LIHIM

49 0 0
                                    


Noon palang gusto ko nang sabihin sa iyo 

Itong nararamdaman ko

Kaso, nahihiya ako

Pano nga ba, parang may sugat yata tong puso ko

habang nakikita kita sa malayo

na hindi ka kapiling sa tabi ko

kasi gusto kitang mahagkan kahit ilang segundo

masaya lang ang puso ko.


Bawat araw, bawat minuto, bawat segundong gusto kang makita

parang baliw na tong puso ko sayo oh, sinta

parang hindi mabubuhay kung wala ka

nagtatanong sa mga kaibigan mo kung nasan ka

pero andun kalang pala, may kasama ng iba

parang tinadtad ng sampung kutsilyo yung puso ko habang nakikita ko kayong dalawa

nagtatawanan, naghaharutan at kung ano-ano pa

basta sa nakikita ko sayo, masaya ka sa kanya


Kaya tumakbo ako kung saan-saan

para mailabas ang sakit na nararamdaman

umupo sa damuhan

walang pakealam sa kung sinong dumadaan

ang sa isip ko lang, bakit mo ako sinasaktan

sa bawat patak ng luha sumasabay din ang ulan

ang ulan

na kung saan,

naiintindihan ang aking nararamdaman



Salamat! 

At nabawasan din ang sakit

tumingala sa langit 

humiling ilang saglit

na sana wala na yung sakit


Umuwi sa bahay nakita si inay at si itay

na naghihintay

lumapit sa kay inay

at tinanong kung bakit ganito ang aking buhay

sabi ni inay,

ganyan talaga ang buhay

parang sa tulay,

susuungin mo, kasi sa dulo ng tulay

doon mo makikita ang tagumpay

kung ikaw ay maging tunay 

sa iyong buhay.


Nabuhayan ang puso

isaisip na dapat hindi sumuko

dahil bukas ay mag-aamin na ako


Pagsapit ng bukas

ito na ang tamang oras

isinuot ang paboritong kwentas

at sinuung ang daan patungo sayong landas


Nakita kita

walang kasamang iba

nilapitan ka

at sinabing gusto kita


Hindi alam kung ano ang gagawin

hindi alam kung ano ang sasabihin

basta ikaw lang sa aking paningin

nananalangin na sana ako ay gusto mo rin


Wala siyang sinabi

kaya ako ay umalis sa kanyang tabi

at sinabing  kalimutan nalang ang aking nasabi

kaya ang puso ko ay hapdi na hapdi


Umupo sa damo

at pinakawalan ang sakit ng puso ko

may lalaking pumunta sa tabi ko

tiningnan ko kung sino,

ang mahal ko!

bakit mo ako sinasaktan ng ganito!

bakit hindi mo ako gusto!

may nasabi siya sa tenga ko

tama ba ang narining ko?

na gusto niya rin ako?

at ang sabi niya" 00"!



LIHIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon