- DONTHY -
Ilang linggo na rin ang nakalipas ng mangyari yung paghalik ni cassey sa ilong ko. Para sa kanya parang wala lang yun, dati lang ang kilos niya eh, ako yung parang lutang, kahit kasi nakailang ligo na ako at nakailang make up at powder hindi mawala wala yung pakiramdam ng pagdikit ng labi niya sa skin ng nose ko.
ahhhhhhh - angels singing.
At heto pa gabi gabi ko rin itong napapanaginipan, how she burrowed her head in my neck, yung wet kiss niya, at yung sa ilong haaaaayy para na akong nakarating sa gate ng langit...
ahhhhhhh - angels singing
......ng may sumigaw sa aking tenga.
'' Hoy donthy!!!!! ''
Napapitlag ako at ibinaling ko ang aking ulo sa direksyon ng sumigaw sa akin - si Paul na naman, kasama si melva at andrea. Umupo sila sa katabi ko, nasa bench kami malapit sa basketball court.
'' daydreaming na naman!! '' si melva sabay tusok sa tagiliran ko, napa igtad na naman tuloy ako gawa ng kiliti ko dito.
'' sus for sure si B-E-S-T-F-R-I-E-N-D na naman yan ayieee!! '' gatong pa ni paul sabay pindot sa ilong ko.
'' Ano ba??? '' sabay tapik ko sa kamay ni paul.
Nagtawanan lang yung tatlo, ako kasi lagi ang pinagtitripan ng mga ito when it comes to lovelife. Silang tatlo kasi masasaya sa mga karelasyon nila, ako lang ang single at ako lang din ang les sa amin at straight yung tatlo.
'' oh ano nga? hindi ka pa rin susuko? o magtatapat ka na? '' si andrea, sa tatlong ito siya yung may mas sense kausap.
una talaga dapat yung word na susuko??? hayst!
'' wala '' boring kong tugon, napatingin kasi ako sa varsity players na dumating, andun si jacob ang team captain.
'' wooah hot at pogi donthy, tsk!!! ''
'' sige i down niyo pa ako, mga kaibigan ko talaga kayo no '' tiningnan ko isa isa ang mga ito sabay balik ng mata ko kay jacob.
Matagal na rin nanliligaw si jacob kay cassey, galing din siya sa isang mayamang pamilya sa katunayan kalaban ng kompanya nila ang sa amin, mortal competitor kung baga. But I'm not really sure kung kilala niya ako, everytime naman kasi may gatherings or any events ang company namin hindi ako umaattend as in never pa nga ata. Ayaw ko kasi talaga ng ganung type ng okasyon, napaka boring at yung ibang tao nakikipag plastikan rin lang naman.
Dominika and danika knew me very well kaya ngayong nawala na sila sa kompanya ni dad I'm very sure na ako na ang kukulitin nito after I graduated, that's why this early I'm thinking na how to make myself disappear para hindi ako mahanap ni dad.
I'm still thinking about what will I do after I graduated when I saw my bestfriend walking towards the court. For sure she's going to jacob. Naramdaman kong siniko ako nina paul at melva na nasa magkabilaan kong pwesto. Hindi ko ito pinansin nakatitig lang kasi ako sa napakagandang si Cassandra Imperial.
And speaking of her pala, to give you the most controversial part of what happened that night between me and kiera. Kinaumagahan, sunday. So family day nagpaalam ito sa akin na uuwi na sa kanila. I told her na ihahatid ko na siya pero sabi niya huwag na daw, malaki na daw siya para ihatid. Nagtaka naman ako kasi dati rati naman siya yung palaging nag i-insist na ihatid ko siya kaya alam kong may iba, na may something, may mali.
But I give her the benefit of the doubt, bestfriend ko siya eh. After an hour kiera called me.. sinugod daw siya ni Cassey at kung ano anong sinabi kesyo layuan niya daw ako, and don't ever lay her hands or her lips daw on me. Pasalamat daw ang bestfriend ko at hindi niya ito pinatulan at may delikadesa pa daw siya. Kaya ang parang nangyari si cassey yung mali.
Alam ko naman yun napaka aggressive at palaban itong si cassey pero never pa ito nanakit physically pwera sa akin. Yun daw ang way ng paglambing niya eh kaya pasalamat pa nga daw ako at ang lambing lambing niya daw. Kung alam lang niya ang sakit kaya ng mga palo niya at kurot, pero dahil mahal ko hinahayaan ko na lang dahil for sure kapag hindi na niya yun ginawa sa akin ay mamimiss ko rin naman ito.
So yun ako na ang humingi ng paumanhin mabuti na lang maintindihin rin naman yung isa kaya pasalamat na rin ako.
Maya maya ay nakaramdam na naman ako ng paniniko, si paul.
'' ano ba??? '' asik ko dito at tiningnan ko ito ng masama.
'' look! '' he pointed his lips towards the direction of jacob and cassey.
Sinundan ko naman nga ito, nakita ko na niyayakap ni jacob ang bestfriend ko. Napa iwas kaagad ako ng tingin.
'' sila na ba??? '' si andrea pero ang mga mata nila ay nakatuon sa dalawa.
'' I...I don't know pero hindi pa ata, wala pa namang sinasabi sa akin si bes eh '' I gulped.
Ano ba yan ang sakit naman sa mata na makita na may kayakap na iba ang taong gusto ko.. araay ha.
'' s..sure ka?? '' si melva.
Ba't ba parang nautal pa ito, parang ewan talaga to si melva matanong lang ng sure eh ang dali kaya nun sabihin.
'' sure ka?? '' si paul naman this time, nilingon ko siya.
'' Ano bang problema niyo at sure kayo ng sure???? '' medyo naiinis na ako paulit ulit kasi sila sabing hindi ko alam at ang alam ko talaga hindi.
'' donthy tingnan mo kasi, they're kissing '' saad ni andrea na ang mga mata ay parang nangungusap at nakikisimpatya na naman sa ngayon ay mamamatay ko na atang puso.
I knitted my eyebrows feeling ko kasi nabingi ako eh... pero hinawakan ni melva ang mukha ko at iniharap ito sa court at nakita ko yung dalawa na magkadikitan ang mga labi.
at.....
at....
at....
ang naghihingalo kong puso ay tuluyan nang sumuko, nagpaalam....
at nawasak....
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomanceSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...