10/31 23:59

62 5 0
                                    

Sa kanyang paglalakad, tuliro't puno ng takot at pangamba ay may sumalubong sa kanya. Sa kanilang pagkasalubong ay nawala ang kanyang malay sa hindi niya malamang dahilan. Maaaring pagod mula sa buong gabi niyang paglalakad o sa mga bagay na nangyari bago umalis sa tahanan.

Isang gabi ng biyernes bago ang araw ng mga patay ay nag-ayos na siya ng kanyang kakainin para sa gabing iyon. Siya lamang mag-isa sa bahay sapagkat iyon na ang nakasanayan niya. Tanging ang alaga niyang pusa na madalas pang lumabas ng bahay ang kaniyang nakakasalamuha. Dahil na din sa parati siyang wala. Nagtatrabaho siya bilang isang Sales Clerk sa isang sikat na mall.

Bago siya kumain ay pinaghanda na din niya ng makakain ang kanyang alaga. Pagkatapos maghapunan ay nilinis na niya ang mesa at kusina. Sa kanyang paglilinis ay hindi niya napansin na umalis ang kanyang alaga. Nagsara at kandado na siya ng pinto upang makapagpahinga.

Matapos maisaayos ang lahat ng dapat linisin ay pumasok na ito sa kanyang silid. Nag-ayos na siya ng kanyang sarili upang siya ay makapagpahinga. Hinubad na niya ang ilang damit upang maging komportable at ang tanging natira ay ang kanyang damit na pang-ibaba at maluwang na sando na kulay pink. Sa kanyang pag-iga ay may kumaluskos sa labas ng kanyang silid. Hindi niya ito pinansin sapagkat naisip nito na ang alaga lamang niya ang gumawa ng ingay.

Siya ay humimbing na balot ng kumot at yakap ang isang malaking unan na kulay puti. Sa kanyang pagtulog ay may naramdaman siyang malamig sa kanyang hita. Siya'y naalipungatan at nagulantang nang may imaheng tao sa kanyang harapan. Hindi niya ito maaninag sapagkat madilim ang kanyang silid. Tuliro at hindi niya malaman ang gagawin nang sandaling iyon. Habang pilit siyang tinatanggalan ng saplot ay hinagilap naman ng kanyang kamay ang tinatago nito sakaling may hindi magandang mangyari sa kanya habang natutulog. Napansin naman ito ng lalaki at pinigilan ang kanyang kamay ngunit huli na para pigilan pa iyon sapagkat handa na ito upang gamitin at isaksak sa kanya. Sila ay nagbuno sa igaan at sa hindi inaasahan, nabitawan niya ang kanyang hawak. Siya ay tumayo at dali-daling lumabas ng silid.

Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanyang harapan ang kanyang alagang pusa. May pang-uusig ang mata nito at nakatingala lamang sa kanya. Nilampasan niya ito at naglakad nang dis-oras ng hating gabi.

Sa kanyang paglalakad, tuliro't puno ng takot at pangamba ay may sumalubong sa kanya. Sa kanilang pagkasalubong ay nawala ang kanyang malay sa hindi niya malamang dahilan. Maaaring pagod mula sa buong gabi niyang paglalakad o sa mga bagay na nangyari bago umalis sa tahanan. Sa kanyang paggising, muli siyang bumangon at naglakad ngunit mas magaan at mas tahimik ang buong kapaligiran.

TintangItim24

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10/31 23:59Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon