Author's note muna po :)

93 2 5
                                    

.

.

.

Author's Note:  

Ginawa ko po itong story na simple complicated love noong second year high school pa ako. So, siguro po may idea na kayo kung ilang taon na ako. Joke lang po! Bata pa po ako. HahaxD ayy ewan. 

.

Ito po talaga ang pinakafirst story ko bago yung ibang one-shot stories ko.

.

Bakit ngayon ko lang po napost sa wattpad? Kasi po hinanap ko pa po yung soft copy nito. Ganto po kasi yung story behind simple complicated love.

.

One time po kasi, nagannounce yung teacher namin na gumawa daw kami ng script na kahit anong genre at yun yung magiging project namin. Yung iba excited pero yung iba naman naiinis dahil wala silang interest sa pagsusulat. Ako wala lang. Go with flow lang po ang peg ko. Nung mga time na yun, wala pa akong nagagawa ni isang story dahil mahilig lang ako magbasa ng libro at hindi ang magsulat pero palagi na lang ako nagiisip na, "paano kaya kung ganito? paano kaya kung ganun?"

.

Then, nagtry na akong magsulat ng story with my own imagination. Para nga daw akong baliw sabi ng kapatid ko dahil kinikilig at nangingiti ako habang nagsusulat nung story. Ayun, hindi ko namalayan na natapos ko na pala yung story! Hahaha! Basta sinulat ko lang yung mga gusto kong mangyari sa mga characters ng story na ito. Tapos tinype ko pa siya at pinagpuyatan ko para maging maganda yung flow ng story.

.

Pascript talaga siya. Yung puro dialogue lang? Kaya medyo hindi ako natagalan sa paggawa. Tapos pinasa na namin. Sayang nga at hindi na naibalik yung gawa ko. 

.

Tapos after ilang years, hahahaxD basta yun. Nakalimutan ko na may nagawa pala akong story. Nawala na talaga siya sa isip ko. Yun pa man din yung first story na ginawa ko kaya naging mahalaga din sa akin yun. As in, nakalimutan ko talaga. Then, nagbukas ako ng laptop tapos inayos ko yung mga folders at kailangan ko ng magdelete dahil sa sobrang dami ng documents na nakalagay.

.

Tapos ayun na nga, nung inaayos ko na, nagtaka lang ako dahil may nakita akong isang document. Binuksan ko siya. HALA?! WHAT?! Nagulat talaga ako dahil nandun lang pala yung story na matagal ko ng ginawa tapos ngayon ko lang nahanap?! Grabe! Sobrang saya ko kasi akala ko talaga nadelete or nawala siya pero nandun pa pala! 

.

Eh hindi ba pascript yung document? Ang ginagawa ko na lang is bago ako magupdate ng chapter. Super edit talaga ang ginagawa ko dahil may dinadagdag at binabawas pa ako. hahaxD Mahalaga talaga sa akin yung story na ito dahil parang natatawa ako sa sarili ko na nakagawa ako ng story kahit ang bata ko pa nun. HahahaxD :))

.

So ayun, dun na nagtapos. Haha! Yun po ang story behind simple complicated love. Matagal na story pero ngayon ko lang pinost. xD

.

Alam ko po para sa iba, cliche na itong story. Naiintindihan ko naman po kayo. Hindi ko naman po kayo pinipilit na magbasa.^^ Gusto ko lang naman po sanang i-share kung ano man yung nagawa ko story noon na kung saan first time kong gumawa at magsulat ng isang story. Sana po maintindihan niyo. :)

.

Ayun lang po! ^^ thanks for time! Mahal ko po kayo :) <3

.

.

VOTE, COMMENT, OR SHARE PO :D

KAMSAHAMNIDA/ ARIGATOU GOZAIMASU! (THANK YOU!) :**

♥♥ yuri sakura ♥♥

xoxo

Simple Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon