My Demon [Ch. 02]
"Ma'am, utang na loob po. Payagan nyo na po akong mag-cr," pagmamakaawa ko for how many times. Nakatayo ako sa tapat ng teacher's desk sa tapat mismo ni Ma'am habang nakahawak sa puson ko.
Sumasakit na nga dahil kanina ko pa pinipigilan 'tong wiwi ko.
"Kaninang lunch break hindi ka nag-cr? Kakasimula palang ng klase. Mahirap ang lesson natin ngayon kaya bumalik ka na sa upuan mo." Inayos nya yung salamin nya at binuklat yung libro na obviously filipino. Filipino teacher sya eh.
"Ma'am sige na po, puhlease! Puputok na po palatubigan ko." Palatubigan? Ano ba yun? Hehe. Ayan kasi ang madalas sabihin ni Angelo kapag nawiwiwi na sya. Ginaya ko lang.
Inangat nya ang ulo nya para tignan ako. "Huh? Edi ba---"
"Ang sakit na po ng bato at atay-atayan ko, ma'am. Kapag ako naihi dito kayo po ang maglilinis. Payagan nyo na po ako, maaaaaaam! Sige naaaaaa!" Kulang nalang lumuhod ako sa harapan nya. Hirap naman pakiusapan nito ni Ma'am De Mauto.
"Sige na nga! Bilisan mo lang at may long quiz kayo pagkatapos kong magdiscuss."
Yes! Napapayag ko din. Hindi naman pala sya mahirap pakiusapan eh. Kaunting pananakot lang. Haha! Panay ang bow ko sakanya habang naglalakad paatras palabas ng pinto ng classroom namin.
"Thank you po, ma'am! Pagpalain po kayo!"
Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom, tumakbo na ako papunta sa cr.
"PUNASAN MO YAN!"
Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang nakakatakot na boses na yun. Parang . . . boses halimaw. Pero parang mas boses demonyo.
Naglakad ako ng dahan-dahan hanggang sa makita ko na may dalawang lalaki ang nakaharang sa pinto ng cr ng girls. Nakatalikod yung lalaking nakahawak sa kwelyo ng isa pa. Yung nakatalikod siguro ang nagmamay-ari ng boses kanina.
Ang ganda ng likod nya. I bet, may abs yan-- ay pack in sheet of paper! Ang bata-bata ko pa kung anu-ano ng lumalabas sa bibig ko. Kasalanan 'to ni Angelo eh!
Ay teka nga! Bakit naman nasingit si Angelo? Sya ba ang bida sa storyang 'to? Ako diba? Tch. Isa pang teka nga! Bakit ba sila nakaharang dyan? Nawiwiwi na ko eh!
Pwede naman nilang gawin yan sa tapat ng cr ng boys, sa field, sa hallway o kung gusto nilang maging confidencial ang moment nilang yan, dapat doon sila sa rooftop. Walang pumupuntang student dun dahil restricted. Tama naman, diba? Dapat doon nalang sila nagpunta kaysa naman dyan na hinaharangan ang cr. Kapag ako talaga nagkasakit sa bato, naku!
"O-opo." Nanginginig na sabi nung lalaki tapos mukhang luluhod kaso di nya magawa kasi ang diin ng pagkakahawak nung lalaking yummy yung likod sa kwelyo nya.
"ASSH***! Tanggalin mo yang uniform mo at ayan ang gamitin mo!"
Haluh, ang sama nya. Inuutusan nya na gamiting pampunas ng sapatos nya ang uniform ng lalaki. Palibhasa mayaman kaya hindi alam ang pakiramdam ng naglalaba lalo na kapag mano-mano.
Isa pang dahilan kung bakit ang sama nya kasi mukhang sya ang magiging dahilan ng pagkasakit ko sa bato ko. Worst, baka maihi ako dito. No! Gross.
"B-bakit uniform ko pa po?" Kitang-kita sa mga mata ng lalaking binubully ni Kuyang yummy ang likod ang takot. Sino ba namang hindi matatakot eh. Boses palang nya . . .
"JUST FCK' DO IT!"
Ay tupa! Napaatras ako sa gulat. Kakasabi ko lang eh. Nakakatakot talaga sya! Pero mas nakakatakot kapag nagkasakit ako sa bato. Wala kaming perang pangpagamot kaya sana wag mangyari.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Teen FictionThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...