Chapter 32

5.9K 208 17
                                    

Chapter 32

MIA

Nagising ako kinabukasan ng magaan ang pakiramdam ko. Unti-unti ring sumilay ang ngiti sa labi ko ng maramdaman ko si Ash sa tabi ko---pero joke lang. Umuwi ako sa bahay ko kagabi at mag-isa pa rin ako dito. Nagpalipas lang kami ng ilang minuto sa bahay nila bago niya ako inihatid sa may gate dahil walang kasama si Lara.

I can say that we already fixed our problem and we're back to normal. I can finally talk to him without a heavy chest. Noong nasa malayo ako, naisip ko na wala namang mangyayari kung hindi ako nagpadala noon. I mean, I tested his patience a couple of times and I just reached his limit that night. Sinabi ko din sa sarili ko na kapag makikita ko ulit si Ash, matututo akong magbigay ng chance.

"Coffee?" Napatingin ako sa pintuan at bumungad doon si Jen. Yes, nasa office na ako at napatulala lang kanina.

"I had my breakfast." I smiled at her. Tinignan lang niya ako at tinaasan ng kilay saka naglakad palapit. Inilagay niya ang baso sa lamesa ko saka humalukipkip.

"Himala. Sinipag ka yatang magluto today?" She asked me.

I smiled again. "I didn't cook." I answered.

Kumunot ang noo niya. "Nagtake-out ka?"

"Nope." I laughed softly.

Lalong kumunot ang noo nito kaya lumapit ito sa'akin saka inilagay ang kamay sa noo ko. Nang makitang hindi naman ako linalagnat ay namewang ito at inobserbahan ang mukha ko.

"May dapat ba akong malaman?" She asked seriously.

"Tapos ko na ang report?" Patay malisya ko sa gusto nitong malaman.

"That's good to hear. What else?"

"Uuwi ako kina Ate sa weekend." Tumawa ako na parang bata.

Agad namang tumaas ang kamay nito para hilain ang buhok ko ng mahina. "Mia!"

Sinimangutan ko siya at tinignan pero ang gaga, pikon na pikon na ang mukha.

I laughed.

"Someone cooked for me." Sumeryoso ako at tinikman ang ibinigay nitong kape kanina.

Lumiwanag agad ang mukha niya at lumapit. "Sino? Lalaki? Are you seeing someone now?" She asked continuously.

"Lalaki. I can't tell you his name yet. We're just friends." I smiled after I told her.

"Mukha mo." She smirked. "Saan mo siya nakilala? Sa bagong bahay mo ba?" She asked again.

"Oo."

Napasinghap ito. "Bilis a. Mabait? Pinagluluto ka niya everyday? Iniuwi mo na siya?! Breakfast talaga?"

Tumawa ako at napailing. "Oo, mabait. Kapag may time siya, he'll cook. Hindi. Malapit lang bahay nila." I answered to all her questions.

She pouted her lips. "Masaya ka?"

"Of course."

Lalong humaba ang nguso nito pero yinakap niya rin ako kalaunan.

"Akala ko pa naman may pag-asa na si Ash pagbalik mo dito. Tangina niya rin kasi, ba't umalis?" Naiinis na sabi nito. Buti na lang at hindi ako umiinom ng kape at baka naibuga ko agaddahil sa sinabi nito.

I just calm myself by simply breathing.

"Pero okay na rin basta happy ka. Deserve mo kasi 'yun. Go lang girl, fighting!" She raised her fist.

Tumawa ako pero hindi ko alam kung para saan, kung dahil na sa fighting ni Jenny o sa hindi ko masabi na si Ash rin ang tinutukoy ko ngayon.

"Fighting!" Sagot ko na lang din.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon