Chapter 2 - Uncovered Feelings

24 2 0
                                    

Hindi na ako muling nakatulog matapos ang tawag ni Tristan. Well, dalawang bagay lang naman ang gumugulo sa isip ko. Una, ang undying love ko sa pinsan ko. Pangalawa ay kung anong music piece ang kakantahin ko. Kaya bago pa ako ma stress ay naligo na ako at naghanda ng sarili kung breakfast at mabilis na kumain.

Im leaving alone since I discovered my feelings for Tristan. Nakatira ako sa bahay nila for 10 years. Halos sabay na kaming lumaki ni Tristan. My parents died when I was 7 in a plane crash. After nun ay kay Auntie Jean na ako pinatira since wala akung kapatid. Aunt Jean is Tristan's mom and my father's sister. Kaya kami naging mag pinsan, Unfortunately :/

Pinilit ko talaga si Auntie na bilhan ako ng sarili kung condo. Sa una ay labis ang pagtutol nilang dalawa dahil wala silang sapat na dahilan even my excuse its not acceptable "I just wanna practice myself living alone". That is the exact sentence I said to them pero wala nalang din silang magawa at binilhan ako. Ang akala ni Tristan ay dahil pa rin ito sa Silent pero sa huli ay desisyun ko ang nagwagi. Wala naman akung problema sa pera dahil hindi ako iniwan ng parents kung pulubi. Pero sa ngayon si Auntie Jean muna ang nakahawak sa pera ko at kumokontrol sa gastusin ko habang minor pa ako. Which is okay kung wala lang talaga ang Silent.

Naalala ko na naman si Tristan. Sabihin niyo nga, mali ba talagang ma fall sa pinsan? Argh. Stupid question. Minsan parang gusto kung magdasal na sana ampon si Tristan o kaya sana ako ang ampon para hindi kami blood related. :/

Bago pa ako mawala sa katinuan ay niligpit ko muna ang pinagkainan ko at naglinis ng condo. Hindi naman siya sobrang laki. May sarili akung kwarto na may maliit na sala set sa gitna. Outside my room is a big sala connecting to my kitchen. Puno palagi ang ref ko dahil linggo linggo nagdadala ng grocery si Auntie Jean minsan nga si Tristan ang nagdadala. Naalala ko naman ang araw na pumunta si Tristan sa condo ko at kung kailan kami nagka usap tungkol sa Silent.

Tok.Tok.

Agad akung napabalikwas ng bangon ng marinig ang katok na iyon sa pinto. Siguro si Auntie Jean na iyon. Miss ko na kasi siya. Pagkabukas ko ay agad nawala ang ngiti ko. Its Tristan. And that familiar heartbeat again.

"Hi" He greeted hesitantly. Dala dala ang dalawang bag ng grocery items.

"Bakit ikaw ang nagdadala niyan?" I said coldly. Alam kung napapansin niya ang coldness na ipinapakita ko pero pinipilit lang niyang umaktong normal. Alam kung nasasaktan ko siya. Ako rin naman eh. :( Im sorry Tristan. T.T

"May biglaang inasikaso si Mommy, sorry kung naabala pa kita..." sabi niya na halata ang lungkot sa boses. Gustong gusto ko siyang yakapin kagaya ng nakagawian namin nuon. Pero iba na ngayon. May malisya na para sa akin.

Imbes na sumagot at kinuha ko nalang ang dalawang plastic bag. "Akin na..." Iniabot naman niya sa akin ang plastics. "Salamat" I said coldly. I was about to close the door ng magsalita siya.

"I miss you Cassie, hindi ko alam na malaki pala ang naging galit mo sa akin dahil sa silent." Puno ng hinanakit ang boses na iyon ni Tristan.

No please Tristan. Tama na. Gusto kung sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko pero mali eh. Maling mali.

"I told you, hindi ito dahil sa Silent." I said.

" Then what?!" Halos pasigaw na sabi niya na labis na ikinagulat ko. Ngayon ko lang narinig na sumigaw siya at halatang pinipigilan ang galit.

"Tanggapin mo na Tristan na lahat ay may pagbabago. Pati ako at---" Bigla niya akung hinawakan sa magkabilang braso. Hindi naman masakit. Ang masakit ay ang nakikita kung unti-unting pag tulo ng luha niya.

Sounds of Music ( The Big Dream )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon