy, wala naman akong balak na nakawin ang mga gamit mo. Hindi totoo ang sinasabi ng mommy mo."

"Shhh..." Hinaplus-haplus ni Francine ang likuran ng kaibigan. "Alam ko naman na hindi mo magagawa iyon. Wala kang ginawang mali. Pagpasensyahan mo na lang si mommy. Minsan talaga ay gano'n ang pag-uugali nun, pero mabait iyon."

"Bessy, natatakot ako sa kanya. Ang mabuti pa siguro ay umuwi na lang ako. Hindi na ako babalik dito."

"Aalis ka na? Hindi ba't may gagawin pa tayong project?" Nakangiting napailing ito. "Ikaw talaga. Huwag mo nang masyadong pansinin si mommy. Maganda nga na makita niya na palagi kitang kasa-kasama para magkaroon siya ng tiwala sa 'yo. Patunayan mo sa kanya na mali ang ibinibintang niya sa 'yo. Balang araw, magiging okay ka rin sa kanya."

"Sigurado ka ba d'yan?"

"Oo."

Pagkuwa'y naglakad na sila pabalik sa kuwarto. "Basta sa susunod, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo, ah. Kung gusto mong tignan ang mga gamit ko, magsabi ka lang sa 'kin at ipahihiram ko sa iyo. E, kung sa 'kin lang naman, walang problema kahit hindi ka na magpaalam. Si mommy lang talaga ang tutol sa ginawa mo. Nagagalit nga rin siya sa akin kapag pinakikialaman ko ang mga gamit niya."

"Talaga?"

"Oo," nakangiting sagot ni Francine. "O, mag-smile ka naman d'yan." Ngumiti naman si Vera sa kanya.

Ngunit ang totoo ay nagtaka talaga si Francine kung bakit nagawa iyon ng kanyang ina kay Vera. Madalas naman kapag pinapupunta niya ang ibang kaibigan sa bahay nila ay nakikita nitong pinakikialaman ang mga gamit niya, pero never naman itong nagalit sa kanila.

Naaalibadbaran ito sa tuwing makikita si Vera. Mabuti nalang ay nabawasan iyon nang magtagal.

Iyon nga lang, minsan ay hindi pa rin mapigilan ng kanyang ina na ipahayag ang sama ng loob dito. Katulad na lang nang nangyari sa video call.

Hindi niya talaga ito maintindihan.

"Bessy?" sambit ni Vera.

Napahinto si Francine sa paglalaba at napatingin rito. Hindi niya in-expect na ito ang pa ang kakausap sa kanya sa kabila ng nangyari kinagabihan.

"O, bessy?"

"I'm sorry," sabi nito na may maamong mukha. "I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses kagabi."

"A-ako ang dapat ng humingi ng paumanhin sa 'yo, bessy. Gusto kong ihingi ng paumanhin sa mga masasamang nasabi ni mommy sa 'yo kagabi. Ang totoo'y inis pa rin siya sa 'yo dahil do'n sa ginawa mo noon. Hindi pa rin niya nakakalimutan iyon."

Then, lumapit si Vera at niyakap niya si Francine. "Kalimutan na natin iyon. Wala naman tayong magagawa kung ayaw pa rin niya sa 'kin."

"Huwag kang mag-alala. Hindi na kita isasama sa Laguna. Kami na lang ni Miggy ang pupunta roon. Ayoko naman na kami lang dalawa ang mag-enjoy, tapos ikaw---"

"No, sasama ako," biglang sagot nito.

"Talaga?"

Kumalas si Vera sa pagkakayakap. "Oo. Hindi ba't sinabi mo sa 'kin noon na patunayan ko sa Mommy na mali ang iniisip niya sa 'kin? P'wes, kahit matatanda na tayo ay hindi pa rin ako susuko na patunayan sa kanya na mabuti akong tao at mabuting kaibigan sa 'yo."

Napangiti si Francine sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa 'yo. Sisiguraduhin ko na walang gagawing masama sa iyo ang mommy ko."

Ngunit ang totoo ay gusto niyang pag-initin ang ulo ni Miranda. Kung sasama siya ay malaki ang posibilidad na hindi mag-enjoy sina Francine at Miggy roon dahil sa problema niya sa mommy nito.

Alam niyang makakagulo lang siya.

Bakit ako ang magpapaiwan? Paano kung ma-miss ako ni Miggy? Paano kung kailanganin niya ako? Istupida!


*****

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon