Katatapos lang niyang gumawa ng mga Financial Statements para sa kanyang kliyente kaya ngayon ay iginupo na naman siya ng malalim niyang pag-iisip. At tulad ng dati ay iisang tao pa rin ang nasa isip niya. Her first and greatest love- Ghean Blanza.
10 years ago…
Kagagaling lang ni Ahmae sa kanilang paaralan nang makatanggap siya ng text galling kay Rose, ang bestfriend niya since time immemorial. Nagpapasama ito sa kanila ni Julia, pupunta raw sila sa bahay ng boyfriend nito. Ayaw sana niyang pumunta dahil sobrang pagod na siya dahil sa lintik na practice nila para sa kanilang ground-demo, pero napilitan na rin siyang sumama rito para naman din Makita niya ito ulit. Ilang buwan naman na rin silang hindi nagkikita eh.
Nasa plaza na sila ni Julia pero wala pa rin ang magaling na kaibigan nila. Pero di na sila nagulat pa, lagi naman kasi itong late sa lahat ng mga lakad nila eh. Ilang minuto na silang naghihintay nang may nakita siyang cute na lalaking umupo sa isang bench na nasa di kalayuan. Kaya nagpasya siya na habang di pa dumarating si Gellou ay lilibangin muna niya ang sarili sa paglalandi. Hahahaha!
“Sobrang cute talaga ng isang ito!” Sabi ni Ahmae sa kanyang sarili habang nakatitig siya ng palihim sa lalake. Sa tantiya niya ay hindi ito matangkad. Siguro ay nasa five-three lang ang height nito. Medyo may pagka-chubby rin ito pero hindi mo naman talagang masasabi na mataba ito. May matangos ang ilong, makapal na kilay at may mahabang pilik-mata din ito. “At yung lips! Gosh! Parang ang sarap halikan!” tudyo ng malinding parte ng utak niya. Manipis kasi ang pang-itaas na labi nito tapos medyo may kakapalan naman ang pang-ibaba kaya parang ang sarap halikan…
Habang lumalandi ang isip niya ay siya namang pagdating ng bruhang kaibigan nila! “Panira talaga ito ever!” anang isip niya.
“Oh, bakit ang tagal mo naman! Kanina pa kami ditto ah!” inis na sita ni Julia ditto.
“Oo nga! Paimportante ka talaga ever!” segunda naman niya.
“Whatever! By the way beautiful girls, but not as beautiful as me, I would like you to meet my man, Ghean Blanza.” Pakilala nito sa lalaking nasa likod na hindi niya napansin kanina.
Laking gulat niya nang makilala niya ito! Ito yung lalaking tinititigan niya kanina pa!
“Shit! Sayang!” hindi niya napigilang naibulalas.
“Huh?? What’s sayang???” sabay na tanong nila Julia at Rose.
Bigla naman siyang napahiya dahil sa sarili. Tinampal niya ang sariling bibig sabay ng paghingi ng paumanhin sa mga kasama. At nang gumawi siya ng tingin sa nobyo ng kaibigan ay nakangiti ito sa kanya na parang naaaliw sa kagagahan niya.
Inilahad nito ang kamay sa kanya sabay pakilala, “Hi! Ghean here, nice meeting you!” saad nito.
Inabot naman niya ang kamay nito at nang magdikit ang mga palad nila ay para siyang napaso tapos biglang parang may malakas na boltahe ng kuryenteng dumaloy sa pagitan ng mga kamay nila.
Yun ang laging naaalala ni Ahmae kapag naiisip niya si Ghean, ang FIRST, GREATEST at sa tingin niya ay LAST LOVE na niya. Hindi na kasi siya nagkaboyfriend pa mula nang maghiwalay sila almost 5years ago. Hindi dahil sa pangit siya kundi dahil sadyang naging pihikan lang ang puso niya mula noon. Hindi siya masyadong kagandahan pero hindi rin naman siya masasabing pangit. Maliit lang siya sa height niyang five flat, morena, at may singkit na mga mata. Isa siya sa mga pinakamatatalino sa klase nila. Lagi siyang may honor. At lalo pang tumaas ang mga grado niya nang makilala nito si Ghean.