Chapter 13

16 1 0
                                    





Savvine POV


Nakita ko si Zayke na pasakay nang elevator kaya sumunod ako sa kanya.Napakunot ang noo niya nang makita ako kaya nginitian ko siya nang tipid at sumabay sa kanya sa pagsakay.

Pinindot niya ang button nang first floor at sumandal na sa dingding.

“Zayke.”I called. Hindi siya lumingon sa'kin pero alam kong nakikinig lang siya kaya nagpatuloy ako.

“Help me escape, ”bulalas ko na ikinakunot lalo nang noo niya pero straight parin ang tingin niya.“help me escape from Zain.”ulit ko.

“Akala ko ba okay na kayo.”

“Okay nga ako sa paningin mo but that doesn't mean I'm also okay from the inside.I had to pretend to survive.”

“Zayke,I'm sorry dahil nasampal kita but you deserve it naman but I'm sorry.I am also sorry that I let you think na niloko lang kita.”

Lumambot ang expression niya pero hindi parin siya kumibo.Naiinis na ako.Nagsorry na nga ako wala parin siyang say.

“Zayke!”sumigaw na ako.Kung kailangan kong inisin siya para lang magsalita siya gagawin ko.“Ayoko na dito okay!Gusto ko nang malayo sa kanya!”

“And escaping is your best solution? ”

“It's the only solution para hindi ako matulad sa iba.Di mo ba alam mahal ko pa ang buhay ko!”

“I already helped you and did you forgot I'm his friend? Kaya ko lang sinabi sayo ang katotohanan tungkol kay Zain para aware ka sa taong kasama mo at para ilayo rin sya sa maaring ikasira lalo nang pangalan niya at nang kompanya.”paliwanag niya.

Ginawa niya pala lahat nang ito hindi para iligtas ako kay Zain kundi para iligtas siya sa'kin.Hindi ko alam kung bakit pero na-disappoint ako at kumirot ang puso ko sa katotohanang yon.Napayuko na lang ako at napapikit.I so hate this feeling of being hurt.

“So,wala talaga akong maasahan sayo?”tanong ko,hoping he change his mind.

“No.Zain is my friend. You're not enough for a reason to be a traitor.”

“Ano bang nagawa ko sayo?”napabusangot na lang ako.“are you not aware na nasaktan ako?”hindi niya naman kasalanan na nasaktan ako.I am no one to him.And he's no one to me.Ang gulo lang nang puso ko.





Natatakot pa akong bumalik sa kwarto namin ni Zain kaya sa terrace ako dumiretso matapos kong iwan si Zayke.

Naka-indian seat ako sa isang madilim na parte ng terrace at sumandal sa malamig na pader.I close my eyes nang makaramdam ako nang antok.Kailan kaya ako muling makatulog nang matiwasay?

“Bakit diyan ka natutulog?”

Pati sa panaginip ko'y naririnig ko ang boses niya.

“Wake up!”

Bigla na lang akong namulat nang may tumapik sa pisngi ko.

“Zayke naman oh!”inis kong singhal dito.Bakit palagi ko na lang siyang nakita!kahit saan na lang palaging andon siya!“why can't you all just leave me alone!I'm human I need rest!”

Nakatalungko sa harap ko si Zayke at pinagtaasan ako nang kilay.

“Bakit diyan?”

“Dahil andon sa kwarto si Zain.”bulong ko at muling napapikit.

“Bakit ano ba kasing nangyari?”tanong niya.“kanina naisipan mong tumakas,tapos ngayon natutulog ka sa terrace. ”

“Nagtanong ka pa.”I glared at him.

Bigla siyang napangisi nang mapang-asar.

May topak yata ang isang 'to.Kanina ang lamig nang pakikitungo sa akin,ngayon naman parang close kami.

“Nakadisturbo pala ako kanina.”napailing siya habang nakangisi parin.

“Yeah,he's totally pissed.”sang-ayon ko.“hindi mo siguro napansin but you saved me.”

“It's what we called ‘luck’.I didn't save you.”

“I hate you.”naibulong ko kaya ayon tinaasan na naman niya ako nang kilay niya.Ang sarap daanan nang blade,mas maganda pa sa akin.

“Sometimes you're too annoying and hateable but sometimes you act like you cared.”

“First and foremost, I never care for you.I just want you to be aware na maraming masama sa mundo kahit pa yong malalapit sayo.At saka para man lang may nagagawa ako sa mga inosenteng katulad mo.”

“Wow!The world is really grateful to have you.”I smiled sarcastically. “bakit hindi mo na lang kaya lubos-lubusin and help me escape. ”

“Yon parin ang plano mo?”

“Meron pa ba other than that?”

“Then I can't help you.”ni hindi man lang niya pinag-isipan.“and stop expecting people to save you everytime. It's your job to save yourself.”

“Fine.”I don't want to beg.Hindi ko naman mapilit ang isang taong ayaw talaga.Besides sanay naman akong mag-isang lusutan ang lahat.“I can do it myself.”

“Magdasal ka na lang na hindi ka niya mahuli dahil kapag nangyari yon you might end up bruised just like the other.”

Agghh!I'm so freaking dead!

“Tumayo ka na diyan.”nauna na siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.

“Dito lang ako.”

“Hindi karin naman makapagpahinga sa kalagayan mo eh!”

“Wala kang pakialam diba?Kaya sana naman tigilan mo na yan!Paasa ka eh!”singhal ko sa kanya.

Napakamot na lang siya sa ulo niya,“come on,hinanap ka ni Zain.”

“Hindi na nga ako babalik doon!”

“Doon ka magpahinga sa kwarto ko.”

Napatingala ako sa kanya at siya nama'y hindi makatingin nang diretso sa akin.

“Bakit?”

“Para makapagpahinga ka nang maayos.”nakasimangot naman niyang sagot.

“Bakit nga?diba ayaw mo na akong tulungan?”

“Papatulugin lang kita sa kwarto ko pero hindi kita tutulungan sa pinaplano mo.”pagbigay linaw niya.

“Ayaw mo talaga akong tulungan?”ayaw ko pa ring tumigil eh noh?

“No.”

Napanguso na lang ako.

“Maraming dumating na problema ang kompanya lalo pa at papabagsak na ito kaya we're trying our best para ma-save ito so we're gonna be busy.Kaya gamitin mo na lang yong kwarto ko since I think hindi rin ako makapagpahinga ngayon.”

“Hindi mo naman kailangang sabihin sakin,wala naman akong pakialam.”nag-inat ako nang kamay pero nakita ko si Zayke na nakatingin parin sakin.“Mauna ka na.”

“Tumayo ka na nga kasi diyan!”bigla na lang niya akong sinigawan.“Nagmatigas ka ba dahil ayaw kitang tulungan?You're acting like an immature! ”

Galit akong napatayo at hinarap siya.

“Okay lang sa akin na hindi mo ako matulungan!I just want to be alone! Why can't you just back off!”punong-puno na ako sa lalakeng 'to!Bakit kapag nagkaharap kami walang oras na hindi kami nag-aaway!at bakit hindi na lang din niya ako pabayaan!

Napabuntong-hininga na lang siya.

“Suit yourself.”may dinukot siya sa kanyang bulsa at initsa ito sa akin na nasalo ko naman.Tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo.

Napatingin ako sa palad ko,its the key to his room.

Escaping With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon