SO AYUN, ISANG MAGANDANG MAGANDANG UMAGA/TANGHALI/HAPON/GABI SA ATING LAHAT. TEKA MALI YATA, ISANG MASAKIT NA MASAKIT NA HAPON SA ATING LAHAT. SA TOTOO LANG AYOKONG SAKTAN KAYO SA MGA LINYANG BIBITAWAN KO, KASO HINDI NAMAN YATA PWEDE NA AKO LANG ANG MASAKTAN SA LAHAT NG PANGYAYARING TOH. ALAM KO LAHAT TAYO NASAKTAN, NASAKTAN SA NAKARAAN, SA MAGKAKAIBANG RASON NGA LANG. HINDI PA RIN MAALIS SA AKING ISIPAN KUNG PAANO NIYA AKO INIWAN AT BINITAWAN PARA LANG SA TAONG SA TINGIN KO NAGBIGAY SA KANYA NG KALIGAYAHAN, MAY MGA ILAN LANG AKONG NARANASAN NA BAKA NARANASAN NIYO NA RIN, NARANASAN NIYO NA BANG MAGING UANANG KAYAKAP NIYA SA TUWING NALULUNGKOT NA SIYA? NARANASAN NIYO NA BANG MAGING BALIKAT NA SANDALAN NIYA SA TUWING NAHIHIRAPAN NA SIYA? NARANASAN NIYO NA BANG MAGING PANYONG PAMUNAS NG MGA LUHA NIYA SA TUWING NASASAKTAN NA SIYA? IN SHORT, NARANASAN NIYO NA BANG MAGING "PANSAMANTALA"?
*Kamusta ka na? Balita ko sobrang saya mo na kasi kapiling mo na ulit siya. Sobrang sayamo na nga siguro noh? Kaya nga siguro hindi mo na ako naaalala. Okay yun, okay yung alam kong masaya ka, masaya ako para sa inyo pero, pero ito ako okay lang. Naiisip ko pa rin paminsan-minsan, napapatanong pa rin ako kung bakit ganun? Bakit ganun na lang? Ang ating nakaraan ang bilis mo naman yatang nakalimutan, dahil ba sa bigla na lang kayong nagkabalikan? Nasaan na yung pangako mong walang iwanan, na hanggang dulo tayo lang,tama ka,tayo lang ay magkaibigan. Hanggang kelan ko kaya sasabihin sayo toh noh? Kelan kaya mauubos lahat ng gusto kong sabihin sayo? Ilang beses ko pa kaya sasabihin na pagod na ako pero nagpapatuloy pa rin ako? Kelan kaya noh? Ikaw kaya? Kelan mo kaya maiisip na mahalaga din ako din ako sayo? Na mahalin mo din ako? Sobrang swerte niya noh? Ako yung laging nandito para sayo pero siya pa rin yung pinili mo! Naalala mo ba nung minsan? Nung minsang tinanong kita kung ano nga ba talaga tayong dalawa. Tawang-tawa ka nung mga oras na yun. Akala ko tawang-tawa ka dahil sa sobrang saya dahil sa wakas naitanong ko na kung ano nga ba talaga tayong dalawa. Sabay sumgaot ka ng, "Bes okay ka lang ba? Alam mo namang kaibigan lang kita." KAIBIGAN? Pusang pagkakaibigan naman pala toh noh? BES MO MUKHA MO! Ako yung nandyan nung iniwan ka niya, pero bakit nung bumalik siya , ako yung iniwan mo? Andami ko iniwan para sayo pero bakit ikaw, iniwan mo ako? Hindi ko alam eh, hindi ko alam kung bakit kelangan mo pa siya samantalang nandito naman ako, yung babaeng PANSAMANTALA mo. PANSAMANTALANG mahal mo. Totoo. Totoo ginawa ko lahat,ginawa ko lahat para makita mo na ako na yung babaeng ito. Ako yung babaeng nagmamahal sayo ng totoo. Ako yung babaeng hindi ka iiwan kahit gaano ka ka-gago. Ako yung babaeng walang ibang gusto kundi yung kaligayahan mo. Kaso pagod na ako, gasgas na gasgas na'tong puso ko pero hindi mo pa rin nakikita yung halaga ko, hindi mo pa rin nakikita na ako na toh. Yung babaeng nagmamahal sayo pero bakit ganito? Bakit ganito na naman? Ako na naman yung nagmukhang tangaa sa lahat ng toh. Eh ano pa nga bang magagawa ko, eto lang ako, KAIBIGAN mo lang ako. Mas maganda ba siya? Mas sexy ba siya? Ako ba yung laging nagkukulang? O ikaw lang yung hindi marunong makuntetnto? Hindi ko alam kung ano bang meron siya na wala sakin. Bakit mas pinili mo siya kesa sakin? Tanga ba ako dahil minahal kita? O mas tanga ka dahil mas pinili mo siya? Siya na walang ibang ginawa kundi ang IWAN at PAASAHIN ka. Sino ba talaga saming dalawa? Ang hirap ko bang mahalin? Ang hirap ko bang piliin? Kasi kung OO ang sagot mo, eh "Bes nakapag-kilay na nga ako pero bakit pinagpalit mo pa rin ako?" Ang daming tanong sa aking isipan pero tila wala pa ring kasagutan. Dahil ba sa ating dalawa eh wala naman talagang namamagitan? Mga tanong na paulit-ulit pero andami pa ring bakit. Habang pumapatak ang mga luha ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, pumapatak naman ang mga luha sa mata mo dahil sa sobrang galak dahil kasama mo na ulit siya. Hindi ko alam eh. Hindi ko maintindihan kung dapat bang minura na lang kita o mas dapat yatang minura na lang kita. Binigyan kita ng maraming pagkakataon, pero anong ginawa mo? Ginawa mo lang akong tanga. OO, tanga ako, oo, PANSAMANTALA nga kung tawagin dahil ni minsan hindi ka naman talaga naging akin. OO, alam ko, siya muna bago ako. Sa kung paano mo hawakan ang kamay ko eh sakto sa higpit ng paghawak mo sa mga kamay niya. Sa kung paano mo tinawag ang pangalan ko eh sakto sa lambing ng pagtawag mo sa pangalan niya. Sa kung paano yung mga yakap ko eh iba yung katumbas nung pagyakap niya. Akala ko ako na eh. Akala ko tayo na. Akala ko pwede na. Pusang akala ko na naman. Sana, sana mahalin ka din niya tulad ng pag-aalala ko sayo, sana sabihin din niya sa lahat ng tao kung gaano siya kaswerte dahil siya yung pinili mo. OO, ang sarp pakinggan na handa kitang mahalin habang wala pa siya. Masaya ako para sa nyo, pero sa tingin ko, mas magiging masaya ka sana kung ako yung pinili mo. Yung babaeng PANSAMANTALA mo.
---------
THANK YOUU
BINABASA MO ANG
TULA PARA SA PAG-IBIG
PoésiePara sa mga nagmahal, nagmamahal, umasa, umaasa, nasaktan, at patuloy na nasasaktan dahil sa pagmamahal na paulit-ulit lang tayong umiikot sa mundong kahit anong gawin natin hindi na natin maiwasan ang ganito. Kay kung kayo ay isa sa mga ito, para...