Lumipas ang mga araw masasabi kong naging okay na ang lahat. Masasabi kong marami mang nangyari noon ay masaya na ako ngayon.
Naging maayos muli ang relasyon namin ni Drake hindi ko na sya pinahirapan pa dahil sapat na siguro yong mga pinagdaanan naming sakit.
Si Thamara naman ay tuluyang sinampahan ng kaso nina Daddy at wala naman akong magagawa doon though okay lang naman kahit wag na dahil naiintindihan ko naman sya. Nasaktan nya man ako ay wala na yon.
Mabuti na lang at hindi na masyadong kumalat ang nangyari sa media dahil pare-parehong hindi magiging maganda ang epekto saamin non.
------
Nagring ang phone ko.
"Hmm?" Malambing na sagot ko.
"You ready? I'm on my way!"
"Yes baby, labas na ako don na lang kita hihintayin malapit ka na?"
"Yes, I'll hung up now, I love you"
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko sa twing babanggitin nya ang mga katagang inaasam asam kong marinig.
Maya-maya nga ay natanaw ko na ang sasakyan nyang paparating.
Lumabas sya ng sasakyan, hindi ko maitago ang kilig ko dahil ang gwapo nga lalo ngayon.
"Hi baby!" Kiniss nya ako sa noo.
Ayieeee
Feeling ko bago lang ulit kaming nag-uumpisa.
"Tara?" Yaya ko sa kanya at pinagbuksan naman ako ng pinto.
"Daan muna tayong flowershop? Nagpaarrange na ako ng bulalak e."
"Sure baby" sagot ko na lang.
Dumaan nga kami sa flower shop at dinaanan ang bulaklak na ipinaayos nya.
"Ako ang pumili nyan, beautiful isn't it?
Tanong nya sakin.
"Oo naman, tyak na magugustuhan nya yan dahil lahat naman ng pinipili mo e magaganda" sagot ko sa kanya.
"Pero ikaw parin ang pinakamaganda" nakangiting banat nya na nakapagpatameme sakin.
Kinilig ako eeee
Ng makarating kami ay agad nyang ipinatong ang bulaklak sa puntod ni baby. "Baby Justine" dahil sa hindi naman namin alam kung anong gender ni baby ay Justine na lang.
Napagdesisyunan kasi naming pagawan si baby para naman may madadalaw kami kahit wala naman talaga sya dyan.
"Hi baby! Mommy and Daddy are here again" masiglang bati ko ma parang may kinakausap talaga ako.
"Yes baby Mama and Papa are here!"
"Baby!" Saway ko sa kanya dahil ipagpipilitan na naman nya ang mama at papa.
Nag peace sign lang ito at ngumiti sakin kaya napangiti na lang din ako.
"Baby bukod sa gusto ka naming dalawin, there's a reason kung bakit inaya ko ang mommy mo dito, may gusto lang akong sabihin sa kanya at may gusto lang din akong itanong, gusto ko kasi maririnig mo din anak" makahulugan syang tumingin sakin.
Kinabahan naman ako. Humarap sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Baby! madami akong nagawang pagkukulang sayo at madaming beses na din kitang pinaiyak at sinaktan, gusto ko sanang bumawi at gusto kong gawin yon habang buhay."
Nangingilid na ang luha sa mga mata ko because I know where this is going and I love the idea.
May kinuha sya sa bulsa nya at alam ko na kaagad kung ano yon.
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...