A/N:
The Ghost and I.
Published in Wattpad on 08/06/14
Written by:Lola Shinang
This story is under HAERONHERC's Witch Hazel Yarrow
Dedicated to: @AnthonySibog
Happy Birthday ha.
**************************
Prolouge....
Isang 19 anyos na babae ang mabilis na tumatakbo habang umiiyak. Kani-kanina lang ay sakay pa siya ng kotse niya na minamaneho niya mula sa kanila. Subalit tila hindi pa ata siya nasiyahan sa mabilis na pagpapatakbo dito kaya inihinto niya sa gitna ng kalsada ang kotse at saka tumakbo.
Nakasuot siya ng puting bestida na lagpas tuhod ang haba. Naka ayos ang kanyang buhok at naka-make up din siya na tila galing sa isang piging.
Subalit kapansin-pansing umuwi siya na parang sawi sa naging lakad niya.
Panay ang takbo niya at hindi tinitingnan kung saan siya patungo. Panay ang pahid sa mga luhang pumapatak sa kanyang mga pisngi.
Sunod-sunod din ang pagbusina sa kanya ng mga sasakyan sa tuwing siya'y napapadaan. Ang mga sasakyan na ang siyang humihinto at umiiwas sa kanya subalit tila hindi niya alintana ang panganib na dulot ng mga ito.
May ilang mga driver na ang sinisigawan siya. Ang iba'y napapamura pa sa kanyang ginagawang pang-aabala subalit, tila bingi na siya sa ganoong sitwasyon.
Hindi niya sila pinakikinggan.
Ni hindi niya tinitingnan.
Para siyang tumatakbo sa lugar na pagmamay-ari niya.
Kung saan siya lang ang naroon at wala ng iba pa.
Hanggang sa unti-unting nalinis ang kalsada dahil wala pang mga sasakyang dumadaan. Tumahimik ang paligid at lalo siyang nalungkot.
Nalungkot.........
Lungkot na tila ba nasawi sa kung saang pakikipagtunggali.
Dahan-dahan siyang napahinto sa pagtakbo at palakas ng palakas ang kanyang pag-iyak hanggang sa mapuno ng kanyang tinig ang paligid.
Pag-iyak na may halong pagsigaw. Paninisi sa kanyang sarili.
Naroon lang siya sa gitna ng kalsada hanggang sa unti-unting umulan.
Tila ba ang langit ay nakikisimpatya na sa kanyang nararamdaman.
Sa lakas ng ulan, hindi na nababakas ang kanyang mga luha. Subalit patuloy pa rin siya sa pagtangis.
Hanggang sa tumakbo na naman siya.
Tumakbo kahit hindi alam ang patutunguhan.
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.
Wala siyang pakialam.
Maya-maya'y ngumingiti na siya habang tumatakbo.
Dumidilim na ang paligid.
Naghahalo ang dilim at liwanag dulot ng pag-aagawan ng gabi at araw.
At dumagdag pa ang malakas na buhos ng ulan na nagpakapal pa sa dilim ng paligid.
Lumiliwanag lang dahil sa iilang mga poste sa gilid ng kalsada na may kalayuan ang mga agwat.
At dumagdag din sa liwanag ang pailan-ilang ilaw ng mga sasakyang dumadaan sa kalsada at nilaglagpasan siya habang binubusinahan.
Maya-maya'y tumahimik muli ang paligid.
At dahil dumidilim na, tila ba nakakapangilabot na.
Pero siya--------
Ganun pa rin.
Tila may sarili nang mundo.
Hanggang sa isang rumaragasang ten wheeler truck ang mabilis na dumarating.
Hindi siya napansin ng driver at ng mga kasamahan nito.
At kahit ang babae ay hindi rin naman napansin o nadidinig ang paparating na truck.
Hanggang sa...........
Blag!
*******************
Ano kayang mangyayari?!
Alam kong alam niyo na, sus madali lang hulaan di ba? Pero ang tanong-------
Ano kaya ang kwento ng kwentong ito???
Let's see......