My Ultimate Crush

19 4 0
                                    

| My Ultimate Crush |
written by: Xienielle

"Necxie,bilisan mo." Rinig ko na namang sigaw ng kaibigan ko sakin habang papalapit ako sa classroom namin.

"Andito siya, beks. Dalian mo naman."Sigaw niya ulit na may kasama pang kumpas ng mga kamay ng makita akong nag mo-model pa sa paglalakad.

Pero teka ano daw sabi niya? Sinong siya na naman ba ang tinutukoy ng bruhang to at atat na atat na maipakita sakin? Buti sana kung s-------

" Mamaya kana mag ala model diyan,nasa loob ng room si Vinz."Aniya na agad nagpalakas ng tibok ng puso ko.

Seriously? Andito siya sa classroom namin? At anong ginagawa niya dito? Bigla akong nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod habang papalapit kami ng papalapit sa classroom.

Tang na orange naman oh! Di ako prepared sa biglaan niyang pag bisita sa classroom, napahawak pa ako sa buhok ko at marahan itong sinuklay gamit ang mga daliri ko. Pinasadahan ko rin ang uniform ko,at pinagpagan ito kahit wala namang dumi. Nako-concious talaga ako kapag malapit siya sakin,argh!

He is my ultimate crush,since pumasok ako dito ng 1st year high school ako hanggang ngayon 3rd year high school na ako siya padin 'yong kaisa-isang crush ko sa paaralan na to.

Loyal at stick to one kasi ako eh :)

"Naks! Iba talaga pag si Vinz ang pinag-uusapan nag aayos ka." Aniya at hinila ako papasok sa room namin na napuno ng mga estudyante sa kabilang section.

Gusto ko sanang kontrahin 'yong sinabi niya,pero napatanga ako sa dami ng estudyante'ng nakapaligid sa room namin.

Ano bang meron at napuno itong room namin ng mga estudiyante?Haler! May important announcement bang nagaganap?

"Dali upo ka dito. Di ka naman siguro bulag o duling para di mo makita ang taong nasa harapan mo ngayon ano?"ani Kyla at umupo na din sa katabing upuan ko.

Pero naka glue na 'yong mga mata ko sa taong nasa harapan ko ngayon at nakikipag-usap sa katabi niyang babae,na kaklase niya ata.

Ano kaya ang ginagawa nila dito?bakit nandito lahat ng 4-A ?.(Referring to Vinz and his classmates)

"Anong meron dito?"takang tanong ko habang di hinihiwalay ang paningin sa taong nasa harapan ko.

"They're performing,project ata nila sa Music."Ani Jane at kinindatan pa ako"chance mo na to,beks."Aniya pa at nginitian ako ng todo.

Anong chance pinagsasabi nito? Tsaka I know how good he is when it comes to singing. kaya nga nagustuhan ko siya eh.

First day of school that day,at may orientation for freshmen students na nagaganap sa gymnasium,at dahil isa ako sa mga freshmen students eh nandoon ako at bagot na bagot sa pakikinig. At siya naman isa sa mga nag intermission number noon. At first wala naman talaga akong nakikitang espesyal sa kanya not until he sung.

Hindi ako tumitingin sa stage noon kasi nababagot nga ako at napapagod na sa kakaupo dahil magda-dalawang oras na magmula ng mag umpisa itong orientation and yet until now di pa din tapos. Pero nung nag start na siyang mag strum ng gitara niya at umpisahan niya ang first stanza ng kanta eh bigla nalang akong napatingin sa kanya at napatitig,ng bigla lang din itong napaangat ng tingin at nag cross ang paningin naming dalawa at bigla itong ngumiti sakin.

My Ultimate Crush(One Shot)Where stories live. Discover now