ISIAH's POV
Hindi ko malaman ba't lagi ako binubweset ng lalaking 'yon, ang nakakainis lang ka aga-aga niyang mambweset, 'di ba nakakainis lang?
Nabub'weset ako sa pagmumukha ng bagyo na 'yan, kala mo naman, abeh kung 'di siya Mondroadou ay 'di siya pogi noh! Itsura niya.
"Nakakainis ka! Akala mo naman ang g'wapo mo, pasalamat ka bahay mo 'to at kung hindi makakatikim ka nanaman sa'kin! Pangeeeeet! Arrrrgggghhh!"
"Ba't galit na galit ka?"
Nagulat ako sa nagsalita mula sa likod ko, Sino 'yon?
Paglingon ko muntik ko na mabitawan ang dala kong pagkain sa nakita ko..
Si Sir Sky pala, nako po narinig ba niya? Nako!! ano ang gagawin ko??
"Ah Sir, wala po... Ah siya nga po pala Sir ito na po ang pagkain n'yo ni Sir Seven."
Napatingin naman si Sir Sky sa dala kong mga pagkain nila ni Seven. Parang gusto kong sabihin na wala naman pong lason 'yan sir, kahit nga si Storm 'di ko man lang pinag-iisipang lasunin, kayo pa po ni Sir Seven na napakabait sa'kin.
Napapangiti pa akong nakatingin sa kanya na halos mawala na ang mata ko, by the way, my assets was my eyes, kasi sabi nila everytime I smile that comes from my heart, or even not came from my heart my eyes is also smiling.. oppss!! English 'yon ah."Ikaw may gawa niyan?"
"Yes my boss" ngiti kong sabay kindat.
Nakita kong umiwas ng tingin si Sir Sky. Boss ko talaga, wala pa ba siyang balak na mag-asawa? g'wapo naman siya.
"Mr. kim.''
Pagtawag niya kay Mr. Kim na lumapit naman agad sa kanya at yumuko, bago siya nagsalita nakatingin pa siya sa'kin habang nakangiti ako nang ubod ng tamis.
"Pakidala ng mga pagkain na 'yan sa office ko at pasabi na lang din kay Seven na pumunta do'n at kumain na, inihanda kamo ni Isiah."
"Masusunod po Young Master."
Wika niyang sabay yuko, pagkatapos yumuko ay kinuha sa'kin ni Mr. Kim ang mga dala ko, nagpasalamat pa ako at pumunta na ito sa opisina ni Sir Sky.
Nang maglaho sa paningin namin si Mr. Kim ay agad ako hinila ni Sir Sky na ikinagulat ko, hinawakan niya ako sa kamay.
Take note, naka cross finger pa...
Naglakad kami na para bang mag-bf dahil nga sa naka-cross finger naming mga kamay, 'di ko alam saan kami pupunta pero sumunod lang din ako sa kanya kung saan niya ako dadalhin.
Pagdating namin sa parking lot, inaantay namin ang kotse niya, pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa kamay ko, medyo naiilang ako kasi nararamdaman kong kumikilos ang hinlalaki niya na para bang nilalambing nito ang mga kamay ko.
Diyos ko ang puso ko ang lakas ng tibok, ano ba kasi nakain nitong boss ko..
Pero para mabasag ang katahimikan ay tumikhim ako na akala ko ay maaabala ko ang atensyon niya.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...