- 26 -

13 1 0
                                    

Miruelle


Isang napakatamis na ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Gina habang dahan na dahan na naglalakad patungo sa altar. Nakangiti man ay hindi nakawala ang mga luhang malayang dumadaloy sa kanyang pisngi.
Luha ng kasiyahan.

Sa wakas, ito na ang araw na pinakahinihintay nila Gina at Klint. Ang kanilang pag-iisang dibdib. Hindi ganun kalawak ang nalalaman ko tungkol sa love story nila pero base na rin sa naikwento sa akin ni Margs at Gina alam kong hindi rin madali ang pinagdaanan nilang dalawa para sa wakas ay makamit ang araw na ito

Likas na maganda si Gina. Ngunit hindi ko maitangging mas gumanda siya ngayon sa suot niyang wedding gown. Simple lamang ang disenyo nito ngunit hindi maipagkakaila na nagmukha itong mamahalin dahil kay Gina. Though, alam ko naman na pinagkagastusan talaga nila ito.

Nakalugay ang kanyang buhok dahilan para malayang tangayin ito ng hangin. Samantalang si Klint naman ay nakasuot ng pulos puti. Puting long sleeves at puting pants. Bagay na bagay para sa isang beach wedding.

Nang makarating si Gina sa altar ay hindi na nag-aksaya ng oras si Klint at agad niyakap ang asawa at siilin ng halik dahilan para sawayin ng pastor na magkakasal sa kanila. Kami naman ay lumuluhang tumatawa sa nasaksihan. Halatang hindi na nakaghintay ang dalawa sa pagkasabik.

Habang nasa kalagitnaan ng seremonya ay hindi ko mapigilan ang mapalingon sa bandang kaliwa kung saan nakaupo ang mga lalaking bisita. Kanina ko pa kase ramdam ang mga matang nakatingin sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil mga mata agad ni Matthew ang sumalubong sa akin.

Ang aking kasintahan.

I can't help but to blush whenever I heard or say the word kasintahan or boyfriend. We're official. Kami na! Sinagot ko na siya kagabi.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sa ilang beses na pagtanggi ko sa pagmamahal niya at pag-iwas ay sasagutin ko rin pala siya.

Wala eh, natakot akong baka makuha pa ng kung sinong bruha ang aking ermitanyo. Ang ermitanyong tulad niya ay dapat lang mapunta sa dyosang tulad ko. Haha. Oo na self proclaim na kung self proclaim. Pero Dyosa naman talaga ako, sabi ng boyfriend ko.

"Hoy, ang mata kung saan saan napapadpad. Don't worry hindi na yan maaagaw ng witch. Iyong-iyo na yang ermitanyong yan. Focus muna sa seremonya." Bulong sa akin ni beshy na ikinaikot ko ng mata. Coming from her? Eh kung tutuusin kulang nalang lumuwa ang mga mata niya kakasulyap kay Arkin. Hays.

"Tss. Whatever Garet." And this time siya naman ang umikot ang mata.

"Yan wina-wateber wateber mo na lang ako ngayon porket kayo na. Kung hindi ko pa kayo nahuli kaninang naghahalikan hindi pa aamin na kayo na." Masungit na sabi nito at tinuon mulit ang atensyon sa seremonya.

Ako naman ay tila naubusan ng sasabihin. Okay, she hits me.

Kaninang umaga kase dinalhan ako ni Matt ng breakfast in bed with fresh flowers. Margs wasn't there in our room kase maaga itong bumaba dahil nagkayayaan silang mag jogging nila Ann at Kate.

Tss. If I know gusto lang nilang sulitin ang oras na magkasama sila ni Arkin. Dinahilan pa ang pag j-jogging with Ann and Kate. Saan ka nakakita ng wedding day ng kaibigan mo tapos mag j-jogging? Wala pa akong nakita or narinig na ganun.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon