My Demon [Ch. 01]
Soyunique's Point Of View
Nakatingin ako sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko. Straight ang buhok ko ngayon dahil basa, pero kapag natuyo na, kumukulot na ito. Hindi naman yung kulot na pangbruha o pangmangkukulam, ah! Ang dami ngang nagsasabi na ang ganda at kakaiba daw ang buhok ko. Dahil sa natural blonde color, nagbabago din ito kapag tuyo o basa. Yun nga, kapag basa ay straight na straight pero kapag tuyo na, kulot na.
Isa daw iyon sa dahilan kung bakit Soyunique ang pinangalan sa'kin ng parents ko.
"Soyu!" Pagtawag sa'kin ni Mama habang pumapasok sya sa kwarto. "Si Angelo tumatawag." Inabot nya sa'kin ang cellphone nya tapos lumabas na ulit.
"Angel." Si Angelo at Angel ay iisa. Sya ang gay best friend ko ever since na nag-aral ako sa Fuentalez High, first year highschool. Tanggap sya ng mommy nya pero hindi ang daddy nya.
Sundalo ang Dad nya at magagalit yun kapag nalaman na hindi sya tunay na lalaki. Kaya kapag umuuwi ng Pilipinas ang tatay nyang sundalo, nagpapanggap ako na girlfriend nya though halos masuka na kami pareho sa sobrang umay. Mommy nya ang nagbigay ng plano na yun para hindi malaman ng Dad nya.
"Sistar, ready ka na ba for school? Malapit na kasi dumating dyan ang byutipul mong bespren." Natawa ako ng mahina sa sinabi nya.
"Wait lang, nagsusuklay pa."
"Okay. Bye. See ya later."
He hang up. Nilapag ko muna sa tabi yung cellphone ni Mama at pinagpatuloy ang pagsusuklay.
Nag-aaral ako sa Fuentalez High, isang prestigious school na puro mayayaman ang nag-aaral pero hindi ako isa sa kanila. Out of 300 students na nagtake ng exam para sa scholar sa paaralang iyon, sampu lang ang pinili at thank God napasama ako.
"Cute ko talaga. Hihi!" Matapos kong magpa-cute ng ilang minuto sa harap ng salamin, kinuha ko na ang backpack ko na nakapatong sa kama at lumabas ng kwarto. Iisa lang ang kwarto sa di kalakihan naming bahay.
Nagpunta ako sa tindahan namin. Ito ang pinagkakaabalahan ni Mama, ang sari-sari store. Si Papa naman, nasa heaven na simula ng magkaisip ako. Kwento ni Mama, naaksidente daw si Papa sa construction site na pinagtatrabahuan nito. Kahit wala na siya, feeling ko nasa tabi pa rin naming siya. At ang kwintas na niregalo niya sa’kin ang nagsisilbing alaala niya.
Nagulat ako nang makita ko si Angelo na nagbebenta sa batang bumibili ng milo.
"Andito ka na pala. Bilis mo, ah," sabi ko habang kumukuha ng nova sa net na pinaglalagyan ng malalaking tsitserya. Trenta pesos lang kasi ang baon ko kaya para makapag-ipon, sa tindahan nalang daw ako kumuha ng pagkain. Si Angelo naman, sinasabay akong pumasok at umuwi kahit magkaiba kami ng way pauwi para makatipid ako sa transportation.
"Nung tumawag ako sa'yo, nandito na ko eh," sagot nya habang pinagbebentahan ang panibagong bumibili. "Ilan?" Tanong pa nya sa bata.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Genç KurguThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...