_Drake_
hindi ako mapakali, pagkabalik na pagkabalik ko sa manila ay parang kating-kati akong bisitahin agad si Jane kahit na nga hindi naman nya ako pinakikiharapan ay sapat na saakin yon.
3days din akong umuwi sa batangas dahil nakiusap sakin ang nanay ko dahil nga kaarawan ni tatay nong nakaraang araw at hindi agad ako hinayaang makauwi.
Lalo na ng malaman nitong buhay si Jane at magkakaapo na sana ito muntik pa nga akong itakwil ng mga magulang ko at binantaang hindi ako makakatapak sa bahay hanggat hindi kami ayos ni Jane.
Nagsisisi tuloy akong hindi ako nagpaalam sa kanya nag-aalangan kasi ako na baka wala naman syang pakialam at hindi interesado.
Papasok pa lang ako ng subdivision nina Jane ng mapansin ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada doon. Sigurado akong kay Jane yon. Hininto ko ang sasakyan at bumaba upang tingnan kung nasa loob sya pero wala sya doon.
Pinasya kong lumapit sa guard na naka duty don.
"Excuse me kuya, nakita mo bakung saan pumunta ang may ari ng sasakyang iyon?" Sabay turo ko sa sasakyan.
"Ahh yon ba sir? Oo kanina po at may sumundo sa kanyang isang lalaki na malaki ang katawan sa isang maroon na van sila sumakay. Nagtaka nga po ako dahil iniwan na lang nya ng basta dyan yong sasakyan, palinga-linga pa nga sa paligid yong lalaki e, hinayaan ko naman po dahil baka kakilala ni ma'am kasi sumakay naman sya ng kusa."
Paliwanag ni kuya guard kinakabahan ako! Nagpasalamat lang ako at itinuloy ko ang pagpasok sa loob baka kasi nakabalik na ito.
Nag door bell ako at matapos ang ilang beses ay ang mommy at Daddy ni Jane ang bumungad sakin.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Halatang inis na tanong ng daddy ni Jane.
Hindi ko yon pinansin.
"Nandyan po ba sa loob si Jane?"
Please sabihin mong oo at mapapanatag ako.
"Wala umalis sya kani-kanina lang kadadating lang din namin nabanggit lang ni manang" kalmado namang sagot ni tita.
Lalo akong kinabahan.
"A-alam nyo po ba kung saan sya nagpunta o kung sinong kasama nya?"
"Hindi. Teka nga hindi ba dapat ay wala ka ng pakialam pa doon?" Pabalang na wika ng daddy nya.
Kinakabahan ako pero naglakas loob akong sabihin sa kanila wala akong sapat ba basehan pero masama ang kutob ko dito.
"Yong sasakyan nya po kasi nakaparada sa labas ng subdivision ayon pa po kay manong guard ay may sumundo sa kanyang lalaki at sumakay sa van"
Bumalatay ang pagtataka sa mukha nilang pareho.
"Teka malamang ay si Zander ang kasama nya maliban sa kanya ay wala na yong ibang lalaking pwedeng samahan" wika ni tita.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Jane pero nakapatay ito. Naisipan kong tawagan si Zander.
"I'm sorry to disturb you, I just wanna ask kung kasama mo ba si Jane ngayon!"
Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang sagot mula sa kanya.
"Hindi daw po nya kasama, wag po kayong mag-alala hahanapin ko po si Jane"
Non lang tuluyang nabalot ng pag-aalala ang mukha nila.
"Please" pakiusap pa ni tita.
Tumango lang ako at bumalik na sa kotse ko.Bigla kong naalala ang text message sakin ni Thamara.
I have a surprise for you when you get back hon, I miss you, I love you!
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...